"GATHER EVERYONE!" masungit na sigaw ng baklang kasama ni Tori. Kasalukuyan silang nasa isang silid na malapit sa conference room kung saan siya kinausap ng manager ng kaniyang idolo kung saan siya pinasunod nito ng masungit na bakla. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan nito dahil hindi naman siya nito kinakausap. It was an empty room filled with glass walls at may makintab na sahig.
Napansin niya ang apat na tao na naroon sa loob. Isang babae at tatlong lalaki na busy sa mga kaniya-kaniyang ginagawa.
"Magkakaroon tayo ng panibagong kasamahan," pag-aanunsyo nito sa mga kasamahan nito kapagkuwan ay turo sa kaniya.
Binitawan niya ang dalang mabigat na maleta saka binigyan ng ngiti ang magiging mga bago niyang mga kasamahan.
"Hello ako nga pala si Victoria Nervaez but you can call me Tori," pagpapakilala niya.
Pumalakpak ang babae samantalang malawak ang ngiti sa kaniya. Nakasuot ito ng eye glass. Nakasuot ito ng mini-skirt at crop top habang nakatirintas naman sa gilid ang buhok nito. Simple yet very stylish ng buhok nito. She looks like a nerd chic sa OOTD niya. Lumapit ito sa kaniya saka hinawakan ang kaniyang dalawang kamay.
"Welcome to the team," saad ng babae sa kaniya. Napaka-friendly ng aura nito. "Mabuti naman at may kasama na akong tunay na babae at hindi lang kalahati," dagdag pa nito. Bakas na bakas sa mga mata ng babe ang kasiyahan na makita siya. Akmang sasagutin niya sana ito ng maunahan siya nung masungit na bakla.
"Tumigil ka nga muna r'yan apat na mata," masungit na anito. Inalis nito ang pagkakahawak sa kaniya ng babae. Hindi pa ito nakontento dahil pumagitna pa ito sa pagitan nilang dalawa ng babae habang nakahawak ang dalawang kamay sa balingkinitang bewang nito na para bang tinatago siya mula rito.
Napasinghap si Tori sa katarayan nito. Pati pala sa mga kasamahan nito ay walang patawad ang ipinapakita nitong kasungitan. Napailing siya. Grabe ang harsh!
Expected na niya na susungitan siya nito dahil bago pa lang siya. Gano'n naman sa mga working place 'di ba?
Alam niya na parang isang tradisyon na talagang pinag-iinitan ang mga baguhan sa trabaho kaya naman ay nawindang siya ng gano'n din ang asal nito sa mga kasamahan. Tiningnan niya ang mukha ng babae kung na-offend ba ito pero tila ba wala lang 'yon dito. The girl just shrugged her shoulders. Pagkatapos ay sumilip ito sa kaniya saka siya binigyan ng apologetic smile na para bang sanay na ito sa grumpy attitude ng kasama.
"Nagsusungit ka na naman Addy. Sige ka at magkakaroon ka ng wrinkles niyan. Sayang ang gastos mo sa pa-skincare mo," pabirong saad naman ng isang lalaking nakaupo sa isang gilid habang pinaikot-ikot sa daliri nito ang isang susi.
Nakasuot ito ng black jeans at white fit shirt. Bakat tuloy ang malaking muscle nito sa dibdib. Mukhang alagang gym ang lalaki. Good looking din ito na para bang isang artista. Napapalatak si Adrian ngunit hindi na nagkomento pa sa sinabi ng lalaki.
"Victoria meet them. Si Cass ang hair stylist," seryosong wika ni Adrian sabay turo sa babaeng may salamin kapagkuwan ay sunod na iitinuro ang lalaking may hawak ng susi. "Siya si Wesley ang personal driver ni Jude. Samantalang ang dalawang 'yon."
Itinuro nito ang dalawang lalaki na parang walang pakialam sa mundo at sayaw lang ng sayaw sa harap ng salamin na nasa silid na 'yon. Walang tigil ang dalawa kahit na tinawag na ni Adrian ang mga atensyon ng mga kasama nito.
