KANY "Feel better Moo?" Nag-alala na tanong ni Knight. Alas-otso nang gabi nagising kaming dalawa sa mahimbing naming pagtulog dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko. Ang akala ko, nagkasakit naman ako dahil sa ginawa namin kanina. Iyun pala dumating ang monthly period ko. Sobrang sakit ng puson ko kaya nanginginig ang buo ko'ng katawan at basa rin ng pawis. Kaya ginising ko si Knight. Mabilis naman na bumangon si Knight at kumuha ng basang towel saka nilagay sa puson ko. Nagpa kulo din siya ng tubig para i-hot compress sa tiyan ko. Kaya nawala ang sakit ng aking tiyan. Inalalayan niya ako'ng makasandal sa headboard kama. Pagkatapos inayos niya ang magulo ko'ng buhok. Dahil wala ako'ng napkin. Nilagyan niya lang ng damit ang aking pang-upo para hindi tumagos ang dugo sa aming higaan. Hindi p

