Sabay nyang umuwi ng Pilipinas si Kurt. Anlaki ng mga ngiti nya nang makita ang ina. Patakbong nilapitan nya ito at niyakap. Mahigpit din ang pagkayakap nito sa kanya. Biglang napalis ang ngiti niya nang may makitang nakatayo sa likod ng ina, walang iba kundi si Riley! Mataman itong nakatingin sa kanya. Agad na bumitiw siya sa pagkakayakap sa ina. Mabilis na nagpaliwanag ang Mama nya. " Hindi kasi available iyong driver. Biglang may emergency, eh, wala na akong mahagilap na magda-drive," nag-aalangang sabi ng ina. Nagtaka man dahil Sabado iyon at alam nyang pumapasok ito ng opisina kapag Sabado, hindi na rin siya nagtanong pa. Mabilis na nakalapit na din si Kurt sa kanila. Niyakap ito ng ina nya. " Salamat sa pag-alaga sa anak ko," sabi ng ina nya dito. " Walang anuman po," nakangiti d

