"OKAY Jude. Kaunting shots na lang ang kukunin na 'tin then after that puwede ka ng magpahinga," saad ng lalaking photographer na siyang kumukuha ng mga pictures ni Jude para sa isang sikat na magazine. Halos 3 oras na mula nang mag-umpisa sila at nagsisimula na rin na uminit ang paligid dahil sa papalapit na pagsapit ng katanghaliang tapat. He sighed inside his mind. Kung bakit pa kasi kailangan sa labas ng studio ang napiling set-up para sa shooting at doon pa kung saan maraming taong dumadaan. Tumango si Jude sa sinabi ng photographer sa kaniya 'tsaka nagtungo sa tent kung saan naroon ang kaniyang mga kasamahan. Papalapit na sana siya sa mga ito nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. "Huwag ka ng mag-alala pa kay Tori, Cass. She will be fine." "Nag-aalala lang talaga ako

