Break Na Ba Tayo?
Chapter 10
"Ang aga mo yata nagising Penelope?" pagtatakang sabi ni Patricia, sa kanyang anak. Alam naman niyang hindi ito morning person. Nandito sila ngayon sa kusina. Magpapahanda sana siya ng almusal sa mga kasambahay nila ngunit nakita niya si Penelope, na abalang nagluluto ng almusal.
"Nagjogging ako kanina mommy. Naisipan ko na magluto ng almusal." masayang sabi ni Penelope, bihira lang naman siyang magluto. Tinutulungan siya ni Rose, isa sa kasambahay nila na magluto ng almusal. Masasabi niyang sinasanay na niya ang kanyang sarili na magluto dahil kapag magkasama na sila ni Braylon, sa isang bahay ay kaya na niyang ipagluto ito. Hindi na niya kailangan kumuha ng kasambahay.
"Jogging? Really? Hindi ko na matandaan kung kailan ka huling nagjogging? Anyway bukas pala ay pupunta tayo sa kaibigan kong wedding designer. Magpapasukat ka na ng wedding gown mo." ngiting sabi ni Patricia, nakausap na niya kagabi ang kaibigan niyang sikat na wedding designer na si Francis Levis. Sinabi nito na puwede silang pumunta sa shop bukas ng hapon.
"Talaga mommy?! Excited na akong magpasukat ng wedding gown. Nasabi ko na rin kay Braylon, iyon. At ok naman sa kanya na ikaw ang sumagot sa wedding ko mommy." ngiting sabi ni Penelope, tapos na siyang magluto ng almusal. Pumunta na sila sa dining area para kumain.
"Kailangan mo pa ba sabihin sa kanya na ako ang sasagot sa wedding gown mo? Penelope, wag na wag kang magpapaunder sa asawa mo." taas kilay pang sinabi iyon ni Patricia.
"Mommy naman under agad? Sinabi ko lang naman iyon para hindi na ito magproblema sa wedding gown ko. Buti nga lang sinagot ni daddy ang isusuot nitong barong." sabi ni Penelope, napatango na lang ang kanyang mommy sa sinabi niya. Nagsimula na silang kumain ng almusal at hindi pa rin bumababa ang kanyang daddy. Tinanong niya sa kanyang mommy kung hindi mag-aalmusal ang daddy nito.
"My god! Puyat siya dahil meron siyang ginagawang report? Ewan ko kung ano ginagawa nito. Sinabi ko nga na pagawa na lang nito sa secretary nito ngunit ayaw niya. Masyadong masipag talaga ang daddy mo." ngiting sabi Patricia, hindi niya maiwasan na mapangiti dahil natikman niya ulit ang pagkantot ng kanyang matipunong asawa. Bigla niyang naalala na ngayon pala niya makikilala ang bagong body guard niya. Kasamaang palad inalis ni Rafael, ang dating body guard niya dahil nalaman nito na may lihim silang relasyon. Nagtataka nga siya kung paano nalaman ni Braylon, na may relasyon sila ng body guard niya.
"Mommy mauuna na ako sa taas dahil kailangan ko pa maligo." paalam na sabi ni Penelope, pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay tinignan niya ang kanyang cellphone. Meron siyang natanggap ng isang text message galing kay Rhaegar.
"Good Morning!" _Rhaegar
Hindi niya alam bat siya napangiti sa kanyang binasa pero agad niya itong binalewala. Hindi niya dapat pinapansin ang ganitong maliit at walang kakuwentang-kuwentang bagay. Lalo na malapit na siyang ikasal. Gusto na muna niya maligo bago siya matulog muli. Dahil nakakaramdam siya ng antok. Napagod siya kanina sa pagjojogging. Kailangan niyang alagaan ang kanyang sarili dahil gusto niyang maging sexy siya sa araw ng kasal niya. Kaya nga konti na lang ang kinain niyang almusal kanina. Pagkatapos niyang maligo ay kinuha niya narinig niya ang kanyang cellphone na tumutunog. Tinignan niya muna ito kung sino ang tumatawag at si Braylon, pala ang tumatawag sa kanya. Agad niya itong sinagot. Nagkamustahan silang dalawa at kinuha na rin niya ang pagkakataon para magpaalam na may lakad siya mamaya.
