Chapter Twenty-Six: PALIPAT LIPAT ang naging tingin ni Tori sa kaniyang kuya at kay Jude na kasalukuyang nasa sala ng kanilang bahay. Tahimik at kalmado lang ang kaniyang idolo na nakaupo sa kaniyang tabi. Pormal lang ang makikita reaksyon sa mukha nito. Tuwid na nakaupo kaharap ng kaniyang kuya. Hindi niya tuloy alam kung anong tumatakbo sa utak nito. Hanggang sa mga oras na ‘yon ay hindi pa rin siya mapalagay. Hindi niya inaasahan na makikita ang kaniyang Kuya Joseph sa harapan ng bahay nila Siel. Kung bakit pa kasi nagkataon pa na sa kapit-bahay pa nila Siel ito nag-deliver ng kataying baboy. Kung sinusuwerte ka nga naman. Napalabi siya. Napauwi tuloy siya sa bahay nila ng wala sa oras at naisama pa si Jude. Kahit hindi naman kailangan ay nagpumilit pa rin itong sumama ng kaladkar

