Kabanata 12

2014 Words
ISANG nagtataray na irap ang pinakawalan ko sa lalaking kaharap ko, upang maitago ko ang pamumula ng pisnge ko. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa nito dahil sa inakto ko, na mas naging dahilan pa kung bakit ako nairita. Nakakairita kasi ang tawa na pinakawalan niyang iyon e, para bang nang-aasar o hindi kaya ay nanunuya. Hindi ako sure ah, pero parang gano'n talaga ang tuno e. Imbes na patulan ang kagaguhan niyang iyon ay hindi ko na lang iyon pinansin, dahil alam kong sa bandang huli ay ako lang rin ang matatalo—'cause obviously, ako lang rin naman ang maiinis sa bandnag huli. Kaya imbes na patulan siya'y yumuko na lang ako upang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig. At hindi ko inaakalang kasabay ng pagyuko ko ay ang pagyuko rin ng punyemas na lalaking iyon na siyang naging dahilan kung bakit na pang-abot ang aming mga ulo. Kaya ang ending, pareho kaming napadaing. "Aray!" "f**k!" Sabay naming daing nang tumama sa isa't-isa ang mga ulo namin. Kasabay ng pagdaing namin na iyon ay ang pagkasalampak rin namin sahig. Which made my butt ached. Wala sa sariling ako'y napahawak sa ulo ko ng maramdaman ko ang bahagyang pagkirot nito, at hindi ko inaakalang mas kikirot pa ito dulot ng paghawak ko doon. Nasagi kasi ng kamay ko ang mahapding parte na iyon. Ang tanga ko lang para isiping mawawala ang sakit niyon kapag hinawakan ko! Grabe. Tangina! Mukhang magkakabukol pa ata ako nito ng wala sa oras dahil sa punyetang panirang lalaking ito ah! Isang inis na inis na tingin ang ipinukol ko dito ng lumingon ako sa gawi nito, at doon ko ito nakitang kagaya ko'y nakasalampak rin sa sahig habang hawak hawak rin nito ang ulo nito habang ngumingiwi. Tangina! Ganoon ba talaga kalakas ang naging salpukan naming dalawa kung kaya't pareho kaming napasalampak sa sahig at saka napadaing? s**t! Kung ganoon ay paniguradong mabubukol talaga ang ulo ko. Hindi na ako magtataka kung ganoon nga. Tangina! Kasalanan talaga 'to ng lalaking ito e. Kasi kung hindi ba naman siya tanga tanga at saka gaya gaya edi sana hindi magkakasalpukan ang mga ulo namin. Hindi rin sana kami mapapasalampak sa sahig at magkakabukol. At saka isa pa, marami ng atraso ang lalaking ito sa akin e no, kanina, muntikan na akong mamatay dahil sa muntikan niyang pagsagasa sa akin, at saka muntikan na rin akong ma late sa klase ko dahil sakanya, ngayon naman ay humaharang siya sa daanan ko, kaya nauntog ang ulo ko sa matigas niyang dibdib na siyang naging dahilan kung bakit nahulog sa sahig ang mga papel na dala dala—Ohh! s**t marami pa pala akong pupulutin. Kumikirot man ang ulo dahil sa labis na sakit na hatid no'ng pagsalpukan ng mga ulo namin, ay hindi ko na lang iyon pinansin ng maalaala ko ang mga nagkalat na papel sa sahig na kailangan kong pulutin bago pa man ito madumihan. Isang inis na tingin muna ang ipinukol ko sakanya, bago ko sinimulang pulutin ang mga papel na nagkalat sa sahig. Sa kalagitnaan ng pagpupulot ko'y bahagya akong nakaramdam ng ilang dulot ng makaramdam ako ng matiim na tingin na nagmamasid sa ginagawa ko. At ng sundan ko ang pinanggalingan ng tingin na iyon ay doon ko nakita ang trantadung—panira ng future na lalaking iyon na nakatingin sa akin ng matiim. Tinaasan ko ito ng kilay na waring nagtataray. Nakita ko naman kung paano sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi nito sabay nguso sa isang gawi, ng sinundan ko ng tingin ang nginunguso nito ay doon ko nakitang nakatingin ito ng maiitim sa may bandang dibdib—partikular sa cleavage kong nakikita dulot ng pagyuko ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa mga napagtanto. Dali dali akong napatakip sa cleavage ko gamit ang mga palad ko, kasabay rin niyon ay ang pamumula ng mga mukha ko dulot ng hiya at hindi ko inaakalang mas mahihiya pa ako