"Sweet naman ng future husband ko. Mamaya pala ay lalabas kami ni Avery. Shopping kami para may isuot kami sa opening ng book store namin." sabi ni Penelope. Hindi niya puwedeng sabihin na hindi si Avery, ang kasama niya. Baka magtaka ito sa kanya. Gusto niyang makausap si Rhaegar, mamayang hapon para magkaroon na sila ng closure. Kailangan niya iyon para maghilom ang sugat na naiwan nito. Akala niya magaling na ang sugat na gawa ni Rhaegar, sa kanya ngunit bigla itong nagdugo ng makita niya ito ulit.
"Sige na babe. Alam kong may pasok ka pa ngayon. Bye babe! I love you!" ngiting sabi ni Penelope. Kailangan lang niyang magsinungaling ngayon sa kanyang fiancé.
"Sige babe maliligo na rin naman ako. Kakatapos lang namin mag-almusal. Tandaan mo babe mahal na mahal kita." _Braylon.
Pagkatapos niyang kausapin ang kanyang fiancé na si Braylon, ay nagbihis siya. Pinatuyo na muna niya ang kanyang buhok bago siya matulog. Naisipan niyang papuntahin ang kanyang kaibigan na si Avery, sa bahay para sabihin na makikipagkita siya kay Rhaegar, mamaya. Sigurado siyang magugulat ito sa sasabihin niya. Makalipas ang limang oras ay nagising si Penelope, dahil sa mahinang katok sa kanyang pintuan. Kahit na antok na antok pa rin siya ay bumangon siya para buksan ang pintuan niya. Pagbukas niya ay nakita niya si Avery, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Good morning gurl! Bat parang puyat na puyat ka?" kunot noo tanong ni Avery, nakatanggap siya ng text message kaninang umaga mula sa kanyang kaibigan na si Penelope. Pinapapunta siya nito sa bahay at sigurado siyang may sasabihin ito sa kanya.
"Ang aga mo naman Avery." reklamong sabi ni Penelope, bumalik ulit siya sa kanyang kama at matutulog ulit sana siya ngunit nagsalita ang kanyang kaibigan.
"Oh my god! Penelope! Pinapunta mo ba ako dito para bantayan kang matulog? Wala ka naman kasi sinabing oras kung anong oras akong pupunta." umupo sa gilid ng kama si Avery, at nakakunot noo niyang tinignan ang kanyang kaibigan.
"Bat ba kasi puyat na puyat ka?" takang tanong ni Avery.
"Nagjogging ako kaninang umaga. Hindi kasi ako nakatulog kanina." sabi ni Penelope, totoong hindi siya nakatulog kanina dahil meron siyang napaginipan kanina.
"Huh? Bakit naman?" takang tanong ni Avery, humiga na siya sa kama. Dahil parang nahahawa na siya sa antok ng kanyang kaibigan.
"M-may napaginipan ako gurl. Isang masamang panaginip." seryosong sabi ni Penelope.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"R-rhaegar… " nagulat si Penelope, dahil nasa kuwarto niya si Rhaegar. Kakatapos lang niyang maligo. Nakaupo ito sa mismong ibabaw ng kama niya. Wala itong suot na pang-itaas kaya kitang-kita niya sa dalawang mata niya ang matipunong katawan nito. Nakasuot din ito ng puting brief na halatang bakat na bakat ang malaking bvrat nito.
"Huh? Anong klase tanong yan Penelope? Wag mong sabihin na nagkaamnesia ka?" ngising sabi ni Rhaegar, bumaba siya sa kama para lapitan ang babaeng pinakamamahal niya. Isang masuyong halik ang binigay niya kay Penelope, ngunit napakunot noo siya ng bigla siyang itinulak ng magandang dilag.
"R-rhaegar! Ano ba?! Umalis ka sa kuwarto ko! Baka makita pa tayo ng asawa ko!" galit na sabi ni Penelope, malalaki ang hakbang niya papunta sa pintuan ng kuwarto niya. Binuksan niya ang pintuan at pinapalabas niya si Rhaegar.
"Penelope?! Anong bang pinagsasabi mo?! Ako ang asawa mo Penelope!" kunot noo sabi ni Rhaegar, kanina lang ay maayos silang pumasok sa kuwarto nila. Pero ngayon ay parang nagkaamnesia ang kanyang asawa na si Penelope? Hindi niya alam kung pinagloloko ba siya nito?
"A-asawa? Impossible ang asawa ko ay si… " biglang napatigil si Penelope, sa pagsasalita dahil hindi niya alam kung sino ba ang tinutukoy niya? Kunot noo siyang napatingin kay Rhaegar, na kitang-kita niya sa guwapong mukha nito ang pagkalito sa nangyayari. Pati siya ay naguguluhan. Nakita niyang muli siyang nilapitan ng matipunong lalaki.
