KABANATA 15

2566 Words

Mula nun ay araw-araw na syang pinupuntahan ni Raymond sa museum. Pagka-graduate kasi ay marami na syang tinatanggap na projects galing kay Mr. Vasquez dahil mas marami na syang time kaya halos araw-araw din syang naglalagi sa museum nito. Palaging may bitbit ito kapag pumupunta ito doon. Kinahapunan naman ay hinahatid sya nito ng bahay. Nakilala na din nito ang Mama nya nang dumalaw ito minsan ng Sabado ng gabi. Linggo nun at galing sila ni Raymond sa pamamasyal. Hinatid siya nito ng bahay bago mag-alas sais dahil buong araw nya itong kasama. Biglang tumahip ang dibdib nya nang makita ang kotse ni Riley na nakaparada sa labas. Bumaba si Raymond ng kotse para pagbuksan sya. Pagkababa ay saka din naman bumukas ang gate ng bahay nila Riley. Pareho pa silang nagulat nang lumingon sya. Agad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD