Samantala, sa kaharian ng Gordon. Magkakasama sina Bella at ang iba pa sa pag aabang kay Minerva. Dahil sa araw na ito ay malalaman kung ano ang maaring gawin sa pagpunta sa Holland at kung ano ang maaring maging plano nila. Nasa harapan nila ang malaking salamin na gagamitin nila sa pag kontack kay Minerva. Kanina pa kinokontack ni Bella ang kanyang tita pero wala pa itong tugon. Kaya naman naghintay pa sila kung kailan ito kokontack sa kanila. "Ano na kayang nangyayari kay ate doon," sambit ni Caleb. Hindi nito maiwasang mag alala kay Khethania. "Sana naman wala silang ginagawa kay Khethania," sabi rin nang reyna. Hinawakan nang hari ang kanyang kamay upang pakalmahin ito. Nanatili namang tahimik sina Camilla At Bella, maging si Dylan. Hindi mawala sa isip niya kung ano na na

