Chapter Twenty-five: HAWAK ni Tori ang kaniyang dibdib habang binabagtas nila ang biyahe patungo sa lokasyon ni Jude. Halos tatlong oras na silang nabiyahe mula sa at ayon sa lalaki ay malapit na sila sa lokasyon ng binata. Kasama niya ang lalaking nakasuot ng salamin na siyang ipinakilala sa kaniya niya kaninang madaling araw. Ayon kay Wesley ang pangalan ng binata ay Siel. Kababata at matalik na kaibigan ni Jude nang nanirahan ang pamilya nito sa Batangas. He immediately felt something is off about his friend nang walang pasabi na dumating ito sa kanilang bahay that’s why he called Wesley to ask. Napatawa siya. Batangas of all places? Tadhana ba ito? Sa probinsya pa kung saan sila unang nagkakilala. Laking pasalamat na lang ni Tori sa binatang kasama dahil unang-una, ito ang nagsabi

