Chapter Twelve TININGNAN ni Tori ang kaniyang sarili sa salamin kapagkuwan ay iniunat niya ang kaniyang suot na dilaw na polo at ang kaniyang itim na mini skirt. Nagpakawala rin siya ng ilang beses na buntong hininga pero ngunit kinakabahan pa rin siya. Nakagat niya ang kaniyang ibabang labi dahil hindi iyon nakatulong upang maalis ang kaniyang nararamdamang nerbyos sa kaniyang interview at demonstration teaching sa araw na iyon. Nakatanggap siya ng text kahapon mula sa school kung saan ipinasa ng kaniyang kaibigan ang kaniyang mga dokumento para sa gaganapin na ranking para makapasok sa ahensiya ng edukasyon. Marahas siyang napailing. Hindi Tori! Kaya mo ‘yan! Huwag kang mag-alala. Malalagpasan mo rin ito. Muli siyang tumingin sa kaniyang repleksyon sa salamin. She tucked a loose

