bc

My Strange Hero: Jude Sandejo

book_age12+
881
FOLLOW
2.7K
READ
independent
bxg
lighthearted
city
childhood crush
first love
friendship
assistant
actor
shy
like
intro-logo
Blurb

Life is nothing but a cold prison for Jude, a famous yet lonely idol. Every passing second of his life felt like being drag below a dark abyss. That slowly, suffocating him.

But not anymore!

Everything changes when Tori, an annoying and at the same time thoughtful assistant, came in who showed and taught him a lot of things that made him feel alive.

"Falling in love is forbidden." Iyon lang ang kondisyong ibinigay sa kay Tori kapalit ang trabaho bilang assistant ng kaniyang idolo kung hindi ay sisisantihin siya nito and she agreed.

Ngunit paano ng aba niya maiiwasan ang bagay ba i***********l kung no’ng mula nang magtrabaho siya ay sari-sari na ang pagakaksangkot niya sa personal at maging sa showbiz life nito. Hanggang sa isang beses ay bigla na lang siya nitong kawitin at mainit na hinalikan sa mga labi.

That leads her to her dilemma: empty stomach or love. What will she choose?

Most importantly, will she be the key to help Jude escape from his reality?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"A MAN WITH A BROKEN PROMISE. A Solo Artist from DREAMEDIA AGENCY had called off his wedding to his fiancée with the fact that he was caught cheating with an actress from the other network"-- Marahas na napabuntong hininga si Victoria habang nakatitig sa nakaimprintang litrato ng lalaking matagal na niyang hinahanggaan sa hawak niyang dyaryong. Jude Sandejo. Hindi na bago sa kaniya na nasa front page na naman ang lalaki dahil na rin sa kasikatan nito. Walang araw na hindi ito laman ng mga headlines at unfortunately ay puro patungkol ito sa masasamang balita. Kung iisipin ay hindi naman 'yon mawawala sa mundo ng showbiz. Kapag sikat ka gagawan ka ng bagay na ikasisira mo either para pasikatin ka pa o pabagsakin. Ika nga ng iba good or bad, it is still good publicity ngunit sadyang hindi niya mapigilan ang mainis dahil lagi na lang nasa peryodiko ang kaniyang idolo at kung ano-anong paninira ang ibinabato ng mga walang magawa sa buhay upang sirain ang pangalan nito. Kapag naaayos ang isang isyu ay may lalabas na namang panibago. Halos ganoon na ang naging cycle ng showbiz career nito mula ng magsimula ang lalaki. Nung nakaraang linggo pa nga lang ay nakipag-away pa siya sa mga bashers ng lalaki dahil sa isang isyu to the point na nakipag sabunutan pa siya sa babaeng sa isang parke na nagsabi na playboy ang idolo at hindi niya tinantanan 'yon hangga't hindi ito binabawi ang sinabi. Ni-report din niya ang mga social media accounts na nagpopost ng kung ano-ano tungkol sa lalaki ng ilang beses para tumigil. Tapos ngayon ay ito na naman! Hindi na nila tinantanan ang Jude ko! Bagamat hindi niya kilala ang lalaki personally pero as an avid fan ay alam niyang kilalang-kilala na niya ito. Hindi ito gagawa ng mga gano'ng bagay. Hindi ito manloloko at hindi totoo ang ipinaparatang ng ibang tao na isa itong f*ckboy. Sa pagkakaalam niya ay ni wala nga itong legit na karelasyon sa ibang babae dahil kung meron man ay siya ang unang makakaalam no'n. She was a die hard fan of him ever since his training days. She knows all about him and is always updated. "Anetchiwa nangyari sa feslak mo Tori para kang iniwan ng jowa kahit wala ka naman no'n." Nilingon niya ang pamilyar na boses na nagsalita mula sa kaniyang likuran. Nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang si Shin Del Rosario na kasalukuyang nakapamewang habang nakataas ang bagong ahit nitong kilay sa kaniya. Nakasuot din ito ng mini skirt at crop top at napakagulo ng buhok na akala mo ay sumabak sa isang gera. Napaismid siya. Hindi na siya nag-abala pa na magbigay ng komento tungkol sa suot nito dahil iisa