"Ito oh uminom ka muna ng juice," naiilang na alok ni Tori sa hindi inaasahang bisita. Kasalukuyang silang nasa kusina ng sikat na modelong si Kitzel Ly na nakaupo sa island counter. Nakasuot ito ng black hood at sumbrero na tinernuhan ng ragged pants. Bagamat kung tutuusin ay napakasimple ng suot nito, iba pa rin ang naging dating ng damit kapag ito ang nagdala. Hindi maipaliwanag ni Tori pero kahit na ganoon ang suot ng binatang modelo ay umaapaw pa rin ito ng charisma. Lubos na ipinagtataka ni Tori kung bakit ito nakapasok sa subdivision at mas lalo na sa bahay ni Jude gayong kahapon lamang ay hindi ito pinahintulutan. Ayaw naman niyang tanungin ito ng diretso dahil magiging isang bastos ang kakalabasan niya. Besides naniniwala ako sa kasabihan na "if you want others to treat you well

