Chapter Seventeen: HINDI mapirmi si Tori sa kaniyang kinauupuan. Nasa loob siya ng isang café kung saan sila magkikita ni Kitzel. Kasalukuyan siyang nasa second floor dahil dito siya itinuro ng waiter sa ibaba nang tanungin siya nito tungkol sa kaniyang reservation. Marahas siyang nagpakawala ng buntong hininga. Hindi mawala sa kaniyang isipan ang iniwang eksena sa bahay. Hindi niya inaasahan na makikilala niya ang ina ng kaniyang idolo. Napaka-sophisticated ng mama ng binata. Ang bawat galaw nito ay sumisigaw ng awtoridad. Kumawala ang isang buntong hininga sa kaniyang mga labi. Talagang nakaka-intimidate. Wala ni isa sa kanila ang nakapagsalita liban sa anak nitong si Jude. Nakaramdam si Tori ng pangingilabot nang maalala ang uri ng tingin na ibinigay nito sa kaniya nang madaan s

