UNANG ARAW ni Tori sa trabaho bilang personal assistant ni Jude. Kasalukuyan siyang nasa kusina at naglilinis ng mga uling ng limang kaldero. Natapos na niyang linisin ang tatlo pero meron pang dalawa. Nagkamali siya ng isipin na magiging maayos ang pagstay niya sa bahay ng idolo dahil hindi lahat ng tao sa loob ng bahay na 'yon ay pinaramdam na welcome siya.
Harap-harapan na ipinapadama sa kaniya ni Adrian na kabaligtaran no’n ang nararamdaman nito sa pagtira niya sa bahay. Nagtataka na nga siya dahil ang pagiging personal assistant ni Jude ang inapply-an niya at hindi ang pagiging house servant. Halos kaliwa't kanan ang utos nito kay Tori. Hindi naman siya makapagreklamo dahil unang-una ay unang araw niya pa lang at pangalawa ay hindi niya kayang suwayin si Adrian dahil natatakot siya sa katarayan nito.
Kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng bahay. Kada minutong lumilipas ay siya ang tinatawag ni Adrian para lang utusan ulit kahit hindi pa man siya tapos sa kaniyang ginagawa. It was the first day of her work pero hindi pa niya nakikita ang kaniyang idolo. Nakuha na niya rin ang kopya ng schedule ni Jude. Wala itong schedule para sa araw na ‘yon ng dahil sa isyu na lumabas. Iwas dumog na rin ng media ika ni Cass dahil sa mainit pa ang usapin paniguradong kapag nakita si Jude sa labas ay magkaroon ng g**o kahit na nagbigay na ang binata ng kaniyang statement.
Bukod doon ay binigyan ng kumpaniya ang kaniyang idolo ng rest day para sa araw na 'yon kaya naman ay pahinga rin nila. Well, good for them not for me.
Alam niyang pinag-iinitan siya ni Addy kaya siya lang ang palagi nitong inuutusan kahit na free naman ang iba na gawin ang inuutos nito. Marahas na napabuntong hininga si Tori. Hindi pa man natatapos ang kalhating araw ay ramdam na ramdam na niya ang pagod. Wala namang problema sa kaniya na gumawa ng mga gawaing bahay kaya lang sana naman ay bigyan siya nito ng kahit kaunting break. Muli siyang napabuntong hininga.
"Tori?"
Napalingon siya nang bigla umibabaw ang boses ni Cass sa kaniyang likuran. Magkasalubong ang dalawang kilay at halata ang pag-aalinlangan at paghingi ng paumanhin. Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti saka panandaliang hininto ang paglilinis niya.
Lumapit ang babae sa kaniya saka ipinulupot ang kamay sa kaniyang braso. "Kanina ka pa nagtratrabaho ah pahinga ka na muna," anito atsaka hinila siya palabas ng kusina ngunit pinigilan niya ito.
"Mamaya na siguro, Cass. Hindi pa ako tapos eh. May dalawa pa akong lilinisin," sagot niya saka binawi ang braso sa pagkakahawak nito. Isa pa baka mapagalitan ako ni Addy. Nais niyang idagdag ngunit madali niyang pinigilan ang sarili.
"Gusto mo bang tulungan kita?" tanong nito sa kaniya. Sunod sunod siyang napailing rito. "Okay lang. Dalawa na lang naman ito eh. Kaya ko na," ngiting saad ni Tori.
Napabuntong hininga si Cass. Tila hindi nagustuhan ang sagot niya. Hindi na ito nagsalita at tahimik na lang na nagtungo sa tabi saka kinuha ang isa pang kaldero saka nagsimulang linisin ‘yon. Magrereklamo sana siya dahil baka siya naman ang mapagalitan ni Adrian pero pinigilan niya ang sarili nang magsalita ito.
"Hindi ako makakapayag. Since lahat tayo nakatira rito pagdating sa gawaing bahay dapa lang ay equal work tayo. Hindi ‘yung isa lan ang gagawa.” Napabuntong hininga ito. "Pasensiya ka na talaga ah. Unang araw mo pa naman tapos ganito agad. Hayaan mo at pagsasabihan ko si Addy mamaya. Ang lakas ng loob niya na gawin kang utusan porque wala si Wesley," nakangusong anito habang napapailing.
