Nagmulat ng mga mata si Khethania. Hindi niya alam kung paano siya nakatulog o sadyang nakatulog nga ba siya? Basta ang huling naalala niya ay iyong paalis na sila sa Gordon. Hindi na niya alam kung ano ang sumunod na nangyari. Inilibot niya ang tingin sa isang kwarto, masasabi niyang maganda ang kwarto dahil sa mga palamuti nito sa paligid. Nagtataka man ay tumayo siya at tiningnan ang paligid. Naglakad siya palapit sa malaking binta at sumilip doon. Madilim ang paligid at tanging ilaw ng kabahayan ang nagsisilbing ilaw sa gabi. Medyo natigilan pa siya nang may napansin sa bintana. Hindi siya pweding magkamali, may harang ang bintanang nasa harapan niya. Hinawakan niya ito at tama nga siya. May harang ang bintana at siguradong hindi lang ito ang may harang, paniguradong maging ang p