"Sila sina Cristoff at Cross, ang kambal na choreographer," pakilala nito sa kaniya. Natigilan naman ang dalawa sa pagsasayaw nang marinig ang mga pangalan nila saka ibinaling ang atensyon sa direksyon nila.
Namangha si Victoria dahil kambal nga ang dalawang ito. Almost identical pati na ang kanilang mga suot. Ang pagkakaiba nga lang ay ang isa ay nakasuot ng salamin sa mata samantalang ang isa ay hindi and then realization hit her.
Kumislap ang mga mata ni Tori. Ibig sabihin ay ang dalawang magkambal ang nasa likod ng powerful dance steps ni Jude sa mga kanta nito. Nilapitan niya ang dalawa kapagkuwan ay nakipagkamay.
"Nice to meet you two. Ohmygosh! Hindi ko expected na ngayon ko makikilala ang mga gumawa ng mga choreography sa mga kanta ni Jude," masiglang aniya kapagkuwan ay inilahad ang kamay na agaran naman tinanggap ng dalawa.
Binigyan siya ng isang matamis na ngiti ni Cristoff na animo't naaaliw sa kaniya nang tumikhim si Adrian sa bigla niyang inasal. Binalingan niya ito ng tingin. Nakataas ang isang kilay nito habang naniningkit ang mga mata sa kaniya.
"Is it too early to show your true color, ghorl," madiin na saad nito na hindi naman niya naintindihan. She's just making friends with their co-workers. Ano'ng masama sa ginawa niya?
"Take it easy, Addy. Mukhang natuwa lang naman itong si Victoria na makilala sina Cristoff at Cross. See how her eyes glitters as she met the secret choreographers of the rising star? She must be amazed to meet the persons behind those powerful choreography sa mga kanta ni Jude," paliwanag ni Cass to ease the tension though hindi niya alam kung nakatulong nga iyon dahil imbis na kumalma si Adrian ay lalo lang naningkit ang mga mata nito habang nakatingi sa kaniya. Hindi lang 'yon dumilim pa ang mukha nito na animo'y galit.
"Wait a minute! Don't tell me you are one of those crazy fans na may gusto kay Jude ko!" akusa nito sabay palabas ng isang eksaheradong hangin.
Napaatras si Tori nang humakbang si Adrian patungo sa kaniya habang nakaduro ang isang hintuturo nito sa kaniya.
"I knew it! Pinatulan mo ang trabaho para makasama si Jude, you shameless, b***h! Para-paraan din talaga kayo, ano?" sigaw nito sa kaniya. Humalukipkip pa ito and raised her eyebrow to her. "Step away! Sinasabi ko sa 'yo. I won't hold myself if you'll do something against him! Moreover flirt with him," dagdag na akusa nito habang patuloy pa rin ang pagtuturo sa kaniya.
Those words came to her with fangs. Nasaktan siya sa mga bintang nito. She's not like that. She wanted to say but chose to keep silent. Bago pa lang siya sa trabaho. She won't make a mistake that would lead to her termination.
"Hold right there, Addy. Chill okay?" awat ni Cross sabay pagitna sa kanilang dalawa ng galit na si Adrian.
Talagang gigil na gigil si Adrian sa kaniya. Halata 'yon sa pamumula ng mukha nito at paglabas ng mga ugat sa leeg nito. Tori knew na kailangan niyang ayusin ang g**o. She doesn't want to have an awkward atmosphere lalo pa sa una niyang trabaho.
"Ahm. Y-yes I'm a fan of Jude because of his music at masasabi rin na fan niyo rin akong lahat kasi without you, Jude won't be in his place right now. I'm not that crazy fan as you think I am. I just appreciate his music. The reason why I am here is because I badly need a job that's all. No hidden intention," nanginginig na paliwanag niya. She tries to meet their gaze especially Adrian when he/she speaks again. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Dapat lang dahil malilintikan ka sa akin," huling pagbabanta ni Adrian sa kanya bago ito umalis or she must say walkout.
Hindi niya maintindihan ang ikinagagalit nito. Nagsabi naman siya ng katotohanan. Nais niyang kastiguhin ang sarili. Too early to face problem in work. Ano ba may balat ka ba sa pwet Tori?
"Pagpasensyahan mo na si Addy. Overprotective lang kasi 'yon sa baby niya," hinging paumanhin ni Wesley. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kaniya.
Napaarko ang kilay ni Tori dahil sa tinawag nitong baby ni Adrian pagkatapos kanina ay narinig din niya itong gan'on din ang itinawag kay Jude.
"Yup! No one can hurt his bhabe. So come on, we're going to your new home para maayos mo na ang mga gamit mo," sabat naman ni Cass saka ay tumingin sa kaniyang likuran na tila ba may hinahanap.
"Teka! Nasaan pala ang mga gamit mo?" takang saad nito nang walang makitang maleta na nasa likuran niya bukod sa make up set ni Adrian na nasa harapan niya.
Napakamot siya sa kaniya batok. "About that, I don't have my things yet. Sabi ni Mam Esme, pwede naman daw na kumuha muna ako ng mga gamit sa bahay ko bago ako pumunta sa inyo. Mag-commute na lang ako," pag-imporma niya sa mga ito.
"Oh okay! Sunduin ka na lang ni Wes mamaya. See you around then and nice to meet you. Sana magtagal ka," paalam sa kaniya ni Cass kapagkuwan ay tinapik-tapik ang kaniyang balikat pagkatapos ay sinundan si Adrian sa labas.
Tinanguhan naman siya nila Cristoff at Cross saka kinuha ang maleta na pagmamay-ari ni Addy at saka lumabas din. Napangiwi siya nang maalala ang huling sinabi ni Cass. Sana magtagal ka... Bakit kaya sobra ang kaba ko sa huling pangungusap na 'yun ni Cass?
Ipiniling niya ng ilang ulit ang kaniyang ulo para maalis 'yon sa kaniyang isip. Huwag mong isipin na mahirap, Tori! Kaya mo 'yan. Isa kang Nervaez at ang isang Nervaez ay walang inaastrasan.
"Are you sure you that you don't want me to accompany you?" may pag-aalalang wika nito nakapagpabalik sa kaniya sa realidad. Tinapunan niya ito ng tingin saka tumanggi sa alok nito.
"All right then here's my number. Text me the place where will I pick you. Don't take it personally, y'know what happen a while ago," ngiting ani ni Wesley sabay bigay sa kaniya ng isang kulay crema na calling card. Kumindat pa ito sa kaniya bago tuluyang sumunod sa mga kasamahan nito.
When Victoria is alone finally, she takes a heavy sigh. Inayos niya ang sarili saka umalis na rin sa lugar na 'yon. There's so many things that happened to her that day. She saw Jude but failed to face him and then she met the people that she was going to be with for a year. She shook her head and knew it was just the beginning.
Nang makalabas si Victoria ng building ay tumawag siya ng masasakyang grab na dumating naman within 20 minutes. She was about to ride it when her phone rings. She picked it up as she saw her best friend's name on the screen.
"Ohemjii vhakla! Nasaan ka ngayon?" nagmamadaling tanong nito. Puno ng pag-aalala ang boses na siyang nakapagpakunot ng kaniyang noo.
"Bakit ano'ng nangyari?"
"Go to my timeline as in now na sizt. Nagkakaroon ng press con si fafa Jude mo. Hurry and see it," saad nito bago pinatay ang tawag.
Naalala naman niya ang sinabi sa kaniya ng manager ng idolo na gagawin nito para maayos ang gulong kinasasangkutan ng binata. So press conference ang naisip ni Ma'am Esme.
Napatango si Tori. It is a good move since it will be formal in the eyes of the public para mapanood ng mga haters at fans ng idolo. Binilisan niya ang pag-online sa kaniyang social media account at nagpunta sa timeline ng kaibigan gaya ng utos nito and there she saw a shared live video of the press con.
"Saan po tayo madam?" Napatingin si Victoria sa manong driver ng sasakyan.
"Sa may Kentwood po, manong," sagot niya. Tumango sa kaniya ang driver bilang tugon samantalang siya ay itinuon muli ang atensyon sa video saka 'yon binuksan.