Tanging silang tatlo lang nila Adrian at Cass ang natira sa bahay dahil umalis ng alas-4 ng umaga sina Wesley kasama ang kambal. Kinailangan ang kambal sa studio para maging back-up ng isang magco-comeback na idol ng DreaMedia. Samantala si Jude ay nasa sarili nitong condominium, ayon sa sinabi ni Cass sa kaniya talagang do'n ito naglalagi kapag walang trabaho kaya naman sobra ang panghihinayang ni Tori ng hindi niya naabutan si Jude nang magising siya. Nakisabay na rin kasi ito kina Wesley tapos ay hindi rin niya ito naabutan na umuwi ng nagdaang gabi dahil super late na ito umuwi.
Doon niya lang napagtanto kung gaano kahirap ang trabaho ng lalaki. Late na ito natutulog pagkatapos ay maaaga namang papasok. Kung tutuusin ay wala na itong sapat na pahinga. Dadagdagan pa ng problema ng mga fans at anti-fans dahil sa kaliwa't kanang issue. Hindi niya mawari kung papaano naha-handle ng idolo ang stress na nararanasan sa araw-araw. To think na mahinahon pa niyang hinaharap ang mga 'yon.
Nang dahil sa mga realizations na nalaman ay nas lalo tuloy niya itong hinangaan. Mas lalong tumindi ang nais niya na maprotektahan ito. Super hectic ng shedule ni Jude pero hindi man lang ito nagreklamo... kaya dapat hindi rin ako magreklamo sa dami ng trabaho dito sa bahay... after all para kay Jude at sa akin naman ang ginagawa ko.
Ngumiti siya kay Cass bago siya nagsalita. "Wala namang problema sa akin eh. Wala naman akong gagawin."
"Wala rin naman akong gagawin kaya tulungan na rin kita," ngiting anito saka ibinalik ang tingin sa ginagawa. Napakagat ng labi si Tori. Pinipigilan ang sarili na mapangiti. Ang bait talaga ni Cass sa kaniya. Nang dahil sa tulong ni Cass ay mabilis nilang natapos ang ipinapagawa ni Adrian. Hindi lang 'yon nagtulungan na rin silang dalawa para magluto ng tanghalian.
Alas-12 na pero hindi pa rin nakakauwi ang mga boys kasama si Jude. Gusto pa sana niyang hintayin ang mga ito kaya lang ang sabi ni Cass baka sa studio na rin kumain ang mga ito kung kaya naman ay sinamahan na lang niyang kumain si Cass at Adrian. Matapos 'yon ay nagtungo si Tori sa silid nilang dalawa ni Cass para makapag-shower.
She wonders what would it be about. Ipiniling niya ang kaniyang ulo para mawala ang kaunting kabang nararamdaman sa magiging paguusap nilang dalawa. Naalala niya ang napag-usapan nilang dalawa ni Cass habang inahanda ang lunch nila. Napag-usapan kasi nila ang tungkol sa idolo.
"Matagal na ba talaga kayong magkakasama?"
"Yup! Since debut ni Jude ay magkakasama na kami," ngiting sagot naman nito. Napamaang si Tori sa isinagot nito. Kung gan'on ay halos apat na taon na rin na magkakasama ang mga ito.
"Eh ikaw? Hindi ba sabi mo ay fan ka rin ni Jude kaya nagtataka ako kung bakit na-hired ka." Idinikit nito ang mukha niti sa kaniya kapagkuwan ay bumulong. "Alam ba ni Ate Esme ito?" saad nito saka siya binigyan ng isang mapanuring tingin ngunit bago pa man siya makasagot dito ay muling nagsalita ang babae. "Anyways, mabuti na lang hindi ka katulad ng ibang fans na overreacting."
"Yes, fan ako ni Jude since training days pa lang niya," sagot ni Tori saka umiling. "I know my limit as a fan at totoo ang sinabi ko. I need this job kaya kinuha ko as an opportunity. Bonus na nga lang dahil magtratrabaho ako as his personal assistant."
Hindi na nagsalita pa si Cass sa sinabi niya at tumango-tango na lang ito saka muling itinuon ang atensyon sa ginagawa. Kung gano'n na katagal ang samahan nila. Naiintindihan na niya kung bakit gano'n na lang kaprotective sila Adrian at sa tingin niya ay gano'n rin si Cass.
"Uhm. Cass pwede ba ako magtanong tungkol kay Jude?" nag-aalinlangan tanong niya. Ibinaling ni Cass ang tingin sa kaniya.
"Sige. Tanong ka lang."
"A-ano k-kasi... kumusta si Jude sa nagdaang taon?"
