Chapter Twenty: ALAS-TRES na ng hapon nang matapos sina Tori at Jude sa pagluluto ng leche flan para kay Adrian. Naging maayos naman ang kinalabasan ng kanilang binake at nakagawa pa sila ng sampung lanera mula sa mga binili niyang ingredients. Kasalukuyan na iyon pinapalamig sa ref ngunit hindi magawang maging masaya ni Tori lalo dahil mula nung nabuksan niya ang topic tungkol sa pagiging bakla ng lalaki ay hindi na ito umimik pa. Nakasimangot pa rin ang lalaki. Halata sa mukha nito ang pagkainis. Hindi rin niya magawang nagsalita dahil baka lalo lang mabad-trip ang binata sa kaniya. Hanggang sa maluto ang leche flan ay nanatili lang siyang tahimik at nakikiramdam sa bawat kilos ng lalaki. “Ah eh… Jude s—” Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay nilagpasan na siya nito pagkata