ng marinig ko ang bahagyang pagtawa nito. Kasabay rin ng pamumula kong iyon ay ang pag-usbong ng inis sa puso ko, kanina pa kasi talaga ang lalaking ito e. Kanina niya pa ginugulo ang buhay ko! Kanina pa rin ako naiinis sakaniya! "Pervert!" naiinis kong ani dito sabay tapon sa mga yellow pad na napulot ko na, itinapon ko ito sa gawi niya, at hindi ko inaakalang ang iyon ay ang isa sa mga pinakatangang desisyon na nagawa ko, dahil ang ending, pupulutin ko na namang muli ang mga iyon, babalik na naman ako sa una. Paking s**t lang! I heard him chuckled once again, like he is f*****g enjoying what my reaction is. With that thought mas lalo pa akong nainis sakanya. Isang nakakamatay na tingin na ang ipinukol ko sa lalaking nakangisi lang na nasa harapan ko. Na tila ba'y nasisiyahan talaga ito sa mga inaakto ko at ng pang-iinis niya sa akin. Iniwas ko ang tingin ko mula sakanya, dahil alam kung mas lalo lang akong maiinis kung makikita ko ang tanginang pagmumukha niyang iyon. Instead of wasting my time on him, ay itinuon ko na lang muli ang atensiyon ko sa mga papel na kung kanina kanina lang ay kaunti na lang sana ang pupulutin ko, ngayon naman ay rumaming muli dahil sa ginawa kong pagtagpon sa mga yellow pad na napulot ko na. Tanga lang! Pinulot ko ang mga papel na nagkalat. Ilang minuto rin muna ang lumipas bago ko naramdamang tinulungan ako ng kumag sa pagpupulot. Hindi ko alam kung anong esperito nag sumapi sakanya at kung bakit bigla na lang nagbago ang takbo ng utak nito, pero siguro na realize niyang ang pangit pangit tignan kung ang isang lalaking macho na katulad niya ay hindi tutulungan ang isang babaeng kagaya ko. Hinayaan ko siyang tulungan ako sa pagpulot. Total, may kasalanan—no let me rephrase it, kasalanan niya kung bakit nag kalat ang mga ito, paharang harang ba naman kasi sa dinaraanan ko kanina e, kaya nararapat lamang na tulungan niya rin ako. Napatingin ako sa gawi nong papel na nasa bandang haparan niya ng wala na akong makitang papel bandang gawi ko, inabot ko ito at hindi ko inaakalang kasabay ng pag abot ko sa papel na iyon ay ang pag abot niya rin dito, kung kaya't ang nangyari ay nag dampi ang aming mga palad na kalauna'y nag ka lapat rin. At hindi ko inaakalang kasabay ng paglapat ng mga palad naming iyon ay ang pagkaramdam ko rin sa isang estrangherong emosyon na ngayon ko lang naramdaman. I felt a horse in my chest and butterflies on my stomach. Parang may kung ano rin dumaloy mula sa mga daliri ko papunta sa buong katawan ko ng maglapat ang mga palad namin sa isa't-isa. Hindi ko mapangalanan kung ano iyon, pero parang isa itong boltahe ng kuryente na nararamdaman mo lang sa tuwing nasasagi mo ang isang wire na may problema sa balat. Ganoon! Ganoon nga ang naramdaman ko ng maglapat ang mga palad namin! Dali dali akong bumitiw mula sa pagkakahawak ng mga palad niya sa palad ko ng maramdaman ko ang bagay na iyon, para kasi akong napaso e. Para rin akong aatakihin ng hika ko dahil sa lakas ng t***k ng puso ko, 'tas para rin akong maduduwal dulot ng mga paru-paru na nasa loob ng tiyan ko. Hinayaan ko siyang pulutin ang papel na iyon. Hinayaan ko na rin siyang pulutin ang mga natitirang mga nagkalat na papel doon, dahil magpahanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang ikilos ang katawan ko dulot ng pagkabigla, pagkabigla dahil sa isang estrangherong emosyon na iyon. Naiwan akong nakatulala habang pinagmamasdan ang bawat pag flex ng biceps niya habang pinupulot ang mga iyon. Hindi ko alam kung bakit ang OA naman ata kung makapag react ang katawan ko, gayong isang simpleng paglapat lang naman ng mga palad namin ang nangyari. Actually, hindi na naman bago sa akin na may humahawak sa kamay ko e, kaya nakakapagtaka talaga. Nakakapagtaka kung bakit ganito na lang kung umakto ang katawan ko. Napapitlag ako mula sa