Kabanata 15

2692 Words
NAPALUNOK ito bago sunod sunod na napailing. "N-o, hindi naman sa ganoon iha," mabilisan nitong tanggi sa tinuran ko. "Pinatawag kita dahil sa utos ni Dean sa akin," dagdag pa niya na siyang nagpakuha sa atensiyon ko. "Ha? Ano pong inutos ni Dean sainyo?" taka kong tanong sakanya ng bahagya akong makaramdam ng kaba. Ang nagtataray kong awra kanina ay naglaho na lang na parang bula dahil sa mga narinig kong turan niya. Bahagya kasi akong kinabahan e, kinabahan dahil sa kaisipang baka may kinalaman ang ginawa kong pagsagot kahapon sa loob ng office ni Dean, ang lahat ng ito. Kinabahan ako dahil sa kaisipang baka kasi na zero ko 'yong pinasagutan nila ni prof sa akin kahapon, na siyang naging dahilan kung bakit napagtanto ni Dean na ang bobo ko pala, at dahil doon ay baka napag isip-isip niya na hindi ako karapat dapat sa scholarship na meron ako, kung kaya't napagpasyahan niyang tanggalin ang scholarship na meron ako. At baka iyon rin ang inutos niya kay Prof Buenaventura, ang sabihin sa akin na tatanggalan na ako ng scholarship. Mas lalo pa akong kinabahan dahil sa mga naisip ko, kinabahan ako dahil alam ko mismo sa sarili ko na hindi malabong mangyari iyon—na malaki nga ang tiyansang iyon ang dahilan, kasi sa totoo lang, hindi kasi talaga ako gano'n ka sigurado sa mga isinagot ko kahapon. Because like what I've said nakalimutan ko yong pang huling equation na dapat ko sanang gamitin, kung kaya't gumawa na lang ako ng akin at baka dahil nga doon na zero ako which also means that matatanggalan na nga ako ng scholarship—huwag naman sana lord oh! Gusto ko pang makapagtapos at maging abogada someday, at ang scholarship lang na iyon ang tanging daan na meron ako para makamit ko ang pangarap kong maging lawyer. Kaya huwag naman sana. Kaya huwag naman sanang pati iyon ay mawala sa akin. Honestly, I really want to become a lawyer, not for myself but for my mom. Gustong gusto ko talagang maging isang abogado dahil sa kadahilanang gustong gusto kong tulungan ang mama ko na makalaya mula sa kulungan na iyon. I want her out of the jail and also, I want to clear her name to the crime that she never committed. Napag isip-isip ko kasi na kung kukuha kami ng abogado ay mahal ang mababayad namin, wala kaming pera kaya saan kami kukuha? At kung magkakapera man kami mas maiging gagamitin ko ang pera na iyon pang aral ko nang sa gayon ay matupad ko ang pangarap kong maging abogada. At sa oras na maging abogada ako'y tsaka ko pa lang tutulungan si mama na makalabas sa pisteng kulungan na iyon. Kung ako ang magiging abogada ni mama, wala kaming mababayaran. What a great idea, right? Gustuhin man naming kumuha muli ng public attorney para kay mama ay hindi namin iyon ginawa. Why? Is it because we already learned our lesson. Noon kasi, no'ng pagkakulong na pagkakulong pa lang ni mama, humingi ng tulong ang lola ko sa isang public attorney, tulong upang mapalaya si mama at malinis ang pangalan nito sa kaso na hindi naman nito ginawa. Pero ang punyemas na abogadong iyon, imbes na tulungan si mama na makalaya ay mas naging dahilan pa iyon kung bakit mas napahaba pa ang sentensiya ni mama sa bilangguan. Imbes kasi na tulungan si mama ay mas idiniin niya pa ang pangalan ni mama sa krimen na hindi naman nito ginawa. At huli na ng malaman namin ang tungkol sa bagay na iyon, huli na ng malaman namin na binayaran pala siya no'ng Vildamir na iyon para mas idiin pa ang pangalan ni mama sa krimen na hindi naman nito ginawa. Punyeta lang! Kaya kailangan ko talagang maging abogada para makasigurado ako na maiilabas ko si mama sa kulungan at hindi mas madidiin pa sa kasong hindi naman nito ginawa. Makakasiguro lang kasi ako na mapapalaya si mama kesa sa idiin pa ang pangalan niya sa kasong iyon kung ako ang hahawak sa mismong kaso niya. Kaya't I really need this scholarship, para matupad ko ang mga pangarap ko, kaya sana naman mali ang naiisip ko. "Dean saw the both of you yesterday arguing in the lobby which made her think na nag-aaway ka'yo na hindi naman pala raw talaga, right Dashiel?" lumingon siya sa gawi ni punyemas matapos sambitin ang mga katagang iyon. Tumango naman si punyemas bilang pag sang-ayon sa tinuran nito. Napairap tuloy ako sa kawalan dahil doon. Pero kahit gano'n pama'y inaamin ko nakaramdam talaga ako ng ginhawa dahil sa mga narinig ko, akala ko kasi ay ang pagkatanggal na ng scholarship ko ang dahilan kung bakit ako pinatawag rito, pero mukhang tungkol pala ito sa nakita kahapon ni Dean. Sa sigawan namin nong punyemas na iyon. "Dashiel clearly said to me na hindi raw kayo nag away, kung kaya't I am one hundred percent sure na na-miss interpret lang iyon ni ma'am." aniya ng muling lumingon sa gawi ko. Bagot ko naman itong tinanguan bilang pag sang ayon sa kanyang tinuran. sumang-ayon ako dahil totoo naman talaga ang mga sinabi niya. Hindi kami nag-away kahapon ng punyemas na iyon kung kaya kami nagsigawan, nagsigawan kami dahil sa inis na nararamdaman ko para sakanya. Panira kasi ng araw e. Dalawang beses ba naman niyang sinira ang araw ko kahapon. Una, yong sa daan, pangalawa yong sa pagsadya niyang pagharang sa dinaraanan ko kahapon sa hallway na siyang naging dahilan kung bakit ako na late. "Pero kahit gano'n pamay kailangan ko pa rin sundin ang utos ni ma'am," she take a deep breath before smiling, "At—" before prof could finish what she was about to said, the punyemas interrupted her na siyang naging dahilan kung bakit niya hindi naituloy ang balak niya sanang sasabihin. "Ano ba ang inutos ni Dean sa'yo?" umalingawngaw ang baritono ngunit malamig na boses na iyon sa buong kabuuan nitong office niya na siyang naging dahilan kung bakit ako napalingon sa gawi nito, samantalang si ma'am naman ay hindi nagka undaga sa pagsagot sa tanong nito. "I-yon ay ang ipakilala kayo sa isa't-isa nang sa gayon ay m-agkamabutihan kayo," nauutal niyang sagot dulot ng pagkataranta. Naningkit naman ang nga mata ko ng marinig ko ang tinuran niya. Kalauna'y nilingon ko ang gawi niya ng may pagtataka sa mga mata. Pagtataka kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga tinuran niya. E kasi naman, anong pagkamabutihan ba ang tinutukoy niya diyaan? E sa pagkakaalam ko'y hindi ko naman ganoon ka close ang punyemas na iyon para magkamabutihan kami, e sa totoo nga'y magkaaway kami niyon e. At saka isa pa, anong silbi ng ginawa niyang pagpapakilala sa ungas na iyon sa harapan ng klase namin kanina? Virtual na pagpapakilala? O sige ilagay na nating virtual na pagpapakilala nga iyon, pero para saan pa iyon? Para saan pa iyon kung ipapakilala niya rin palang muli ang ungas na ito sa akin? Damn. This is making me confused. "Ha?" ang tanging naitanong ko sakanya dulot ng pagtataka. Napabuntong hininga naman siya. "Diba't sinabi ko kanina na nakita ka'yong dalawa ni Dean sa hallway na nagsisigawan, kung kaya't inakala niyang nag-aaway ka'yo?" she asked and I nodded. Yeah she is right, sinabi nga niya yon pero anong connect no'n sa inutos ni Dean sakanya? Sa inutos na kung saa'y pagpapakilala raw para magkamabutihan kami? Nasagot ang mga katanongan kong iyon ng marinig ko ang mga sumunod na katagang binitawan ni Prof. "At dahil ako yong Professor na papalitan ni Dashiel, which is also mean na magiging Psychology Professor mo rin, ay inutusan ako ni Dean na ipakilala ka'yong dalawa sa isa't-isa para magkamabutihan ka'yo," aniya habang lumalapit sa gawi ko. "Dean asked me to do those favor, dahil sa kaisipang kailangan niyo munang mag kamabutihan bago ako lumisan," dagdag pang ani niya na siyang nagpalito sa akin ng bahagya. E kasi sa totoo lang hindi ko talaga na ge-gets ang mga sinabi niya e. It was like hirap ang utak kung prosesuhin ang mga iyon kahit anong pilit ko. Tila nakita niya ang