"Sshhh…. Siguro ay kailangan mong magpahinga. Baka napagod ka lang sa book store?" niyakap ni Rhaegar, ang kanyang asawa.
"R-rhaegar, ikaw ang a-asawa ko."
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Ang weird naman ng panaginip mo gurl!" ang sabi ni Avery, ikinuwento sa kanya ng kanyang kaibigan ang napaginipan nito. Masyadong weird nga ang panaginip ni Penelope.
"Yeah, I know… Speaking of Rhaegar, magkikita kami sa main store ng Rald's Box Café." sabi ni Penelope, tinignan niya ang kanyang kaibigan kung ano ang magiging reaksyon nito. At hindi nga siya nagkamali dahil nagulat ito sa sinabi niya.
"O-Oh my god!? Really?! T-teka bakit kayo magkikita?" gulat na gulat si Avery, sa sinabi ng kanyang kaibigan.
"G-gusto niyang mag-usap kami. Tsaka 'di ba sinabi mo na kailangan ko ng closure? Feeling ko heto na iyon?" seryosong sabi ni Penelope, bigla siyang nakatanggap ng mahinang hampas sa braso nito galing kay Avery.
"Gurl talagang dinahilan mo pa talaga ang sinabi ko sa'yo na kailangan mo ng closure. Para lang makipagkita ka kay Rhaegar?" hindi napigilan matawa ni Avery, sa sinabi sa kanya ng kanyang kaibigan. Naisip niyang wala naman masama kung makikipagkita si Penelope, kay Rhaegar? Wala naman siguro masamang gagawin si Rhaegar, kay Penelope.
"Avery, napag-isip-isip ko na kailangan ko talaga ng closure. Para maghilom ang sugat na naiwan ni Rhaegar. Para kapag kinasal na kami ni Braylon, naka peace of mind na ako." sabi ni Penelope, gusto niyang wala na siyang naiwan na problema o anu man sa nakaraan. Gusto niya nakafocus siya kay Braylon, dahil asawa na niya ito pagkatapos ng kasal nilang dalawa.
"Ikaw bahala gurl. Tsaka wala naman siguro gagawin na masama o kalokohan si Rhaegar, 'di ba?" tanong ni Avery, kunot noo siyang nakatingin sa kanyang kaibigan.
"Oo naman. Anong gagawin ni Rhaegar, sa akin? Mag-uusap lang naman kami. Sana ay magandang pag-uusap ang pag-uusapan namin." isang tipid na ngiti ang naipakita ni Penelepe. Buong maghapon lang silang nasa kuwarto ni Avery. Kuwentuhan at nanood sila ng mga pelikula. At sumapit na nga ang 4pm. Nakabihis at nakapag-ayos na siya.
"Gurl, masyado ka yatang bihis na bihis?!" asar ni Avery, nakafloral blue dress si Penelope, at isang 3 inches blue high heels ang suot nito. At syempre naka straight hair lang ang bob cut hair cut nito. Isang simpleng make up lang ang inilagay nito sa magandang mukha nito.
"Avery, ikaw kaya ang pumili ng isusuot ko. Para kang sira dyan! Feeling ko nga over dress ako ngayon. Parang si Braylon, ang kikitain ko ngayon." sabi ni Penelope, nakatingin siya sa full size body mirror na nasa walking closet niya. Tinitignan niya ang kanyang itsura ngayon.
"Sympre kailangan mong ipakita sa kanya kung sino ang iniwan niya? Kung sino ang sinayang nito? At higit sa lahat ipakita mo sa kanya kung sino ang sinaktan niya? At ikaw iyon Penelope, ang iniwan, sinayang at sinaktan niya." ngising sabi ni Avery, excited na siya sa ikukuwento sa kanya ng kanyang kaibigan.
Napakunot noo na lang na patingin si Penelope, sa kanyang kaibigan na si Avery. At ibinalik niya ang tingin niya sa salamin. Naisip niyanh hindi naman kailangan na ipakita na ganun siya. Nagpapasalamat pa nga siya kay Rhaegar, kung hindi siya nito sinaktan at iniwan ay hindi niya makikilala ang taong mahal niya ngayon na si Braylon. Totoo ngang everything happens for a reason. Narinig niyang nagring ang cellphone niya at kinuha niya iyon sa ibabaw ng cabinet. Nakita niyang si Rhaegar, ang tumatawag sa kanya. Nakita niyang 4pm na pala. Kaya agad niyang sinagot ang tawag ni Rhaegar, baka kanina pa naghihintay ito sa Rald's Box Café.