pagkakatulala ko at saka napa tigil sa pag-iisip ng kung ano-ano ng maramdaman ko ang paglapag niya sa ilang yellow pad sa harapan ko, kasabay niyon ay ang pagsambit niya sa mga katagang, "Here it is miss, sorry for the trouble that I'd cause," he said with his deep baritone, which made me feel some goosebumps. Napatingin ako sa mga yellow pad na inilapag niya sa harapaan ko, at wala sa sariling napalibot ako ng tingin sa hallway upang tignan kung may natitira pa bang yellow pad roon at kung bakit ang bilis naman niya atang natapos ang pagpupulot sa mga iyon. At hindi ko inaakalang ako'y mapapatanong na lang sa kawalan ng makita kong wala na roon ang mga nagkalat na papel. How? Paanoo niya napulot ang mga papel na iyon ng ganon kabilis? E samantalang ang rami rami niyon—wait, baka naman hindi ko lang namalayan ang paglipas ng oras dulot ng pagkakatulala ko na siyang naging dahilan kung bakit ko nasabing ang bilis niya naman atang napulot ang mga iyon? Oo tama! Iyon nga! Iyon nga ang dahilan. Napatingin ako sa pagmumukha niya at doon ko nakita ang nakangisi pa rin nitong mukha habang ang tingin ay nasa cleavage ko pa rin. Which made me f*****g think kung sincere ba talaga siya sa paghingi niya ng tawad sa akin o sinabi niya lang iyon dahil nadadala siya sa cleavage kong pilit kong tinatakpan na siyang pilit niya namang tinitignan. Tangina! Ang pervert talaga ng lalaking ito! Nang dahil sa kaisipan na iyon ay wala sa sariling ako'y nakaramdam ng inis—I mean yong inis na nararamdaman ko kanina ay muling nanumbalik, at sa pagkakataong ito'y mas tumindi pa. Sa sobrang tindi nito'y napahiling na lang ako sa diyos na sana'y hindi na niya hahayaan pang muli na mag cross ang landas namin ng lalaking ito. Pero mukhang hindi talaga ako love ni god dahil hindi nito pinaburan ang hiling ko na iyon—pero mukhang hindi umaayon ang panahon sa kagustuhan ko dahil kinabukasan ay ganon ganon na lang ang pagkagimbal na nararamdaman ko ng makita ko siya sa loob ng room namin kasama si ma'am ng pumasok ako kinabukasan. Anong ginagawa ng punyemas na ito sa classroom namin? At bat kasam niya si Ma'am? Ang mga katagang iyon ay ang tanging naitanong ko sa utak ko ng makita ko ang lalaking punyemas na iyon sa loob ng room namin. Nakaupo ito sa isang pang-isahang upuan at saka nakatuon ang atensiyon kay Ma'am Buenaventura na ngayon ay busing busy sa pagsasalita. Nagtataka man kung ano ang ginagawa ng punyemas na iyon sa loob ng room namin ay mas pinili ko na lang ang manahinik at saka dinahan dahan sa pagtahak ang daan papunta sa upuan ko, iniiwasan ang huwag makagawa ng ingay nang sa gayon ay hindi nila maramdaman ang presensiya ko at nang sa gayon na rin ay hindi nila malaman na late ako. Patay kasi talaga ako pag nagkataon kapag nalaman ni Ma'am Buenaventura na late ako. Maari niya kasi akong isumbong kay Dean, at kapag nangyari iyon paniguradong mawawalan ng bisa ang pagiging scholar ko. Kasalanan talaga 'to ni ma'am kung bakit ako na late ngayon, e kasi naman, tinambakan ba naman ako ng maraming hugasin, kaya ayon, medyo natagalan ako sa pagpasok. Nakayuko kong inihakbang ang mga paa ko, pilit na umiiwas na huwag makagawa ng ingay ng sa gayon ay hindi nila ako mahuli. Tumatambol man ang dibdib dulot ng kaba sa nararamdaman ko, kaba na baka mahuli nila ako'y nagawa ko pa rin ang humakbang ng ilang hakbang. Malapit na sana, malapit ko na sanang marating ang upuan ko pero gan'on gano'n na lang ang pagkatigil sa balak kung muling paghakbang nang may marinig akong isang malamig na salita na hindi ko inaakalang magpapa lamig sa akin, "Who are you?" He paused, seconds past before he continued. "Why are you late?!" Kung kani-kanina'y labis na ang tambol ng puso ko, ngayon naman ay mas dumoble pa dahil sa katanongan niyang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD