SHANTAL’S POV Hindi ko alam kung tama ba 'yung mga sinabi ko sa kanya kanina. Hindi ko rin alam kung bakit ganito 'yung nararamdaman ko. Gusto ko lang umiyak buong araw — and I did. Hindi ako bumaba kahit tinawag ako ni Mommy para kumain. Mas pinili ko na lang na magkulong sa kwarto habang nakapatong ang unan sa dibdib ko, pinipigilan ang mga luha pero hindi pa rin tumigil. Gabi na nang marinig kong dumating na sina Daddy at si kuya. Mga ilang minuto pa lang, tinawag na kami ni Mommy para bumaba sa sala. Tahimik akong bumaba. I tried to fix myself — nagpunas ako ng mata, pero ramdam ko pa rin na halata akong galing sa iyakan. Pagdating ko sa sala, naroon na silang lahat — si Daddy, si Mommy, at si kuya. Naupo ako sa kabilang side ng sofa, malayo kay kuya, at hindi man lang ako tumingin