"Hello Rhaegar?" sabi ni Penelope, nakatingin pa rin siya sa salamin.
"Nasa labas ako ng bahay ninyo Penelope." _Rhaegar.
"What?!" gulat na sabi ni Penelope, agad siyang lumabas ng walking closet niya para pumunta sa bintana ng kuwarto niya. Tinignan niya kung totoo ang sinasabi ni Rhaegar. At nakita nga niya ang isang matipuno at guwapong lalaking na nakasandal sa isang itim na kotse.
"Oh my god!? Si Rhaegar, ba iyon?" gulat na sabi ni Avery, akala niya ay napano na si Penelope, masyado siyang nagulat sa reaksyon nito. Sinundan pa niya ito sa pagpunta sa may bintana at nakita nga nila si Rhaegar, naguwapong-guwapo nakasandal sa kotse nito sa labas ng bahay nila Penelope.
"A-anong ginagawa mo dyan sa labas?!" gulat na sabi ni Penelope. Nakatingin siya ngayon kay Rhaegar, na nasa labas ng gate nila.
"Naisip kong sunduin na lang kita dahil nakakahiya naman kung hindi kita susunduin. Kahit na alam kong mahilig kang magdrive." _ Rhaegar.
"Mabuti pa ay pumasok ka sa bahay." sabi ni Penelope, ibinaba na niya ang tawag. Napatingin siya kay Avery, na nakatingin pa rin sa bintana, tinitignan nito si Rhaegar.
"Gurl, tama ba na papasukin ko siya sa bahay?" tanong ni Penelope.
"Penelope, masyado kang nag-iisip ng kung anu-ano. Anong masama kung papasukin mo siya sa bahay ninyo? Tsaka gurl nakakahiya naman kung nasa labas lang siya. Kahit na sinaktan ka pa niya noon ay ipakita mong hindi ka bitter." birong sabi ni Avery, nakatanggap siya ng mahinang hampas sa braso niya mula kay Penelope.
"Gurl hindi ako bitter. Tsaka closure ang kailangan ko. Tara na salubungin natin siya sa may sala." sabi ni Penelope, lumabas na sila ng kuwarto. Paglabas niya ay nakita sila ng kanyang mommy.
"Penelope, saan ka pupunta? Bihis na bihis ka?" usisa ni Patricia, aalis siya ngayon dahil may taping siya sa bagong soap opera niya.
"Ah? May pupuntahan lang ako mommy." sabi ni Penelope, bigla niyang naisip na mali yata siyang pinapasok niya si Rhaegar, siguradong makikita ng kanyang mommy si Rhaegar.
"Ok!" sabi ni Patricia, nauna na siyang bumaba sa hagdanan at napakunot noo siya ng may makita siyang napakaguwapo at matipunong lalaking nasa sala ng bahay niya. Familiar ang mukha nito ngunit hindi nga lang niya matandaan kung saan o kailan ba niya ito nakita? Nagulat na lang siya ng nakangiting nilapitan siya ng guwapong lalaki.
"Good afternoon Tita Patricia, nice to see you again." masayang sabi ni Rhaegar, nakipagbeso-beso siya sa ina ni Penelope. Nakita niyang nakakunot noo si Tita Patricia, siguro ay hindi na siya nito natatandaan.
"Rhaegar, ang dating kasintahan ni Penelope." pagpapakilalang sabi ni Rhaegar. Matagal na kasing panahon na wala siya sa pinas. Hindi na rin niya matandaan kung kailan ba ang huling punta niya sa bahay ng mga Sanchez.
"R-rhaegar… My god! Ikaw na ba yan Rhaegar?! My god!" hindi makapaniwala si Patricia, na muling nagbabalik ang dating nobyo ng kanyang anak na si Penelope. Napatingin siya sa kanyang likuran at nakita niya ang kanyang anak at kaibigan nito na si Avery.
"Mommy…" sabi ni Penelope, masasabi niyang wrong move ang ginawa niyang papasukin si Rhaegar.
"Penelope, si Rhaegar, ba ang makakasama mong lumabas?" ngiting sabi ni Patricia.
"O-oo mommy may pupuntahan lang kami. And please wag kang mag-isip ng kung anu-ano mommy. Kasama rin namin si Avery, kaya mali ka ng iniisip mo." isang pilit na ngiting sabi ni Penelope, alam naman niya ang iniisip ng kanyang mommy. Botong-boto ito kay Rhaegar, noon. Ngunit ng malaman nito na naghiwalay sila ay nagpumilit talaga ang mommy niya na magkabalikan sila.