"So what will you tell to your fans," rinig niyang tanong ng isang press. Nakita niya nakaupo ang binata sa harap ng mesa na puno ng microphone na nakatapat sa kaniya habang katabi nito si Ma'am Esmeralda. Walang anumang emosyon ang makikita sa mukha ng lalaki. Kalmado lang ito sa camera.
"All I want to say is that they can assure well that I don't have any relationship or engaged to someone. I'm not the marrying type. You can have me. I'm all yours," seryosong anito na nakapagpatigalgal sa kaniya.
I'm not the marrying type...
I'm not the marrying type...
I'm not the marrying type...
Tila isang plakang pa-ulit ulit ang mga katagang iyon sa isip ni Victoria. Ibig sabihin lang ng binata ay hindi ito kailanman magse-settle down dahil sa mga fans nito. Hindi malaman ni Victoria ang nararamdaman. Suddenly she felt annoyed and numb.
She felt sadness in his voice while saying those words or maybe she's just hallucinating things? Maybe or maybe what he said was against his will paraan para matigil na ang away ng mga haters and fans niya. Para maging maayos na ang lahat.
She clenched her fist. She hate those fans na sobrang kung maka-demand sa mga idolo nila na para bang nasa kanila ang lahat ng karapatan para gawin 'yon. They didn't care about their idol's own happiness. Naiinis siya sa tuwing may nababasa siyang nira-rant ng sariling fandom ang idol dahil lang sa nakipag-date ito like what the eff? Tao rin sila they inspire them pero ni hindi man lang 'yon kayang isauli ng mga fans sa kanilang idolo.
"Miss bayad mo po."
Victoria was taken aback to reality when she heard the voice of the driver. Napangiwi siya nang nakitang 'di pa ito naalis. Kinuha niya ang wallet sa kaniyang bag at saka nagbayad sa driver. Humingi rin siya ng tawad sa naging abala niya. Nakakahiya siya sa dami niyang iniisip ay nakalimutan niya na ito.
It took her 45 minutes bago makarating sa bahay na tinutuluyan nila ni Shin para kunin ang kaniyang mga gamit. Pumasok siya sa loob at nagtungo sa kanilang kwarto para i-empake ang kaniyang mga gamit. Hindi naman iyon karamihan kung kaya naman ay mabilis din siyang natapos.
Sinigurado niyang naka-lock maigi ang pintuan ng bahay na apat na taon din nagsilbing tahanan niya. Hindi gano'n kalakihan pero sapat lang para sa kanilang dalawa ni Shin. Kinuha ni Tori ang cellphone number na ibinigay ni Wesley sa kaniya kanina saka nagpadala ng mensahe kung saan siya nito susunduin. Ibabalik na sana niya ang cellphone sa kaniyang bag ng tumunog iyon. Ang buong akala niya ay si Wes ang tumatawag pero ang pangalan ng kaniyang bestfriend ang nasa screen. It was a text from her. Binuksan niya ito at binasa.
"Sorry I got busy after nung press con kaya hindi na ako naka-chika. Anetch ang nararamdaman mo sizt after no'n?"
Nagtipa siya sa keyboard para sagutin ang kaibigan.
"I'm fine, Shin. We can't do anything about what Jude said. That's his life anyway."
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto matapos niya 'yon i-send ay muling tumunog ang kaniyang selpon.
"Weh? Hindi ka nasaktan? Wala kang reaction?"
Napailing na lang si Victoria saka ibinalik ang selpon sa bag at hinintay na lang ang sundo. Mamaya na lang niya tatawagan ang kaibigan. Baka mapagalitan na naman ito ng boss nito. Pasaway talaga ang babaeng iyon. Nasa trabaho selpon ng selpon.
***
"WELCOME to your new home, Victoria," saad kaniya ni Wesley nang makarating sila sa lugar na kinaroroonan ng bahay kung saan nakatira si Jude.
Hindi naging boring ang byahe ni Tori papunta sa lugar. Maraming kwento si Wesley sa kaniya tungkol sa kung ano-anong bagay to make her feel ease around him since this is the first time they met. Na-appreciate ni Tori ang ginawa nito.
