Chapter Twenty-one: "ANONG PLANO na na ‘tin ngayon, Jude?" tanong ni Tori sa binata nang makapasok sila sa room na nirentahan sa motel. Room 104 ang kinuha niya gaya ng sinabi ng lalaki katabi ng room na kinuha ni Adrian at ng kasama nito. Siya ang nakipag-negotiate sa babaeng reserver samantalang ang lalaki ay nakayuko lang habang kaharap ito. Ibang pangalan pa nga ay inilagay niya para hindi na magkagulo at walang makahalata. Mabuti na lang at hindi na ito humingi ng ID kundi patay silang dalawa. “Uy, Jude!” pagtawag niya sa atensyon ng binata. Agad naman itong tumingin sa kaniya na may nagtatanong na mga mata. Kinakabahan kaya ito para kay Adrian kaya ‘to pre-occupied? “Sabi ko ano na ang plano na ‘tin? Susugod ba tayo sa kabilang kuwarto? Kokomprontahin mo ba ang bf mong si Adrian