Natigilan si Cass sa naging tanong niya. Magkasalubong ang dalawang kilay nito habang nakatingin sa kaniya na tila ba nagtataka sa kaniyang tanong.
"Paanong kumusta ang tinutukoy mo? Okay naman si Jude. Hindi naman siya nagbago. Mabait siya pero very aloof sa mga taong nasa paligid niya. Maging sa amin at kay ate Esmeralda."
Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay sa sagot nito. "Aloof? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya.
"Gano'n naman talaga ang attitude ni Jude. Masyadong masikreto. Wala ni isa nga sa amin ang nakababasa sa kung ano man ang tumatakbo sa isip niya. Para siya isang treasure chest na hindi mabuksan-buksan. Minsan lang siya makisama sa mga lakad namin. Madalas ay nag-iisa siya sa kaniyang kwarto at nakikinig ng music o kaya ay nagsusulat ng lyrics. Isang certified introvert na hindi mo aakalain na isang idol."
Mas lalong itinutok ni Tori ang kaniyang ulo sa shower. Hindi niya maiwasan na mag-alala sa binata sa pagiging aloof nito. Ibig sabihin ay never pa itong naglabas ng nararamdaman nito o kaya ng saloobin. Kinikipkip lamang nito lahat sa sarili. Papaano na ang mga panahon na super nakaka-stress ang nangyayari rito? How can he handle all of it? Napakahirap siguro sa loob ng idolo na walang mapagsabihan ng saloobin pero bakit gano'n? Sa pagkakakilala ko rito ay hindi naman ito gano'n.
Ang Jude na kilala niya ay laging open sa lahat. Palagi itong open sa nararamdaman. Ano na ang nangyari rito sa nakalipas na panahon?
Hanggang sa makapagbihis si Tori ay hindi na nawala sa kaniyang isipan ang nalaman tungkol sa idolo. Bumalik lang siya sa realidad nang marinig niyang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Dali dali niya 'yon kinuha mula sa ibabaw ng mini table na katabi ng kaniyang kama at saka sinagot 'yon at ni-loudspeak nang makita ang pangalan ng bestfriend sa screen. Iyon na kasi ang required ng kaniyang depektadong cellphone.
"Hello, Tori! Kumusta ka na?" bati ng kaibigan. Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
"Okay naman ako. Mababait naman ang mga kasama ko sa tinitirhan ko. Mga katrabaho ko rin sila," sagot ni Tori.
Lumabas siya ng kanilang silid ni Cass dahil dadalawa lang ang signal sa loob. Nagtungo siya sa veranda upang sumagap ng malakas na signal.
"Bruha ka! Nakalimutan mo na akong tawagan porque nakatira ka na sa bahay ng mahal mong si Jude," may pagtatampong anito kunwari. Alam niya na nakangise naman ito sa kabilang linya.
Bigla nakaramdam si Tori ng kaba dahil sa sinabi ng kaibigan. Dinig na dinig iyon dahil sa speaker ng kaniyang cellphone. Ipinalig niya ang kaniyang tingin sa kaniyang likuran upang alamin kung meron bang tao na nakarinig sa sinabi ng kaibigang si Shin. Nakahinga lang siya ng maluwag ng siya lang ang nasa ikalawang palapag ng bahay. Paniguradong malalagot siya hindi lang kay Adrian kundi pati sa nag-hire sa kaniya kapag nalaman ng mga ito na nagsinungaling siya.
"Mula ngayon ay huwag mo ng mababanggit ang pagkakaroon ko ng feelings kay Jude sa tawag, Shin," may pagbabalang saad niya rito.
"Bakit naman?"
"Bawal at hindi pwede." Napabuntong hiningang aniya sa kaibigan. "Kahapon ko lang nalaman nang sabihin sa akin ng manager ni Jude na bawal akong mahulog dito." Napakagat labi si Tori sabay napapikit ng mariin. Hindi na naman ako mahuhulog dahil matagal na akong hulog kay Jude.
"Ha? Eh paano na 'yan? Deds na deds ka pa naman kay Fafa Jude."
Napabuntong hininga siya. Kakasabi pa lang niya na wag magsalita ng kung ano tungkol sa nararamdaman niya sa lalaki heto at inulit na naman. Minsan talaga ay ang sarap sapakin nitong si Shin pero tama naman ang sinabi nito sa akin. Tama lang ang pagkaka-describe nito sa nararamdaman ko para sa lalaki.