Muling ibinalik ni Tori ang atensyon sa malaking gate na nasa harapan nila. Ang bahay kung saan nakatira ang idolo. Hindi katulad ng nakalagay sa profile nito na mababasa sa internet. Hindi ito nakatira sa main city kun 'di sa isang exclusive village na iilang tao lang ang kayang makakuha ng slot dahil sa sobrang mahal ng mga house and lot sa naturang village.
Ang Villa Cabral. Alam niya ang lugar dahil minsan ay pinangarap niyang makakuha ng bahay doon ngunit agad niya ring nilimot dahil sa mahal ng mga bahay at hindi niya kakayanin. Pagkatapos ngayon ay hindi niya akalain na matutupad ito ngayon kahit panandalian lang na panahon.
Lalo namangha si Victoria nang makapasok sa loob ngayon lang niya kasi nakita ang nasa loob ng kulay mint na gate ng village. High security ang buong villa at tanging ang mga nakatira doon ang nakakaalam kung ano ba talagang itsura sa loob. Worth it ang mahal na bayad lalo na sa isang tulad ni Jude na sikat. At least no one can bother him here. Walang sinuman pwedeng pumasok without the permission ng bibisitahin sa loob. At least dito naco-conserve ni Jude ang privacy niya.
Nakahinga siya ng maluwag dahil do'n. Isa kasi 'yon sa bumabagabag sa kaniya, ang mawalan ng private life ang binata. Kahit naman kasi super fan siya nito alam niya ang kahalagahan ng privacy sa isang tao. Maski siya ay ayaw na nasisira 'yon o kaya naman ay napapasok.
Inilibot niya ang tingin sa maaliwalas at malinis ang paligid habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay na titirhan niya. Maraming puno at mga damuhan sa gilid. Malawak din ang kalsada para sa mga sasakyan.
May mga bulaklak na magkakahalera sa magkabilang gilid ng daan na siyang nagbibigay kulay sa lugar pati na rin ang mga bahay ay iba iba ang pintura na nagbibigay ng lively atmosphere. May mga basurahan din kada poste ng ilaw. Masasabi niya na disiplinado ang mga tao roon. Natigilan lang siya sa pag-appreciate ng lugar nang huminto ang sasakyan ni Wesley sa isang kulay light yellow na bahay na may blue na highlights sa mga haligi nito. This must be it. Ang bahay ni Jude.
Nagulat si Tori nang bigla na lang sumulpot ang mukha ni Wesley sa bintana ng kotse. Nakangiti. Awtomatiko siyang napalingon sa driver's side. Wala ng tao ro'n. Sa sobrang pagkamangha niya sa lugar hindi man lang niya namalayan na nakalabas na pala ang kasamang lalaki. Nakakahiya ka, Tori!
Napalunok siya ng laway saka ibinalik ang tingin sa mukha ni Wesley na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi. There's a glint of amusement sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniya na para bang tuwang-tuwa. She pouted. Talagang nag-eenjoy pa siya ah. Napahiya na nga ako.
Narinig niya itong bahagyang tumawa saka binuksan ang pintuan ng kotse upang makalabas siya. Walang pahintulot na kinuha nito ang kanang kamay ni Tori saka inakay palabas.
"Halika pumasok na tayo sa loob?"
"Te-teka..." awat niya rito nang bigla na lang siya nitong hilahin papasok sa loob. Walang lock ang gate? Sabagay hindi naman na kailangan dahil secure naman ang buong lugar mula pa lang sa gate nitong villa.
Tori startled as they went inside the house. May kung ano kasing pumutok na kung ano sa loob.
"Welcome Tori!" sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa loob ng sala. She saw Cass and Cristoff holding some poppers samantalang si Cross naman ay prente lang na nakaupo sa sofa. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang mga mata ang mga pagkain na nakalatag sa mesa. There were pizza, drinks and cake.
"This will be your welcome party. Welcome to our home," rinig niyang saad ni Wesley sa kaniyang likuran. Her jaw literally dropped sa efforts na ginawa ng mga bagong katrabaho. Her heart overflowed with joy. Wow. Kailangan talaga may pa-welcome party?