kalituhan sa mga mata ko dahil sa mga katagang binitawan niya. "Ganito kasi 'yon, sa pag alis ko'y ang papalit sa akin ay si Dashiel, which is also means that he will gonna be your new Psychology Professor, na siyang magiging dahilan rin kung bakit siya ang magiging susunod mong pagsisilbihan," aniya, pagkatapos ay lumingon siya sa gawi ni punyemas, "Alam mo naman siguro ang student assistant rule dito sa school no?" tanong nito kay punyemas. Tumango naman si punyemas, isang palatandaan na alam nito ang tungkol sa bagong iyon. Nang makita niya ang naging sagot ni punyemas ay ngumiti muna ang gaga bago muling nilingon ang gawi ko, "She will gonna be your student assistant, Dash," prof said. In my phireperal vision, I saw how Dashiel nodded, before grinning. Kinilibutan naman ang buong pagkatao ko dahil sa nakita kong pag ngisi niyang iyon. Muling naagaw ni ma'am ang pansin ko ng marinig ko ang muli nitong pagsasalita. "At dahil nakita kayo kahapon ni Dean sa hallway na nagsisigawan, inakala ni Dean na nag-aaway kayo, kung kayat napagtanto niyang dapat ko daw munang pagsunduin kayong dalawa bago ako lumisan. Dahil baka raw hindi niyo magampanan ng maayos ang mga tungkulin ninyo kung magkaaway ka'yo," mahaba niyang paliwanag sa akin. Ang diin ng pagsambit sa mga kataga ay naroroon. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng tenga ko, pero sa pagkakarinig ko kasi'y dinidiinan niya ang bawat katagang sinasambit niya, na wari bang naiinis siya sa akin. Napatanga naman ako dahil sa tinuran niya, like f**k! 'Yon lang naman pala ang dahilan e, pero pinapapahaba niya pa—pinapa complicate niya pa ang usapan gamit 'yang magkamabutihan na word na yan. 'Tas yon lang naman pala ang ibig sabihin. Tss. 'Yon lang naman pala e, akala ko kung ano na! Ang dali dali lang naman palang intindihin no'ng dahilan ni Dean kung kaya niya inutos iyon kay Prof e, pero ng dahil sa paliwanag ni Prof, medyo nahirapan ako sa pag intindi. Hindi kasi straight to the point e. Ang rami rami pa kasing alam na pasikot sikot e. Kung diniretsiyo na lang niya sana, edi sana naintindihan ko agad. Edi sana hindi siya maiinis ng ganito sa akin ngayon. Edi sana hindi niya ko iirapan ng ganito katindi ngayon. Edi sana hindi niya ko tatawaging bobo ngayon. Yes I heard her whispering those words, I am not one hundred percent sure na iyon talaga ang mga katagang ibinulong niya, but the way she said it and sounds it, parang ganoon nga. At dahil doon ay muling nanumbalik 'yong inis at pandidiri na nararamdaman ko para sakanya. "'Yon lang naman pala e, akala ko kung ano na," pagak kong ani sakanya, sinabayan ko pa ito ng pag irap. Akala niya siguro siya lang 'yong marunog mang irap at mang taray. Akala niya siguro nakalimutan ko na ang nasaksihan kong live show kanina dito para irapan niya ako ng gano'n gano'n na lang. Kung naiinis siya sa akin, mas naiinis ako sakanya. Dahil sa hindi ko malamang dahilan. Tinalikuran ko ang gawi nito bago lumakad papunta sa punyemas na lalaking iyon, na ngayon ay prenteng prente lang na nakaupo sa sofa habang ang mga paa ay naka pandekwartro, may hawak hawak itong magazine, at ang mga tingin ay nakatuon lang doon. Prenteng prente lang itong nakaupo habang nagbabasa ng magazine, magazine na kung saa'y ang laman ay purong mga babae na naka bra at panty lang. Napailing nalang tuloy ako dahil doon! Mga lalaki talaga e no! Pati picture pagnanasaan. Totok na totok kasi ang mga mata niya doon e, ni hindi na nga halos kumukurap dahil sa kakatotok doon. Nakita ko kasi 'yong babaeng naka panty at bra lang sa cover page nong magazine, at hindi na ako magtataka pa kung ang laman rin ng mga iyon ay kagaya rin no'ng nasa cover page ng magazine. At mas lalo ko pang napatunayan ang mga iyon—na tama ako, ng makita mismo ng dalawang mata ko kung paano siya mapalunok habang nakatingin sa larawan ng isang babae na halos