KASALUKUYANG nasa isang sulok si Tori habang nanonood sa mga pinong galaw ng idolong si Jude habang sumusunod ito sa tugtog ng musika na umaalingawngaw sa loob ng studio. Pakiramdam niya ay nananaginip pa rin siya sa t'wing naaalala ang nanyari kahapon. Sa unang pagkakataon ay nagkausap silang dalawa ng lalaking matagal na niyang pinapangarap.
"So ikaw pala ang bago kong PA? Anong pangalan mo?"
"Victoria Nervaez pero pwede mo akong tawaging Tori."
"Tori," napangiti ang lalaki sa kaniya. "I hope to work well with you."
Nakangiting napahawak si Tori sa kaniyang mukha dahil pakiramdam niya ang tumaas lahat ng kaniyang dugo sa katawan sa kaniyang mukha dahil bigla na lang ‘yon uminit.
“I hope to work well with you.”
Bagamat sinabi iyon ng binate sa kaniya na wala man lang kaemo-emosyon ay hindi pa rin niya maiwasan na hind imaging masaya. Ganoon kalala ang epekto sa kaniya ng binata. Napakagat si Tori sa kaniyang ibabang labi. Napailing siya. Get a grip, Tori! Huwag kang baka mahalat ka! Hindi puwedeng malaman ng sinoman sa kanila ang sikreto mo.
Ibinaling niyang muli ang tingin sa tatlong lalaki na sumasayaw sa harapan ng salamin. Practice lang ang nasa schedule ng lalaki para sa araw na ‘yon katulad ng mga nagdaang araw. Ayon kay Cass paghahanda ‘yon para sa gagawing comeback nito para sa susunod na buwan. Isang full album ng mga bagong concepts, bagong Choreography at bagong mga kanta. She smiled.
Hindi siya nagsasawa niya na panoorin at pakinggan ang lalaki kahit na pang-sampung beses na niya ‘yon napakinggan at napanood. As expected, maganda ang mga bagong kanta ng lalaki and the choreography suits well to the song. Lalong humanga si Tori sa galing sumayaw ni Jude. Her heart can't stop pounding so hard as she watches his every single movement. Hindi rin mawala sa kaniyang mga labi ang ngiti habang pinagmamasdan ito.
"Victoria." Napapaling ng tingin si Tori sa kaniyang gilid nang tawagin siya ni Cass. Nakaupo ito sa kaniyang tabi at abala sa pagkalikot ng makeup kit na naiwan ni Adrian nang umalis ito kasama ni Wesley upang bumili ng makakain nila para sa tanghalian.
Napakunot ang noo ni Tori nang makita na hawak ni Cass ang isa sa mga make up ni Adrian na kinuha nito mula sa malaking maleta ng makeup artist. Dala-dala pa rin kasi iyon ni Adrian kahit wala naming event na pupuntahan ang kanilang amo. Ibinalik niya ang atensyon kay Cass na todo ngiti na nakatingin sa kaniya habang hawak-hawak ang isang brush at lipsticks sa magkabilang kamay nito.
Napangiwi siya dahil mukhang alam na niya ang nais nitong mangyari. Mabilis siyang napailing bilang pagtanggi sa binabalak ng babae. Cass wishes to put makeup on her. Hindi siya sanay na naglalagay ng kulurete sa kaniyang mukha dahil nabibigatan siya at naiinitan.
“Come on, Tori! Please let me try these on you. I promise bagay sa’yo ‘to,” pagpupumilit pa rin ng babae sa kaniya. Nakanguso ito habang magkasugpong ang dalawang kamay sa may dibdib nito. Cass’ eyes pleads nang maalala bigla ni Tori ang mga sinabi ni Adrian tungkol sa mga makeup nito. Mas mahal pa raw iyon kaysa sa kaniyang buhay. Exaggerated man pero siguro ay talagang mahal ang mga iyon. Marahas siyang umililing sinamahan niya pa ng pag-ekis ng kaniyang mga kamay upang ipakita sa babae na hindi siya pumapayag sa gusto nito.
"No. Ayoko Cass. Isa pa kay Adrian ang mga 'yan,” aniya saka tinalikuran ang babae. Nagpokus na lang siya sa papanood kila Jude.
"Tori naman eh! Sige na! Naboboring na ako kakapanood at kakaupo rito. I want to do something. Light make up lang ang ilalagay ko sayo, don't worry amd Addy won't even notice it sa kanipisan." pakiusap nito. Muli itong humarap sa kaniya at saka napuppy-eyes pa ito para lang pumayag siya.
Tori bit her lower lips. "Pero kasi..." may pag-aalinlangang saad niya. Nang sumulpot sa kaniyang imahinasyon niya ang mala-dragong itsura ni Adrian na inaangilan siya. Pakiramdam niya ay namuti ang kaniyang mukha sa takot.
"Please Tori," pagmamakaawa pa rin nito.
"Sorry talaga Cass. I'll let you put make up on me pero next time na lang. Ayokong mapagalitan ni Adrian kapag malaman niya na ginamit mo ang makeup niya without his permission. Alam mo naman na mainit ang dugo no’n sa akin eh kaya sana maintindihan mo. Sana hindi ka ma-offend," sagot niya.
She doesn't want to disappoint Cass because she was good to her pero ayaw naman niya na lalong magalit si Adrian sa kaniya.
"Ganun?" malungkot na saad ni Cass. Ibinaba nito ang hawak na makeup saka yumuko. Tori can clearly hear dismay in her voice. Lalo dumiin ang pagkakagat niya sa kaniyang ibabang labi. Maguguilty na sana siya pero natigilan ‘yon nang muling inangat ni Cass ang mukha na may ngiti na sa mga labi.
"Don't worry hindi naman ako na-offend since you make a promise na papayag ka na ayusan kita sa susunod," dagdag pa nito na naka-peace sign pa. Tori heaved a sigh. Nabunutan siya ng tinik sa sinabi nito. Ang buong akala niya ay na-offend nya ang kaibigan sa kaniyang pagtanggi.
"Victoria." Dumako ang tingin ni Tori kay Cristoff marinig niya ang pagtawag nito sa kaniyang pangalan. Nakatayo ito sa harapan nila habang nagpupunas ng pawis samantalang ang kakambal nito at si Jude ay patuloy pa rin sa pagsayaw na parang walang mga kapaguran.
"Pwede mo ba kaming ibili ng drinks? May vending machine sa hallway pagkalabas mo lang rito. Any minute we’re going to take a break kung okay lang?" pakiusap nito. Agad na tumango si Tori sa lalaki saka tumayo pero natigilan siya ng hawakan ni Cass ang kaniyang kanang kamay.
"Samahan na kita?" anito ngunit umiling siya saka ngumiti.
"I can manage. Maiwan ka na lang rito Cass," aniya saka tumakbo palabas ng studio. Tinahak niya ang mahaba at malawak na hallway at habang ginagawa ‘yon ay muli niyang nabigyan ng pansin ang laki ng buong building.
DreaMedia ang agency ni Jude. Ngayon niya lang napatunay kung gaano kayaman ang entertainment company base sa laki ng building na pagmamay-ari nito. Balita rin niya na hindi lang ito ang pagmamay-ari ng agency dahil may sarili din itong network channel, ang channel 97 sa tv kung saan lahat ng projects ng mga artista o talents na hawak nito ay doon ipinapalabas. Hindi lang sila humahawak kun ‘di sila din mismo ang nagpro-provide ng trabaho para sa kanilang mga talent scouts.
Tori was completely astonished. It consists of 30th floors. Ang studio kung nasaan siya ay nasa 15th floor. Also, kumpleto rin sa fascilities ang buong building. Tori bet na hindi lang iisa ang studio ng building to think na malaking studio na ang pinagprapraktisan nila Jude at complete equipment pa.
Hindi naman katakataka ‘yon dahil ang DreaMedia ang isa sa pinakamalaking talent agency sa buong Pilipinas at hindi lang si Jude ang super sikat na idolo na hawak ng ahensya dahil halos majority ng successful sa entertainment industry ay hawak nito.
Kinagat ni Tori ang kaniyang hintuturo. Ang sabi ni Cristoff along the hallway lang ‘yong vending machi--
Natigilan siya nang makita niya na sa hindi kalayuan ang vending machine na hinahanap. Pupuntahan na niya sana ito kaya lang ang problema ay may isang lalaki ang nakatayo sa harap no’n. Nakatungo lang ang lalaki sa machine na para bang may malalim na iniisip.
"Anong kayang iniisip nito?" tanong niya sa sarili ngunit napailing agad siya ng marahas.
Ano bang pakialam mo ha, Tori? Napakatsismosa mo talaga! Pagkastigo niya sa sarili saka muling pinagmasdan ang lalaki na hindi man lang gumagalaw. Para itong estatwa. Nakatingin nga ang mga mata nito sa vending machine ngunit kapansin-pansin na tagos naman ito doon.
Naghintay pa si Tori ng ilang sandali pero nang mapagtantong walang balak na umalis ang lalaki ay naisipan na niyang lapitan na ito.
"Uhm. Excuse me po," pagtawag niya sa atensyon nito. Bahagya niya pang tinapik ang balikat ng lalaki upang lingunin siya nito at gayon na lang ang gulat ni Tori ng malaman kung sino ang lalaking nasa kaniyang harapan ngayon.
"Kit Saavedra?" anas niya sa pangalan nito. Hindi siya makapaniwala na makikita ang lalaki ng personal. Kitzel Ly Saavedra, isang sikat na singer. Hindi niya malilimutan ang mukha ng lalaki dahil ito ang isa sa mahigpit na karibal ni Jude sa larangan ng industriya. Magkasabay lang ang debut ng dalawa. Hindi lang ‘yon dahil nominated bilang numero uno na pinakagwapong lalaki sa buong Asya pangalawa si Jude.
Kung hindi lang loyal ang kaniyang puso kay Jude ay baka maging isang masugid na tagahanga rin siya nito. Magaling at maganda rin kasi itong kumanta at ang balita niya ay likas na mabait ang lalakki
"I'm sorry if I space out," hinging paumanhin nito saka yumuko para kunin ang isang can drink na nasa ilalim ng vending machine. Nagsalubong tuloy ang kaniyang mga kilay. Kung ganun ay kanina pa pala ito nakabili sa vending machine?
"Here. Ikaw naman," ngiting anito na hindi naman 'yon umabot sa mga mata nito. Tumabi ito upang bigyan siya ng espasyo sa harapan ng machine. Mababakas sa mga mata ng lalaki ang matinding kalungkutan and Tori can’t help to wonder why. Naghulog siya ng mga barya at saka pumindot sa pindutan ng vending kapagkuwan ay nag-intay siya na mahulog ang kaniyang binili.
"Okay ka lang ba?" hindi napigilang itanong ni Tori. Hinarap niya nag lalaki at saka tiningnan ito direstso sa mata. She knew she has nothing to do with his business pero nang makita niya ang kalungkutan na iyon sa mga mata nito ay hindi niya maiwasan na hindi mangialam. Somehow in her heart. It tells her na kailangan niyang gumawa ng paraan to ease his sadness kahit maliit na porsyento lang.
Napapantastikuhang tiningnan siya ni Kit. Napangiwi siya nang hindi ito sumagot sa tanong niya at nanatili lang na nakatingin sa kaniya. Marahil ay nagtataka ito kung bakit niya ito kinakausap samantalang hindi naman sila magkakilalang personal.
Then an idea came up to her mind. Hindi na niya ito hinintay pang magsalita sa halip ay muli siyang humarap sa vending machine saka may hinanap. She automatically smiles afterwards when she saw what she's been looking for. Mabuti na lang at mayroong stock ang vending machine ng bagay na hinahanap niya.
Muling naghulog ng barya sa coin slot si Tori saka pinindot ang gusto niyang kunin. Nang marinig ang pagkahulo nito ay saka niya kinuha ang maliit na ice cream cup. Ngiting inilahad niya ‘yon sa lalaki na nasa likuran niya. Gaya kanina ay nakakunot pa rin ang noo nito habang pinagmamasdan siya.
"Here. Eat this rocky road ice cream flavor. Ito ang kinakain ko kapag nalulungkot ako and I think it has a magic effect that takes away sadness," paliwanag niya.
Ibinaba ni Kit ang tingin nito sa ice cream na hawak niya saka muling ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. Muli niyang inilapit ang ice cream cup sa mukha nito habang nakangiti ng matamis. Binigyan niya ng senyas lalaki na kunin ang kaniyang iniaalok kung kaya naman sa huli ay wala rin itong nagawa kun ‘di tanggapin iyon. Akmang magsasalita sana ang lalaki sa kaniya nang bigla itong napatingin sa kaniyang likuran.
"Jude Sandejo, I didn't know you were here," anito.
Pagkarinig pa lang sa pangalan ay agad nang nagwala ang puso ni Tori. Mabilis niyang nilingon ang kaniyang likuran and there she saw Jude standing 5 meters away from them. Looking at them with a flat look as usual.
"So does you, Ly. Napagod ka na ba kakahabol kay Yna kaya ka narito?" nakangise at may bahid na sarkasmong tanong ni Jude sa lalaki. Nagsalubong ang kilay ni Tori sa mga salitang lumabas sa bibig ni Jude. Halata ang pag-uuyam sa boses nito dahilan upang manibago si Tori sa ugali ng lalaki.
"I believe, it’s not your business Jude," walang emosyong sagod ng lalaki yet, Jude just laugh nonchalantly. Lumapit ito sa pwesto ng vending machine saka naghulog ng barya kapagkuwan ay muling tumingin kay Kit.
"Yes. You're right but I never thought napapagod din pala ang isang tapat na aso sa kaniyang amo," saad pa nito na may bakas ng pangiinsulto. Kinuha nito sa vending machine ang binili saka walang salitang tinalikuran sila na parang walang nangyari.
Napatutop si Tori ng kaniyang bibig habang nakatingin sa papalayong likuran ni Jude. Ok? Hindi ko tanda na mayroong ugaling ganito si Jude dati. Anong nangyayari? May alitan ba sila?
Umiling siya. Kailangan niyang makausap ang binata. Kinuha niya ang mga biniling drinks kapagkuwan ay tiningnan niya ang katabing lalaki saka yumuko rito. "Pasensya ka na sa inasal ni Jude. Sige!" pagpapaalam niya saka tumakbo sa daang tinahak ng idolo.
Nalilito si Tori kung bakit ganun ang pakikitungo nito sa modelo. Hindi kaya magkaaway ang dalawang lalaki? Napa-iling siya pero bakit gano’n ang pinakita ni Jude? Anong dahilan?
Kahit wala man siyang idea sa kung anong pinag-usapan ng dalawa kanina. Hindi pa rin dapat gano’n ang inasal ni Jude kay Kit. Hindi niya matanggap ang nakitang magaspang na pag-uugali nito na kailangan pang mang-insulto at magsasalita ng hindi maganda sa ibang tao. To think na baka may pinagdadaanan pa ang lalaking pinagsalitaan nito. She can't accept that fact kasi alam niyang hindi ‘yon totoo. No. Hindi ganun ang kilala kong Jude.
Alam ni Tori na kailangan niyang makausap si Jude tungkol sa naging kilos nito. Baka bumalik na ito sa studio.
She wants to know the truth on why he did that. Nasa ganoong mind set si Tori nang matigilan siya sa paglalakad pabalik sa studio. Sa isang masikip na pasilyo sa hall way ay nadaanan niya ang pamilyar na likuran ng hinahabol na lalaki.
Bumalik siya malapit sa pwesto nito upang silipin kung anong ginagawa nito sa lugar na iyon pero ganun na lang ang pagsisisi niya sa ginawa niya. Kasabay kasi ng pagsilip niya ay ang pagkawasak ng kaniyang puso ng mapagtantong hindi lang ang lalaki ang nasa maliit na pasilyo kun ‘di ay may kasama itong babae.
Babae na kasalukuyang nakayapos sa balikat ng idolo habang marubdob itong hinahalikan ang lalaki. Tori froze at the sight.
Hindi niya malaman ang nangyayari sa kaniya. Kahit gusto niyang umalis sa kinalulugaran niya ay ayaw naman sumunod ng kaniyang mga paa hanggang sa marinig niya ang pagsambit ni Jude sa pangalan ng babae sa paungol na paraan.
"Jen."