"Wala naman ako sinasabi. Bakit kasama pa si Avery? Siguro ay mas ok kung kayong dalawa lang ni Rhaegar, ang lalabas." ngiting sabi ni Patricia, nilapitan niya si Avery, at mahigpit niya itong kinuha ang kamay nito. At nakangiti siyang tumingin sa magandang dilag.
"Avery, what do you think? Much better kung silang dalawa ni Rhaegar, ang lumabas. Siguro isasama na lang kita sa taping ko sa bagong soap opera. You know what direktor namin si Direk Frank, 'di ba siya ang crush mong direktor?" ngiting sabing ni Patricia, pinisil niya ang kamay ni Avery, para makuha nito ang nais niyang sabihin na wag na itong sumama kina Penelope.
"A-ah? W-wag na Tita Patricia, dahil may ibang lakad din naman ako ngayon." isang pilit na ngiti ang sinabi ni Avery, masyado naman siyang naiipit sa sitwasyon ngayon. Tsaka wala naman sa planong kasama siya kina Penelope at Rhaegar. Mali lang talaga ang desisyon ng kanyang kaibigan na papasukin si Rhaegar, sa bahay. Sigurado siyang gagawa ng paraan si Tita Patricia, para magkabalikan sila Penelope at Rhaegar.
"Oh narinig ninyo iyon ah. Sige na umalis na kayo. Enjoy!" masayang sabi ni Patricia, isang mahigpit na yakap ang binigay niya sa kanyang anak. Mukhang meron pa siyang nakita isang tao na magpapapigil sa nalalapit na kasal nila Penelope at ang fiancé nitong hampaslupa.
"Aalis na kami Tita Patricia. Nice to see you again." ngiting sabi ni Rhaegar, isa sa dahilan kung bakit siya bumalik dito sa Pilipinas ay kay Penelope. Gagawin niya ang lahat para magkabalikan sila. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa magandang dilag. Ngunit nandito siya para makapag-ayos kay Penelope. Lumabas na sila sa bahay at sinabi niya kay Penelope, na ang kotse na lang niya ang gagamitin niya para maihatid niya ito mamaya. Nakita niyang napabuntong hininga si Penelope.
"Pagpasensyahan mo na si mommy. Masyado lang itong natuwa dahil nakita ka niya muli. Sorry." nahihiyang sabi ni Penelope. Kahit na hindi sabihin sa kanya ng kanyang mommy ay nag-assume ito na magbabalikan sila ni Rhaegar?
"Ok lang 'yun Penelope. Matagal na rin kasi kami 'di nagkikita ni Tita Patricia. Hmm… Rald's Box Café." ngiting sabi ni Rhaegar, nagsimula na siyang magdrive. Masaya siya na natuwa si Tita Patricia, na nakita siya nito.
"Hmm… R-rhaegar, ano pala ang pag-uusapan natin?" usisa ni Penelope, isang pilit na ngiti ang nasa magandang mukha nito habang nakatingin siya sa matipunong lalaking abala sa pagdridrive. Bigla na lang nag-init ang mukha niya ng biglang tumingin sa kanya si Rhaegar. Isang ngiting dati na niyang inibig.
"Sa Rald's Box Café na lang natin iyon pag-usapan." ngiting sabi ni Rhaegar, hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Rald's Box Café.
"Tanda mo pa ba na dito tayo unang nagcelebrate ng monthsary nating dalawa." ngiting sabi ni Rhaegar. Lagi silang pumupunta dito para kumain. Malaking bagay sa kanila ang Rald's Box Café.
Isang tipid na ngiti lang ang pinakita ni Penelope, sa sinabi sa kanya ni Rhaegar. Ayaw niyang ipakita na ayaw niyang pag-usapan ang nakaraan. Nandito siya para magkaroon sila ng closure ni Rhaegar. Pinagbuksan siya ng pintuan ni Rhaegar.
"Salamat." isang tipid na ngiti ang pinakita ni Penelope, sa matipunong lalaki. Sabay na silang pumasok sa loob ng Rald's Box Café. Pagpasok pa lang nila ay amoy na amoy na niya ang aroma ng kape at mabangong amoy ng pastries. Umupo sila sa may window side at may lumapit sa kanilang isang waiter. Naalala niya na dito pala nagtratrabaho si Athan.