KANY Sarap na sarap kami ni Knight sa pagkain ng inihaw na bangus at sugpo. Hindi na namin nagawang kumain ng kanin dahil kuntinto na kami sa inihaw na bangus at sugpo. Naubos naming dalawa ang nahuli niya kanina. Sobrang sarap dahil fresh at mainit pa. Pagkatapos namin kumain sumakay kaming dalawa sa duyan para magpahinga. Nakahiga si Knight habang ako naman nakahiga sa dibdib niya. Nakapulupot ang kaniyang kamay sa aking baywang. Alas tres na ng hapon kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin. "Moo." Sambit ko. "Yes, Moo. May kailangan ka, may gusto ka ba'ng puntahan? Gusto mo na ba'ng mag kayaking?" Tanong ni Knight. Dahil malapit lang ang katawan namin sa isa't-isa. Naramdaman ko ang kaniyang hininga sa aking leeg. "Busog pa ako, saka hindi ko naman alam paano ang kayaking. Moo,