"Ano pa nga ba? Edi dapat pigilan. Isa pa ang nararamdaman ko ay love as a fan lang so there's nothing to be serious about it."
"Eyses! Echoserang palaka itong babaknit na 'to. Talaga lang ah? Panindigan mo 'yan," may pang-aasar na komento nito sa isinagot niya na siyang ikinatawa na rin niya sa kapagkuwan.
Tumagal pa ng ilang minuto ang kanilang usapan ni Shin bago nila naisipan na putulin na pansamantala ang tawag. Nakasalubong ni Tori ang nakabusangot na si Adrian sa hagdanan nang bumaba siya sa unang palapag. Halata ang ka-badtrip-an sa mukha nito. Pabalang na inilahad nito ang isang puting papel sa harapan niya. Napakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa puting papel na hawak nito saka 'yon kinuha.
"Here's the rules that you must abide to stay here. Any offense will be taken seriously," madilim na anito saka siya nilagpasan at iniwan. Napakamot sa ulo niya si Tori dahil hindi niya makuha ang trip nito. Itinuon niya ang tingin sa mga nakasulat rito habang naglalakad pababa ng hagdan.
10 House Rules
1. LUMAYO ka kay Jude.
2. BAWAL LANDIIN si Jude.
3. BAWAL pumasok sa silid ni Jude.
4. BAWAL istorbohin si Jude.
5. BAWAL KUMUHA ng litrato o videos ni Jude
6. NO VISITORS ALLOWED.
7. LAHAT ng nangyayari sa loob ng bahay ay
mananatili sa loob ng bahay.
8. STAY FOCUS sa trabaho.
9. CURFEW time alas-9
10. I don't trust you so I'm gonna keep my eyes on you.
Iniwasan niyang hindi mapangiwi sa pang-10. Halata naman na para ito sa kaniya. Unang-una pa lang at saka bakit puro tungkol kay Jude ang unang kalahati ng rules?
"Hi Tori! Ano 'yang hawak mo?" Napaigtad si Tori nang tumama ang mainit na hininga ng nagsalita sa kaniyang batok. Tinignan niya ng masama si Wesley. Nagtataka ang mga mata nito habang nakatitig sa kaniya.
"Nakagugulat ka naman, Wesley!" gulantang na ani Tori habang nakahawak sa dibdib nang basta na lang sumusulpot na parang kabute ang lalaki. Nakauwi na pala ito. Ibig sabihin pati ang kambal ay narito na rin.
"I apologize if I startle you," hinging paumanhin nito habang kinakamot ang batok nito kapagkuwan ay itinuro ang hawak na papel ni Tori. "Para saan ba 'yan?"
"Ah ito?" Ipinakita ni Tori ang papel sa lalaki. "Sabi ni Adrian rules ito na dapat kong sundin para manatili rito sa bahay."
Napakunot ang noo ni Wesley saka kinuha ang papel sa kaniya. "Talaga lang ah? Bakit ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito?"
Binasa ni Wesley ang nasa papel kapagkuwan ay natawa ng malakas. Tawa na para bang wala ng bukas. Napalabi si Tori sa reaksyon ng lalaki.
"This is funny! The rules one to five only state na bawal kang lumapit kay Jude kahit na ano ang mangyari. Sinasadya man o hindi," naiiling na anito saka ibinalik kay Tori ang papel.
Naramdaman niya ang marahang pagtapik nito sa kaniyang kaliwang balikat. "Huwag mong pakaseryosohin ang nakasulat sa papel na 'yan. Over reacting lang talaga ang nilalang na iyon," nakangiting ani ng lalaki sa kaniya. Naroon pa rin ang kislap ng amusement sa mga mata nito.
"So ikaw pala ang bago kong personal assistant?" sabat ng isang baritonong tinig na umalingawngaw sa kanilang likuran ni Wesley.
Nanigas ang kaniyang katawan dahil kilalang-kilala niya ang nagmamay-ari ng boses. Sabay silang napalingon ni Wes sa dako nito at gano'n na lang ang pagwala ng kaniyang puso nang makita ang mukha ng idolo. Nakasandal ito sa hawakan ng hagdanan habang nakamasid sa kanilang dalawa ni Wesley. Tori's jaws literally dropped as she looked at the man above her.
Ang mukha na may chinitong mga mata, matangos na ilong at makinis na mukha na madalas ay nakikita lang niya sa mga billboard, magazine at telebisyon.
"Oh! Ikaw pala Jude."