lang naman ang isasagot ng kaibigan sa kaniya. Ito raw ang kaniyang style. Nag-iwas ng tingin si Tori sa kaniyang kaibigan kapagkuwan ay itinabi ang dyaryo. "Wala," paghihimutok ko. Tori heard her grunt. Ilan pang sandali ay umupo ito sa kaniyang tabi kapagkuwan ay pinitik ang kaniyang noo. "Hay naku! Kung hindi lang kita bestfriend ay baka maniwala ako sa 'yo. Eh mula pa noong una mo akong nakitang nasa itaas ng puno ng mangga sa likuran ng bahay niyo ay naging matalik na magkaibigan na tayo at sa sobrang closeness na 'tin ay hindi na tayo mapaghiwalay kaya kilalang-kilala na kita, uy!" anito. Hindi na nakaangal pa si Tori sa sinabi ng kaibigan. After all it was the truth. Mula pa noon ay hindi na sila napaghiwalay pa ni Shin. Her best friend even came with her nang lumuwas siya ng Manila para mag-aral. Share sa lahat ng gastusin for the past four years, sa bahay, tubig at pagkain hanggang sa kasalukuyan na parehas na silang tapos sa mga tinahak nilang kurso. She's in education and her best friend took accountancy. Imbis na sagutin ang tanong ng kaibigan ay itinaas lang ni Victoria ang hawak-hawak na dyaryo para ipakita sa kaibigan. Agad itong napasimangot. "Kyoket pa kasi ako nagtanong?" masungit na anito sabay hablot ng dyaryo mula sa kaniya. Lalo siyang napasimangot. Minsan ang rude talaga nitong babae 'to. Hayst! "Eh iisa lang naman ang taong nakakapagpasama sa mood mo kun 'di si Fafa Jude lang!" eksaherada niyang dagdag sabay tingin sa nakasulat sa headline. "Ay anetch itech? Ang chaka naman nitong hipon na chamelitang ito. Ang lakas niyang magsabi na fiancee siya si Fafa Jude," saad nito saka muling tumingin sa kaniya. "Nakakalurky! Manloloko raw eh baka siya ang manloloko sa sarili para isipin na papatulan siya ng Fafa Jude mo," komento nito habang binabasa ang balita tungkol sa lalaki. "Sinabi mo pa," inis na komento niya kapagkuwan ay bumuntong hininga. "Wiz mong sabihin na magpapapekto ka sa sinasabi ng chaka na 'yan. Halata namang Pureta Malaviga kaya gumagawa ng issue para mabayaran," saad sa kaniya ng kaibigan sabay upo sa harapan niya. Napailing na lang siya sa sinasabi nito. Minsan ay hindi na niya maintindihan ang mga sinasabi ni Shin dahil sa paggamit nito ng gay language. Bagamat babae ang kaibigan ay napakahilig nitong gamitin ang gay language dahil ayon dito ay astig ang lenggwahe na ito. Kinuha ni Tori ang dyaryo mula sa kaibigan kapagkuwan ay isinilid 'yon sa kaniyang bag. Kailangan na niyang umalis ng bahay kung hindi ay baka mahuli na siya sa kaniyang meeting sa araw na 'yon. "Saan ang lakad mo?" kunot noong tanong ng kaniyang kaibigan. "May meeting ako sa employer ko." Tinaasan siya ni Shin ng kilay habang binibigyan ng isang mapanuring tingin. "Don't tell me. Nagpasa ka ng resume mo do'n," may inis sa tonong tanong nito. Nagkibit balikat lamang si Tori sa kaniyang kaibigan. Alam naman nito kung saan ang lakad niya ngayon dahil nabanggit na niya na ito sa kaibigan two days ago. Ang problema nga lang ay against ito sa plano niya. "Ay! Isa kang lukring!" singhal ni Shin nang makompirma ang hinala ng hindi siya sumagot. "Natapos ka ng bachelors degree para lang maging isang julalay?" Hindi ito makapaniwala sa kaniyang sinabi. Sinamaan niya ito ng tingin. "Wala namang masama doon. Maganda naman ang offer nung manager. Libre ako sa pagkain at tirahan. Isang stepping stone lang naman ito since newly graduate tayo. Isa pa hired na ako. Tatangihan ko pa ba?" Mabuti na lang talaga ay nakita niya ang isang post sa social media na looking for a personal assistant ang isnag idolo sa isang DreaMedia. Sumubok lang naman siya na magpasa ng resume and to her luck ay siya ang nakuha. Nasa 10k ang sahod every month, may allowance pa, free lounge, atsaka pagkain. Kaya ayos na rin. Sayang naman ang opportunity at pera din 'yon. Makakatulong na siya sa pamilya niya at para makapag-ipon na rin siya. Iyon ang kaniyang katwiran kaya niya tinanggap ang oportunidad na dumating. "Pasok sa banga! Newly graduate ka so dapat mag-apply ka sa field mo. Malaki ang tsansa mo na makapasok dahil naka-graduate ka with flying colors at isa pa passer ka na. Sayang naman kung sa pagiging chimini-a ka papasok," pagpupumilit pa rin ng kaniyang kaibigan. Kitang-kita ang pagdisgusto sa mukha nito. Tutol na tutol talaga ito. Napabuntong hininga siya. "Magiging assistant lang ako at isa pa wala namang masama sa pagiging katulong, Shin. Remember katulong ang mama ko at nakapagtapos ako dahil doon." "Antibiotic na gulay! Alam ko kaya gusto mong mag-apply doon ay dahil naroon 'yang Fafa Jude mo! Sinasabi ko sa iyo Victoria, umayos ka. Kekerengkeng ka lang! Hmph!" Pinaikot ni Tori ang kaniyang mata sa sinabi ng kaibigan. Hindi naman siya na-offend sa mga sinasabi nito. Sanay na rin siya sa talas ng dila ng kaniyang bestfriend. Alam niya rin na concern lang ito sa kaniya but she has a reason. Gusto niyang makapag-ipon at nakikita niya ang magandang chance na ito to also protect Jude from his bashers. She can protect him more kung makakasama pa niya ito. "The contract lasts for a year. Just give me that time, best friend. Mag-iipon lang ako dahil gusto kong mag-aral ulit kaya huwag kang mag-alala. Hahatian pa rin kita sa renta dito sa bahay," ngiti niyang ani. Isang taon, 'yon ang sinabi sa kaniya ng secretary ng manager ni Jude na siyang nagbigay sa kaniya ng kontrata. Plano niya na kumuha ng masteral kaya lang wala pa siyang pera na pang-enroll at nakita niya itong magandang opportunity. She can divide her payment. To her study and to her family. Lumapit sa kaniya si Shin kapagkuwan ay malakas na binatukan siya. "Gaga! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Alam mo naman na meron na rin akong trabaho dahil kinuha ako ng kumpanya kung saan ako nag-OJT," kunot noong saad nito sa kaniya. Hindi na siya umimik at hinayaan niya lang itong simangutan siya. Ilan pang sandali ay napabuntong hininga na lang ang kaibigan. Alam niyang suko na ito. Wala naman kasi itong magagawa once na nakapag-decide na siya. Hindi niya nga maintindihan kung bakit nag-aksaya pa ito ng boses sa panenermon sa kaniya. "Alam ba 'yan ng pudra at mudra mo?" tanong nito. Napaiwas siya ng tingin. "There's no need for them to know," sagot niya. Dahil paniguradong pipigilan lang ako ni papa. Ayaw ng kaniyang ama na mag-apply siya sa ibang trabaho bukod sa tinapos na kurso at lagi nitong sinasabi sa kaniya ng kaniyang papa bago pa man sila umalis sa kanilang probinsiya. Hindi niya maintindihan kung anong rason nito dahil wala namang masamang sumubok ng iba. "Zsa Zsa Padilla. Gumora ka na baka ma-late ka pa sa meeting mo ng eclavu mo. Basta sabihin mo sa akin kung epek lang ah," anito na may nag-aalalang mga mata. Napangiti si Tori. "Oo naman. Kaya ko 'to. Gaano ba kahirap maging isang assistant?" PABAGSAK NA INILAPAG ni Esmeralda ang dyaryong naglalaman ng isa na namang issue ng isa sa kaniyang alaga. Naiirita niyang binalingan ng tingin ang lalaking kasalukuyang prenteng nakaupo sa swivel chair sa kaniyang harapan. As usual ay nakasalpak ang earphones sa mga tainga at parang walang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. "Jude wala ka man lang bang sasabihin? Kakaayos lang ng isyu mo with Kathy last week tapos meron na naman? At ano bang gusto niyang si Jen?," inis na turan nito sa kaniya. "Wala talagang utang na loob ang babae na 'yon. Matapos ko siyang kupkupin ay ganito ang ibabalik niya sa akin!" gigil na gigil na anas ng babae. Nag-iinit talaga ang dugo niya! Matapos niyang bigyan ng trabaho at kupkupin ang ahas na 'yon ay ito ang igaganti nito sa kaniya? "Let her, Ate Esmeralda," malamig na tugon ng lalaki sa