hubad na. "Ehem!" sadya kong tikhim na siyang naging dahilan kung bakit siya napa angat ng tingin. Isang nagtatanong na tingin ang ipinukol nito sa akin, nagtatanong kung bakit ko siya tinikhiman. Ininguso ko naman ang mga palad ko na nakalahad sa harapan niya which made him more confused. Mukhang hindi nakinig ang lalaking ito kanina kay prof ah, mukha kasi siyang clueless kong para saan ang paglahad ko ng kamay sa harapan niya. Wait, paano pa ba ito makikinig kay prof kung ang buong atensiyon nito'y nakatuon lamang sa mga sexy na babae na nasa magazine na siyang hawak hawak niya? Inirapan ko ito, bago kinuha ang palad nito at saka pinag shake hand ang mga kamay namin. "I am Marra Mae Erana, an 18 years old, taking BS Psychology, I came from section 1 and I will gonna be your student assistant s***h slave, sir," nanggigil kung ani sakanya habang ang mga kamay namin ay magkahawak parin sa isat isa. Pero ang kaibahan nga lang ay halos madurog ko na ang mga buto sa mahahaba niyang mga daliri dulot ng higpit ng pagkakahawak ko sa mga kamay niya. Nakita ko naman itong nabigla dahil sa tinuran ko, pero ang pagkabigla na iyon ay agaran rin nawala at saka napalitan ng pagngiwi ng maramdaman niya siguro ang paghigpit ng hawak ko sa palad niya. Binitawan ko naman ang pagkakahawak ko sakanya bago nilingon ang gawi ni prof na ngayon ay nakatanga na tila ba'y hindi siya makapaniwala sa inasta ko. "Ayos na prof," sarkastiko kong ani dito ng lumingon ako sa gawi nito. Sinabayan ko pa ito ng isang sarkastikong ngiti. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kung makaasta. Basta naiinis kasi ako e! Naiinis ako dahil sa hindi ko malaman na dahilan! "Aalis na ko ah?" dagdag ko pa dito bago sinimulang humakbang, pero hindi pa man ako nakakadalawang hakbang ay napatigil na ako ng maramdaman ko ang pagdapo ng magaspang niyang mga palad sa kamay ko. "Wait teka," rinig kung ani nong lapastangan na humawak sa kamay ko. Napairap naman ako bago bagot na nilingon ang gawi nito. "What?!" mataray kong tanong dito. Ngumisi ito, "Mamaya kana umalis di pa nga ako nakakapagpakilala sayo e." Inirapan ko itong muli, "No need, alam ko na kung sino ka, sinabi na naman 'yon ni Prof kanina e," bagot kong ani. Totoo naman talaga diba? Ipinakilala na siya ni prof sa amin kanina, kaya ano pang silbi ng pagpapakilala niya sa akin kung alam ko na ang sasabihin niya? Actually, pumayag lang talaga ako dito, dahil sa kaisipang tama si Dean, kailangan muna naming makilala ang isa't-isa bago umalis si prof, nang sa gayon ay maiwasan namin ang pagkakaroon ng gusot sa gitna naming dalawa. Pero napag isip isip ko kasi na total naipakilala na naman ni Prof kanina ang lalaking ito sa akin, ako na lang ang magpapakilala rito. Kung kaya't ng matapos ako sa pagpapakilala ko sakanya'y aalis na sana ako. Pero hindi ko na ito naituloy pa ng maramdaman ko ang pagpigil niya sa akin, sa pamamagitan ng paghawak ng palad ko. "So?" Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sofa, pagkatapos ay hinakbang niya ang isang dipa na layo namin mula sa isa't-isa. At wala sa sariling ako'y napalunok ng makita ko ang natitirang espasyo na pumapagitna sa gitna naming dalawa. Yumuko siya ng kaunti para magpantay ang aming mga mukha, kasabay niyon ay ang pagtambol ng puso ko ng malakas, akala ko'y mamatay na ako dahil sa lakas ng t***k ng puso ko para sa isang simpleng pagtapat lang ng mga mukha namin, pero mukhang nagkakamali lang pala ako, dahil mas lumakas pa ang t***k ng puso ko ng maramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko sabay bulong sa mga katagang, "Wala akong pakialam. Gusto kong magpakilala sa'yo ng ta'yong dalawa lang at wala ka ng magagawa pa roon, honey" he whispered using his deep baritone voice, later on he chuckled which made me literally feel some goosebumps. Damn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD