Ipinakilala ni Kurt sa kanya ang girlfriend nito na half French and half Filipino. Mas nananaig ang dugong banyaga sa hitsura nito pero magaling itong mag Tagalog. Mabait ang babae at maganda. Isa ito sa mga magtuturo sa kanila. Binigyan na sila ng schedule ng klase nila. Bale sampung katao sila sa klase. Halo-halo din ang nationality nila. May kasama siya doong isang Pinay din. Sa mga unang araw nya sa Paris ay nakadama siya ng matinding lungkot gabi-gabi. Lagi siyang nakikipag-video call sa Mama nya. Bago matulog ay tumatawag siya dito. " Hi, Ma," nakangiting sabi nya. Agad na umiyak na naman ito pagkakita sa kanya sa video call. Katulad nya ay nag-aadjust pa rin ito sa pagkakalayo nila. " Ma, maiiyak na rin ako nyan," nakangiti pa ring sabi nya kahit parang nangigilid na rin ang mga