kaniya saka ipinikit ang mga mata nito, sumandal sa swivel at akmang matutulog. Lalong nag-init ang kaniyang ulo. "Ano ba talaga ang gusto niya, Jude? Binibigyan ko na nga ng perang pangtapal sa bunganga niya. Ayaw pang tanggapin! Just let me know kung meron ba siyang gusto na sinabi niya sayo para maibigay ko," desperadang aniya. Marami na siyang isinakripisyo para lang mapasikat ang kaniyang alaga tapos masisira lang ng dahil sa kung sino? Hindi niya 'yon mapapayagan! She heard him sighing. "Ipapamigay mo ako?" he said nonchalantly. Walang emosyon nitong sinalubong ang kaniyang mga tingin. Akmang magsasalita na sana si Esmeralda nang dumungaw sa pintuan ng kaniyang opisina ang sekretarya niya. "Ma'am narito na po si Ms. Nervaez." Pinaningkitan ni Esmeralda ng tingin si Jude. "Hindi pa tayo tapos sa usapang 'to. Babalik ako." Hindi sumagot ang lalaki bagkus ay muli lang nitong ipinikit ang mga mata at hindi na lang siya pinansin. Napabuntong hininga na lang si Esmeralda kapagkuwan ay napahawak sa kaniyang noo. Sumasakit na naman ang kaniyang sentido. "I'll just handle that stubborn later," bulong niya sa sarili. Pagkatapos ay isinara na niya ang pintuan ng silid. Ilang beses siyang nagbuntong hininga saka inayos ang kaniyang blusa bago nagtungo sa conference room kung nasaan ang newly hire niyang assistant na siya niyang ipapalit kay Jen. I just hope she's different from the last. Sana hindi niya ako bigyan ng sakit ng ulo gaya ng ibinigay sa akin ng walang utang na loob na babaeng 'yon. Nang makapasok sa loob ng conference room ay agad na bumungad sa kaniya ang isang babae. Nakasuot ito ng t-shirt at faded skinny jeans. Naka-bun ang buhok samantalang ang kulay nito ay typical na kulay ng isang pinay. Mukha naman mabait. Simple din ang itsura kaya hindi nag-aalala si Emeralda na magustuhan ito ng alaga niyang si Jude. Rude man pero 'yon ang dapat. Hindi sa nanghuhusga siya. Business and love don't go well together. Napatunayan na niya na mas nagugulo ang mundo kapag involved ang salitang pag-ibig at hindi niya hahayaan na ito pa ang maging hadlang para masira ang kanilang plano. Ngayon niya lang makikilala ang babaeng magiging personal assistant ng kaniyang alaga dahil ang head HR ng agency kung saan sila nagtratrabaho ang siyang nag-interview dito. Nakita na naman niya ang resume ng babae kagabi. Nagtapos ito sa kursong edukasyon at passer na sa board exam. Sana lang talaga hindi siya nito bigyan ng wrinkles. Victoria Nervaez. "Good morning, Ms. Nervaez," pagbati niya sa babae. "Uhm. What do you prefer to call you? Your name or your surname?" tanong niya. Gusto niyang bigyan ito ng choice kung anong itatawag niya rito. In that way she will be comfortable around her. "Just Tori, Ma'am," ngiting anito habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa mga hita nito. Ramdam niya na kinakabahan ang babae. Umupo siya sa tabi nito at saka binigyan ito ng isang simpleng ngiti. "Tori," pag-uulit niya. Lumawak ang kaniyang pagkakangiti. "And you can call me Ate Esme, Tori." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa harapan ng babae na agad naman nitong tinanggap. She's at ease hmm that's good. "So we are going to have an orientation. I will also give rules to be followed and then we will have a contract signing today. After that you're going to the house where you will stay. Dala mo naman na ang mga gamit mo, right?" tanong ni Esmeralda kay Tori. Nagsalubong ang noo niya nang umiling ang babae. She thought nasabihan na ito ng sekretarya niya na magdala na ng gamit dahil required sa trabaho nito na tumira kasama ng aalagaan nito. Isa 'yon sa terms na nasa kontrata na pipirmahan ng babae. Esmeralda tried herself not to sigh. "Well that's okay. You can go home after our meeting then kontakin mo na lang ako para mapasundo kita sa address mo," suhestyon niya. Wala na rin naman siyang pagpipilian. She needs to talk her secretary. Kulang-kulang ang ibinigay nitong impormasyon. "Salamat po," nahihiyang tugon nito. Isang munting ngiti lang ang naging tugon niya rito. Hmm. Too polite. Kinuha ni Esme ang isang puting folder saka inilapag iyon sa harap ng Tori. Binuklat naman ito ng babae. "Alam mo naman ang magiging trabaho mo, right? Ikaw ang magiging personal assistant ni Jude Sandejo. One of the fast rising idols in our time so kailangan mong alagaan siyang mabuti. Apparently, he can't do it due to his hectic schedules so you will attend to all he needs whether he is in a fan meeting, in a studio, tv shows, concerts, and especially at home. You are also going to live with him but don't worry there will be several people na kasama niyo rin sa bahay. I hope you are aware of that," paliwanag niya. Tumango naman ang babae bilang sagot kaya nagpatuloy siya. "Basta kung nasaan si Jude dapat naroon ka rin. That's your primary obligation. Understood?" "Yes ma'am," attentibong wika ng babae. Mas lalong napangiti si Esmeralda. Bibo ang bagong personal assistant. Na-impress siya rito. Sana nga lang ay hindi iyon magbago. With her jolly attitude, I hope she can help Jude to change. "And since titira ka with Jude, may mga rules ako na dapat mong sundin," panimula ni Esme sa maselang bahagi ng orientation na ginagawa niya. Matiim na nakatingin naman sa kaniya si Tori na hinihintay ang susunod nyang sasabihin. "Isa naroon ay i***********l ko na main-love ka kay Jude," aniya. "Once na nalaman ko na nahulog ka kay Jude automatic fired ka. Masyado ng sumasakit ang ulo ko sa mga assistant na tinatanggap ko at sa huli ay problem lang ang ibinibigay sa akin kaya tatanungin na kita ngayon. Nag-apply ka ba dahil may gusto ka kay Jude? Answer me honestly." LUMAKAS ang t***k ng puso ni Tori sa narinig na tanong ng manager. Nagtaka siya kung bakit kasama ang ganoong klase ng tanong sa meeting nila samantalang signing of contract at orientation 'yon at hindi interview. Huminga ng malalim si Tori bago sumagot. "Wala po," pagsisinungaling niya pero sa kaniyang loob. Umaasa na sana ay hindi nito mahalata. Masama ang magsinungaling alam niya pero ayaw niyang matanggal agad sa trabahong ni hindi pa nga niya nasisimulan. She badly needs it for her sake and for Jude, too. She needs to protect him. Ilang segundo siyang matamang pinagmasdan ng manager bago nagsalita. "Okay so what is your purpose for applying for the job? Being an assistant of a celebrity is tough work and I saw your papers. Maganda naman ang mga 'yon bakit 'di ka mag-apply sa field mo mismo? You can earn double of what you will get here." Pinigilan ni Tori na mapairap dahil sa narinig. Parang ganito rin ang narinig niyang sermon sa kaniyang ng kaibigan niyang si Shin kaninang umaga. Tumikhim siya. "I want this job because I need it. Kailangan kong mag-ipon para makatulong sa mga magulang ko. I see this job as a break for me to reach it," aniya. One of my reasons. Tumango ang babaeng nasa harapan niya kapagkuwan ay ngumiti na naman sa kaniya. Kanina pa niya napapansin na panay ang ngiti nito sa kaniya. Not that she doesn't like kasi puwedeng magandang senyales 'yon para sa kaniya. "But what I mean is you know you can get that from your field. Bakit hindi ka sa field mo mag-apply?" "Kailangan ko pa po ng kapital para makapasok sa field ko. Napakarami ko pong competitors na mas marami na ang credentials kesa sa akin. I need one, too. Kailangan ko rin makakuha ng credentials para lumaki ang chance ko na makapasok," mahabang paliwanag ni Tori. The woman hummed while nodding and somehow Tori felt relieved. Mukhang nagiging smooth ang lahat para sa kaniya. "I'm starting to like you," anito sa mga sinabi niya. Kapagkuwan ay inilapag sa harapan niya ang