Tori felt touched with the thoughts. Ito ang unang beses na may nagdiwang sa pag-welcome sa kaniya. "Thank you sa inyong lahat," aniya.
Lumapit kay Tori si Cass sabay walang sabi na hila sa kaniya paitaas. Bagamat nalilito ay nagpatangay na lang siya. Nang makarating sila sa second floor ay nakita ni Tori ang apat na silid na may iba't ibang kulay ang pinto.
"Ito ang magiging kwarto nating dalawa."
Nilingon niya si Cass. Nakaturo ito sa kulay light yellow na pinto. "Roommate tayo. Sila Wesley naman ang kasama ni Addy sa iisang kwarto. Doon ang room nila," saad nito sabay turo sa may dulong bahagi, ang room na may kulay berdeng pinto.
Sunod na itinuro naman ng babae ang kulay violet na katabi nito. "Diyan ang room nila Cross at Cristoff samantalang itong room na katabi ng room na 'tin ay ang room ni Jude. Siya lang ang mag-isa doon. May room pa sa baba kay ate Esme 'yon kapag dito siya natutulog sa bahay pero hindi naman 'yon gano'n kadalas," pagpapaliwanag nito sa kaniya pero isa lang ang tumatak sa isipan ni Tori. Ang kuwarto ni Jude.
"Ipapasok ko na ang mga gamit mo sa kwarto niyo, Tori," ani ng kakarating lang na si Wesley. Bitbit na nito ang dalawa niyang maleta.
"Naku! Pasensya na Wesley. Nalimutan ko na ang patungkol sa gamit ko," hinging paumanhin niya.
Binuksan ni Cass ang pintuan upang papasukin si Wesley. Napasinghap siya ng maobserbahan ang buong silid. Hindi niya aakalain na napakalawak ng loob. May dalawang kama at may pintuan din sa loob na batid niyang siyang cr. Maihahalintulad sa isang hotel ang silid.
Organisado at kumpleto sa mga gamit. May dalawang studytable, dalawang drawer, dalawang lampshade, at meron ding mini bookshelf sa gilid. Maaliwalas din ang silid dahil katulad ng kulay ng pinto nito light yellow din ang theme sa loob na may green touch. Napansin niya kasing may mga drawing ng vines na may dahon sa pader ngunit hindi pa 'yon tapos.
"Do you like my painting? Hindi pa nga lang tapos kasi busy," proud na ani Cass. Sunod-sunod naman na napatango si Tori. Hindi inaalis ang tingin sa dingding. "Ang ganda. Grabe may talent ka sa arts."
"Huwag mong masyadong purihin baka hindi 'yan makatulog," usal ni Wesley. Sa tono nito ay batid niyang nakangisi ang lalaki.
"Tse. Manahimik ka nga r'yan, panget," singhal naman ni Cass na siyang ikinangiti niya.
"Masanay ka na sa mga asaran, Tori. Ganito lang talaga kami rito sa bahay. You can treat us as your family now too. Isang pamilya tayo rito," ani Wesley na nakangiti.
"Suu~ Tama na ang drama baka nagugutom na itong si Tori. Bumaba na tayo para kumain," sabat naman ni Cass. Sumakbit ito sa braso ni Tori na tila ba niyayakap siya. "Halika kain na tayo sa baba, Tori. Mamaya tutulungan kita na ayusin ang mga gamit mo."
"Sabihin mo patay gutom ka kasi," muling asar na wika ni Wesley kay Cass. Hindi nagsalita si Cass upang sagutin ito ngunit binigyan niya ito ng nakamamatay na tingin saka muling bumaling sa kaniya. "Come on. Iwan na na 'tin ang panget na 'yan," yaya nito saka siya hinila pababa. This is a good start, right? Mukhang magiging maayos ang pagstay ko rito. Lahat sila ay napakabait. Ramdam na ramdam ko ang na welcome ako sa lugar na ito. Ok! Go! Tori kaya mo 'yan para sa future at para kay Jude.