Chapter Twenty-Seven: NAPATIGALGAL si Jude nang dalhin siya ni Tori sa silid ng kapatid. Yakap yakap ang unan na ibinigay nito sa kaniya bago siya nito iwan. Ang buong akala niya ay kung saan na sila pupunta ng babae nang sabihin nito na sumama siya rito. Nagpakawala siya ng mahinang buntong hininga. Sobra ka ng nadadala sa mga pangyayari, Jude. “Oy!” Ibinaling ni Jude ang kaniyang tingin sa lalaking kapapasok lang sa kuwarto. Masama pa rin ang tingin nito sa kaniya na para bang isa siyang kahina-hinalang tao kahit na ilang beses nang ipinaliwanag ni Tori rito na wala silang relasyon. Hindi siya nagsalita bagkus ay hinintay niya ang susunod nitong sasabihin. “Hindi ko alam kung pa-paano nangyari at nadawit ka sa kapatid ko pero ito lang ang sasabihin ko sa ‘yo. Huwag na huwag m