isang kulay itim na ballpen pati na ang isang folder na asul. "Okay, you can sign this contract. It would last for six months then after that you can ask for renewal kung gusto mo pang mag-stay," maaliwalas na mukhang anito hindi gaya ng nakalipas na minuto nung tinatanong siya nito. Kinuha ni Tori ang ballpen saka nilagyan ng lagda ang kasunduan matapos na ito ay basahin ng mabuti. "Okay, I'll tell Wesley to give you a ride para makuha ang mga gamit mo. Isa rin siya sa mga makakasama mo sa bahay. Here's your allowance for the month, too," masayang saad ng kaniyang boss sa kaniya sabay abot ng isang puting sobre. Wow! Agad-agad? Hindi na nag-react pa si Tori kapagkuwan ay tinanggap niya ang perang bigay ng babae. "Maraming salamat po." Maswerte siya sa nakuhang trabaho. Nakuha niya agad ang allowance niya. "So, see you around? May kailangan pa kasi akong asikasuhin. Alam kong 'di lingid sa kaalaman mo na may kinakasangkutan si Jude na ngayon ay alaga mo na rin. Sana 'di kita na-offend sa tanong ko kanina. I just want to make sure na walang hidden intention ang mga tinatanggap ko sa trabaho. Madalas kasi lahat ng nag-aapply na assistant ng alaga ko ay may gusto kay Jude. Hangga't maaari ay iniiwasan ko ang g**o na katulad ng nangyayari ngayon," saad ng manager. Tori nodded. "I understand, ma'am. It's good to prevent an issue before it even starts." Besides hindi naman ako manggugulo katulad ng iba. All I want is to protect Jude by all means. "Right! So see you around again. I got to go first," pagpapaalam ng manager saka siya iniwang mag-isa sa loob ng conference room. Nang mailapat nito ang pintuan ay saka lang siya napabuntong hininga. It was a sigh of relief. Masaya siya dahil nalaman niya na todo ingat ang management ng idolo niya para sa welfare nito. Talagang inaalagaang si Jude ng mabuti. Makalipas ng ilang segundo ay inayos naman niya ang kaniyang mga gamit bago lumabas ng conference room. Nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lang tumigil ang kaniyang mundo nang makita ang lalaking dati'y pinapangarap lang niyang makita sa personal. "Jude," mahinang sambit niya. Tila narinig naman iyon ng binata ng tumingin ito sa direksyon niya bago tuluyang pumasok sa elevator. Ang una naming pagkikita makalipas ng maraming taon... Akmang susundan ito ni Tori nang may biglang humarang sa kaniyang dinaraanan. "At saan sa tingin mo ikaw pupunta?" mataray na saad ng isang bakla sa kaniya. Alam na niya ang gender nito sa uri ng pananalita nito sa kaniya. Sasagutin niya sana ito nang maunahan siya nitong magsalita ulit. "Ikaw yung new hired assistant di ba? Oh ito dalhin mo," utos nito sa kaniya sabay bigay sa kaniya ng isang matabang suite case na kulay gray. Muntikan niya pa 'yon mabitawan dahil sa bigat. "Dahan-dahanin mo naman ang pagbitbit. Mamahalin ang mga make-up na nasa loob n'an. 'Di mo kering bayaran," galit na sigaw nito sa kanya. Sabay talikod sa kaniya at naunang maglakad taliwas sa direksyon na pinuntahan ng lalaking idolo. Napabuntong hininga siya sa sobrang bossy nito. Binalingan niya muli ng tingin ang pinuntahan ng lalaki ngunit wala na ito. Nakasakay na marahil sa isang elevator. Tori then exasperatedly sighed. He looked at me when I called him. Lumapat ang kaniyang kamay sa kaniyang dibdib at pinakiramdaman ang pagwawala ng kaniyang puso na tila ba gustong makawala sa kaniya. Their eyes met for seconds and her heart can't calm down. Tori clenched her fists. "I will face you soon, Jude."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

The ex-girlfriend

read
145.1K
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.6K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

THE FAT SECRETARY

read
168.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
89.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook