“No one needs you here anyway…” “No one needs you here anyway…” “No one needs you here anyway…” MARAHAS na napabuntong hininga si Tori habang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang mga katagang sinabi ng binatang idolo. Hindi man niya aminin pero sa kaniyang kalooban ay lubha siyang nasaktan sa sinabi nito, para kasing sinasabi nito na pinagsisiksikan niya lang ang sarili niya sa pamamahay na ‘yon, sa buhay ng lalaki when all she only want is to help him. Nagkakaroon na tuloy siya ng second thought sa pag-apply niya sa trabahong iyon. Dumako ang mga tingin ni Tori sa pintuan ng silid nilang dalawa ni Cass nang makarinig siya roon ng sunod sunod na mga pagkatok. Tinapunan niya ng tingin ang tulog pa rin na si Cass sa kabilang kama. Baka maistorbo ang tulog ni Cass kung hindi ko

