Chapter Eighteen: NAALIMPUNGATAN si Tori nang maramdaman niya ang isang malambot na bagay na nakalapat sa kaniyang mga labi. Agad na nagsalubong ang kaniyamga kilay. Hindi gumawa ng kahit na anong galaw habang inaanalisa kung ano ang nakadapo sa kaniyang mga labi. Ano ito? Ba-bakit napakalambot? At saka bakit ganito ang t***k ng puso ko? Ano bang nangyayari sa akin? Nakaramdam si Tori ng pagkataranta nang magsimulang gumalaw ang anumang nasa kaniyang mga labi kasabay ang paglakas ng t***k ng kaniyang puso. Hala! Gumagalaw siya! Naku naman! Huwag naman po sana ipis o kahit na anong insekto ang dumapo sa labi ko, please! Dahan-dahang iminulat ni Tori ang kaniyang mga mata. Tori gasped when she saw Jude’s face inch away from her. She stiffed as Jude continue to kiss her. Nakapikit

