Naiinis pa rin si Lucy sa mga sinabi ni Khethania kanina. Lalo na sa ginawa nitong pagsuntok kaya. Pilit niyang pinapakalma ang sarili upang makapag isip nang matino. "Ayos ka lang ba, mahal na prinsesa?" tanong sa kanya ni Luther na siyang umalalay sa kanya. Tinapik niya ang kamay nito kaya napalayo si Luther sa kanya. "Nakakabwisit talaga ang babaeng iyon! Kung hindi ko lang siya kailangan ay baka pinatay ko na siya," naiinis niyang sabi at bahagyang napapikit. "Huwag mo masyadong pairalin ang pagiging mainitin nang ulo mo, mahal na prinsesa," narinig niyang sabi ni Mest. Napansin ni Lucy na nakatingin ito sa malaking estatwa ng phoenix. Marahan itong hinaplos na para bang napaka-importanting bagay ito dito. "Malapit mo nang makamit ang nais mo, mahal na prinsesa," nakangising sa

