Break 11

3017 Words
Break Na Ba Tayo? Chapter 11 "First of all thank you dahil pumayag kang sumama sa akin ngayon Penelope." ngiting sabi ni Rhaegar, natutuwa talaga siya na kasama niya ngayon si Penelope. Nakaorder na sila ng pagkain. At hinihintay na lang nilang dumating.  "Ang dahilan kung bakit ako pumayag na sumama sa'yo ay dahil I, really need closure. A-akala ko ok na ako? A-akala ko ay naghilom na ang sugat na ginawa mo sa akin? H-hindi pa pala ako ok at hindi pa hilom ang sugat na iniwan mo sa akin." seryosong sabi ni Penelope, ayaw na niyang magpaligoy-ligoy pa. Kanina pa niya pasimpleng tinitignan ang mga waiter sa Rald's Box Café. Tinitignan niya kung nandito ba nakaduty ngayon si Athan? "Yeah! I know na nasugatan kita. Alam ko sa sarili ko na nasaktan kita. Alam kong naging makasarili ako that time. N-nandito ako ngayon sa harapan mo para sabihin sa'yo na I'm sorry. Hindi ko alam kung huli na ba ang sorry ko pero taos puso kong sinasabi ko sa'yo na sorry Penelope Sanchez." isang tipid na ngiti ang ipinakita ni Rhaegar, sa magandang dilag. Alam niya sa kanyang sarili na sobra niyang nasaktan si Penelope. Masyado siyang makasarili sa kanyang desisyon na makipaghiwalay kay Penelope. Pagkatapos niyang makuha ang virginity nito.  "A-alam mo bang walang araw hindi ako umiiyak dahil sa ginawa mo sa akin. M-ma-masakit Rhaegar, masakit iyong ginawa mo sa akin. Binigay ko ang sarili ko sa'yo dahil akala ko ay ikaw na ang makakasama ko habang buhay? Akala ko magmamahalan tayo habang buhay. Masyado akong nabaliw sa'yo. P-pero anong ginawa mo Rhaegar? Pinili mong saktan ako." napalunok si Penelope, dahil parang may bumabara sa kanyang lalamunan. Mahapdi ang kanyang mata dahil sa pagpipigil niya sa kanyang luha na wag itong bumagsak mula sa kanyang mga mata. Ayaw niyang ipakita kay Rhaegar, ang kanyang mga luha. Dahil hindi ito karapat-dapat na iyakan ito.  "Ayoko ng ipaliwanag ang sarili ko kung bakit ko iyon ginawa. Dahil nasaktan na kita. Kahit na anong paliwanag ko ay hindi na maalis o mabubura ang ginawa ko sa'yo." malungkot na sabi ni Rhaegar, dumating niya ang kanilang inorder. Sinabi niya kay Penelope, na kumain na sila para kahit papaano ay maging light ang mood nilang dalawa. Masyado na kasing intense at madrama ang mood nila ngayon.  "Engaged na ako Rhaegar. Malapit na ako ikasal sa taong pinakamamahal ko. Salamat sa'yo dahil nakilala ko siya. K-kung hindi mo ko iniwan ay hindi ko makikilala si Braylon… Bryalon Hernandez, ang fiancé ko." isang mapait na ngiti ang lumitaw sa kanyang magandang mukha. Nakita niya ang pagkalungkot ng guwapong mukha ni Rhaegar. "Tama nga ako na engaged ka na dahil kahapon ko pa nakikita ang singsing na suot mo sa kaliwang kamay mo." sabi ni Rhaegar, alam niya huli na ang lahat pero gagawa siya ng paraan para maibalik ulit ang pag-ibig ni Penelope, sa kanya.  "Anyway alam kong kinamusta na kita kahapon. Pero gusto ko lang itanong ulit sa'yo… Kamusta na ang isang Raegar Arpia?" ngiting sabi ni Penelope, kumain na siya ng kanyang classic carbornara na lagi niyang inoorder tuwing pumupunta siya dito sa Rald's Box Café.  "Kamusta ako? Hmm…As of now ok na ako dahil nagsorry na ako sa'yo. At hindi ko lang alam kung pinapatawad mo ba ako?" ngiting sabi ni Rhaegar, napatingin siya sa lamesa nila at nakita niya ang isang slice ng Classic dark chocolate cake. Alam niyang iyon ang paboritong cake ni Penelope. Hindi niya maiwasan na maalala na nasabi sa kanya ng magandang dilag na iyon daw ang gusto nitong cake sa kasal nito.  "Pinapatawad? Madaling magpatawad pero mahirap makalimot. Masasabi kong napatawad na kita pero hindi ko makalimutan ang ginawa mo sa akin." ngiting sabi ni Penelope, ayaw naman niyang makipagplastikan sa matipunong lalaking nasa harapan niya. Madali lang naman magpatawad pero 'yung kalimutan niya 'yung ginawa sa kanya ni Rhaegar, ay impossoble yata mangyari iyon.  "Well atleast kahit papaano ay napatawad mo na ako. Makakahinga na ako ng maluwag. Thank you and again I'm so sorry." sabi ni Rhaegar.  "Thank you rin sa'yo. Kung hindi ka nagpakita ngayon ay hindi ko masasabi sa sarili ko na I'm ok now." isang matamis na ngiti ang lumitaw sa magandang mukha ni Penelope. Heto na siguro ang masasabi niyang closure na kailangan niya. Napakunot noo siya ng iniabot ni Rhaegar, ang kamay nito sa kanya.  "Friendship… " ngiting tanong ni Rhaegar.  Napatingin si Penelope, sa matipunong lalaking nasa harapan niyang. Nakatlngiti itong nakatingin sa kanya. Naisip niyang wala naman masama kung makikipagkaibigan o maging magkaibigan sila ni Rhaegar? Isang matamis na ngiti ang gumihit sa labi niya. Malugod niyang iniabot ang kamay ni Rhaegar, para makipaghands shake.  "Friends!" masayang sabi ni Penelope.  "Friends!" ngiting sabi ni Rhaegar. Masaya siya na tinanggap ng magandang dilag ang pakikipagkaibigan niya. Ito siguro ang unang hakbang para pamasakanya ulit si Penelope. Meron pa siyang pagkakataon.  "Kamusta ang pagtira mo sa ibang bansa Rhaegar?" ngiting tanong ni Penelope, kinuha niya ang isang nine inches round plate na may laman na classic dark chocolate cake. Hindi pa pala niya nasasabi kay Sandro, na sa Rald's Box Café, siya papagawa ng wedding cake.  "Sa totoo lang mahirap… Sobrang mahirap mamuhay mag-isa sa ibang bansa. Walang mga kasambahay na magluluto sa akin ng almusal, tanghalian at hapunan. Doon ako natutong magluto. Doon ako natutong maglinis ng maliit kong inuupahan na apartment. As in maliit lang talaga. Isang kama, kusina at banyo. Hindi tulad dito na mas malaki pa ang kuwarto ko sa bahay kaysa sa apartment ko sa ibang bansa." ngiting sabi ni Rhaegar, walang araw hindi siya umiyak dahil masyado siyang homesick at nahihirapan mag adjust sa ibang bansa. Pero pinilit niya talaga ang kanyang sarili na mabuhay mag-isa. Maymga nakilala at naging kaibigan siya sa ibang bansa. May mga tumulong sa kanyang kapwa pinoy, na sobrang niyang pinagkaka-utangan ng loob. Hanggang ngayon ay may kontak pa sila sa isa't-isa.  "Alam mo bang masyado akong nabigla noon. Noong sinabi mo sa akin na mag-aaral ka sa ibang bansa. 'Di ba sinasabi muna sa akin noon na gustong-gusto mong mag-aral sa ibang bansa. At hindi ko akalain na sa mismong araw na iyon ay nagdesisyon ka. Malungkot at masakit ang naramdaman ko noon. Pero ngayong nakikita kita… I'm happy for you Rhaegar." ngiting sabi ni Penelope, marami pa silang napagkuwentuhan ni Rhaegar. Masayang hinatid ng matipunong lalaki sa bahay niya.  "Ayaw mo muna bang pumasok?" tanong ni Penelope, nandito na sila sa harapan ng bahay niya. Inaaya niyang pumasok si Rhaegar, ngunit ayaw nitong pumasok. Late na rin naman kasi silang nakauwi. Masyadong napasarap ang kuwentuhan nilang dalawa. Everything happens for a reason dahil kailangan na muna nilang masaktan para marealize nila na mas magiging mabuti kung maging magkaibigan sila tulad ng dati. Bago pa sila magmahalan bilang magkasintahan. Matagal na muna silang magkaibigan bago sila magkasintahan.  "Sa susunod na lang Penelope, late na rin naman. Tsaka alam kong gusto mo na matulog." ngiting sabi ni Rhaegar, tinanggihan niya ang pag-anyaya sa kanya ni Penelope, na pumasok sa bahay nito. Dahil alam niyang pagod at gusto na nitong matulog. Kilala niya ang magandang dilag. Noob pa man ay antukin na ito. Nag-enjoy siya sa kuwentuhan nilanh dalawa. Magaan na ang usapan nilang dalawa pagkatapos siyang humingi ng tawad kay Penelope.  "Ok ikaw bahala. Welcome ka naman pumasok anytime sa bahay. Kilala ka naman nila mommy at daddy. Sige bye! Thank you Rhaegar." matamis na ngiti ang nasa mukha ngayon ni Penelope, habang nakatingin siya sa matipunong lalaking kaharap niya ngayon.  "Thank you din Penelope. Pakisabi sa future husband mo napakasuwerte niya dahil ikaw ang mapapangasawa nito." ngiting sabi ni Rhaegar, tuluyan ng nagpaalam sa kanya si Penelope. Hinintay na muna niya itong makapasok sa gate ng bahay nito bago siya umalis. Masasabi niyang masaya si Penelope, sa fiancé nito pero pinapangako niya na mapapasakanya ulit si Penelope.  Samantala ay masayang pumasok sa loob ng bahay si Penelope, sa wakas ay nagkaroon na sila ng closure ni Rhaegar. Sa pagpasok niya sa bahay nila. Biglang nanlaki ang mga mata niya dahil sa sobrang saya dahil nakikita niya ngayon ang kanyang pinsan na si Emil. Hindi niya akalain na muli niyang makikita ang isa sa mga close niya sa mga pinsan niya sa mother side.  "Nice to see you again couz!" ngising sabi ni Emil, nakangiti siyang nilapitan ni Penelope. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kanya. Nakangiti naman niyang niyakap pabalik ang pinakamaganda niyang pinsan na si Penelope.  "Emil! Kailan ka pa nakabalik?" masayang tanong ni Penelope, nagpaalam kasi itong mag-aaral sa ibang bansa. Nabigla nga silang dahil hindi naman nila akalain na gusto pala mag-aral sa ibang bansa si Emil. Tahimik lang kasi ito pero kung kakausapin mo ito at naramdaman nitong nagkapalagayan kayo ng loob ay magiging madaldal na ito. Sa lahat ng pinsan niya sa mother side ay si Emil, lang talaga ang pinakaclose niya. Kapag nga lumalabas silang dalawa ay pinagkakamalan silang magkasintahan.  "Actually kahapon lang. Hindi pa alam nila mom at dad na nakauwi na ako galing sa Thailand." ngiting sabi ni Emil, pagkatapos niyang makapaggraduate sa Canada, ay nagpalipat-lipat siya ng bansa. Nakapunta siya sa Japan, Malaysia at Thailand. More on Asia siya nagtravel. Marami siyang nakilala pero iisa lang talaga ang t***k ng kanyang puso. At si Braylon Hernandez, lang talaga ang laman ng puso niya. Nakitang napakunot noo si Penelope, alam kasi ng mga ito ay sa Canada lang siya nanirahan pero hindi niya pinaalam sa mga magulang, mga kamag-anak at kaibigan niya na pumunta siya sa iba't -ibang bansa. Ninamnam lang niya ang magtratravel na mag-isa.  "Thailand? Doon ka nanirahan? Kala ko sa Canada ka nag-aral?" takang tanong ni Penelope, inaya niya si Emil, na umakyat sa taas para pumunta sa kuwarto niya. Ngunit tumanggi si Emil. Dito na lang daw sila sa sala magkuwentuhan.  "9 months din ako nag-stay sa Thailand. Bago ako magpasyang bumalik na Pinas." ngiting sabi ni Emil, matagal-tagal din siyang 'di nakauwi ng Pilipinas. Masyado siyang nawili sa ibang bansa.  "So… Saan ka 'yan nakatira?" tanong ni Penelope.  "Sa Chavez Mall." ngiting sabi ni Emil, bago siya bumalik ng Pilipinas ay sinigurado na muna niya na may titirahan siya. Nagdesisyon siyang kumuha ng isang unit sa Chavez Mall. Naputol ang usapan nilang dalawa ni Penelope, dahil dumating ang ina nitong si Patricia Sanchez.  "My god! Emil, buti naman naisipan mong umuwi?! Kamusta ka na?!" masayang sabi ni Patricia, hindi niya akalain na makikita niya ngayon ang pamangkin niya. Anak ito ng kanyang isang kapatid na babae. Alam niyang malapit sa isa't-isa ang pamangkin niyang si Emil, at ang anak niyang si Penelope.  "Hello Tita Patricia, ok lang naman ako. Masaya ako na nakabalik ng Pilipinas. After ilang years ay nagdesisyon ako na bumalik ng pinas. Kamusta Tita Patricia? Parang wala ka pa rin pinagbago. Always beautiful Tita Patricia." nakipagbeso-beso si Emil, kay Tita Patricia, niya. Hindi na iba sa kanya ang ina ni Penelope, parang pangalawang ina na niya ito. Dahil lagi siyang madalas na pumapasyal dito sa bahay nito.  "Bolero ka na ngayon Emil. 'Yan ba ang ginagawa ng pagtira mo sa ibang bansa. Nasabi sa akin ng mama mo na tumira ka sa Thailand?" ngiting sabi ni Patricia, kahit na medyo pagod siya sa taping. Nawala naman ang pagod niya dahil nakita niya ang kanyang paboritong pamangkin. Ibang-iba na ito, hindi tulad noob na mapayat lang ito ngunit ngayon ay nakikita niya sa suot nitong puting plain tshirt ang makisig na katawan nito.  "I think so… Hahahaa!" napatawa na lang si Emil, sa sinabi niya. At nagtawanan sila ng kanyang Tita Patricia.  "Nasabi na ba sa'yo ni Penelope, na ikakasal na siya?" ngiting sabi ni Patricia, mamaya na lang niyang kakamustahin ang lakad ng kanyang anak kasama si Rhaegar. Sobrang saya niya dahil meron siyang gagamitin para hindi matuloy ang kasal ni Penelope, sa hampas lupang fiancé nito.  "Oh?! Really? Sino naman ang pinakamasuweteng lalaki ang mapapangasawa mo couz?!" nagulat si Emil, na ikakasal na si Penelope. Wala na kasi siya masyadong nababalitaan dito sa Pilipinas simulang tumira siya sa ibang bansa.  "Hmm…Kahit naman sabihin ko sa'yo ang pangalan nito ay hindi mo rin makikilala. Ipapakilala na lang kita bukas. Punta tayo sa bahay nila." masayang sabi ni Penelope, excited na siyang ipakilala si Emil, kay Braylon.   "Sure free naman ako bukas." ngiting sabi ni Emil, napaisip siya na buti pa ang kanyang pinsan ay ikakasal na. Samantalang siya ay hindi niya alam kung kailan siya ikakasal?  "Mabuti pa ay dito ka na lang magdinner." ngiting sabi ni Patricia. Tinawagan niya si Rose, at inutusan niya itong maghanda ng especial na dinner para sa kanyang pamangkin. Nagpaalam na muna siya kina Penelope at Emil. Gusto na muna niyang maligo dahil kanina pa siyang naglalagkit. Habang paakyat siya sa hagdanan ng bahay nila ay hindi niya maiwasan mapangiti dahil nakilala na niya ang bagong bodyguard niya. Isa itong 24 years old na binatilyo. Masasabi niyang guwapo at matipuno ito. Puwede nga itong maging artista. Nagpapasalamat siya sa kanyang asawa na binigyan siya ng isang guwapo at batang bodyguard. Pero syempre hindi dapat malaman ni Rafael, na nagustuhan niya ang bagong bodyguard niya. Pagpasok niya sa kuwarto nilang mag-asawa ay napakunot noo siya ng makitang nakahiga at mahimbing na natutulog ang kanyang asawang si Rafael. Napatanong siya sa kanyang sarili kung nagtrabaho ba ito o nasa bahay lang ito buong maghapon. Nakita niyang naalingpungatan ito.  "My god! Rafael, don't tell me hindi ka nagtrabaho?" mataray na sabi ni Patricia, taas kilay pa siyang nakatingin sa kanyang asawa na mukhang puyat na puyat. Kanina bago siya umalis ay nakita pa niya itong nakaharap sa laptop nito.  "Work from home muna ako ng ilang araw. Masyadonh toxic sa work place ko. Hindi pa rin mawala-wala ang chismiss tungkol sa s*x video ng hampas lupang lalaki iyon. Pati ang anak natin ay nadadamay sa kagaguhan nito." inis na sabi ni Rafael, tamad na tamad siya ngayong araw na ito ngunit kailangan pa rin niyang magtrabaho. Kakatapos lang niyang magvideo conference, sa mga kasamahan niya sa politiko. Pinag-usapan nila ang malaking project na gagawin nila sa bayan ng Prado.  "Nasa baba pala ang pamangkin kong si Emil, umuwi na ito ng pinas. Nagsawa na yata sa ibang bansa." sabi ni Patricia, nagsimula na siyang hubarin ang kanyang suot na white floral dress. Isa-isa niyang hinubad ang kanyang suot na alahas at inilagay niya ito sa isang drawer kung saan nandoon ang mga iba pa niyang alahas.  "Alam ba ng mga magulang nito na nakauwi na ito sa Pinas?" usisa ni Rafael, alam naman niya na medyo may katigasan ang ulo ni Emil. Kaya nga ayaw niya masyado itong pinapalapit sa kanya anak na si Penelope, baka kasi tumigas din ang ulo nito. Pero huli na ang lahat dahil matigas na ang ulo ng kanyang anak. Pinilit talaga nitong magpakasal kay Braylon.  "I don't think so… Speaking of nakauwi na sa Pinas. Guess what kung sino ang kasama ng anak mo na umalis kanina?" napatingin si Patricia, kay Rafael, na nakaupo na sa gilid ng kama nila. Kitang-kita niya ang ganda ng katawan nito. Nakasuot ito ng isang itim na boxer short. Samantalang siya ay wala na siyang ni isang saplot sa katawan.  "Puwede ba Patricia, wala akong panahon na manghula. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin." inis na sabi ni Rafael, mahilig talaga sa mga ganitong pakulo ang kanyang asawa.  "Kill joy ka talaga kahit kailangan. Si Rhaegar, ang ex boyfriend ng anak natin ay nakauwi na sa Pilipinas. At kasama ni Penelope, ito kanina." masayang sabi ni Patricia, alam niyang baliw na baliw si Penelope, noon kay Rhaegar. At alam niyanga hanggang ngayon ay meron pa rin pagtingin si Penelope, sa ex boy friend nitong si Rhaegar.  "Oh? Tapos? Anong kinakasaya mo dyan?" kunot noo tanong ni Rafael.  "My god! Bumalik ang ex boy friend ng anak natin dahil ramdam kong mahal pa ni Rhaegar, ang anak natin si Penelope." ngising sabi ni Patricia.  "Alam mo Patricia, masyado mong kinukumpara ang mga soap operang ginagawa mo sa totoong buhay. Gagamitin mo ba si Rhaegar, para hindi matuloy ang kasal ni Penelope, sa hampas lupang fiancé nito?" kunot noo tanong ni Rafael, parang umaayon ang tadhana sa kanila. Hindi lang pala si Sandro, ang gagamitin nila kundi pati si Rhaegar.  "Oo, naman. Bukod kay Sandro Fedellga, ay si Rhaegar, ay gagamitin din natin." ngising sabi ni Patricia. Masyadong napapadali ang mga plano nilang mag-asawa.  "Ako na bahala kay Sandro, at ikaw naman ang bahala kay Rhaegar." ngising sabi ni Rafael, nilapitan niya ang kanyang asawa at isang masuyonh halik ang binihay niya dito. Habang nakikipaglaplapan siya kay Patricia, ay nilalamas niya ang s**o nito. Naikinaunggol naman ng kanyang asawa.  "Nagustuhan mo ba ang bodyguard na ipinalit ko sa kalaguyo mo?" ngising sabi ni Rafael, sinadya talaga niyang bata ang maging body guard ng kanyang asawa. Titignan niya kung gagawa na naman ito ng kagagahan na ikakagalit niya.  Bigla naman napatingin si Patricia, sa kanyang asawa. Naisip niyang parang sinadya yata ng asawa niya na bata ang maging body guard niya? Napaunggol na lang siya ng maramdaman niyang hinahaplos ni Rafael, ang p**e niya.  "Mukhang nagustuhan mo si Watson. Basang basa ang p**e mo aking mahal na asawa!" ngising sabi ni Rafael, basang-basa ang p**e ng asawa niya hindi dahil sa sarili nitong katas kundi sa katas ng bagong body guard nito. Nagreport sa kanya si Watson, at sinabi nitong may nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang asawa. Sinabihan naman niya si Watson, na wag tatanggi kung aalukin o magpaparamdam ang kanyang asawa na gusto nitong makipagtalik dito. Basta kailangan lang niya g ireport sa kanya.  "A-ano naman pinagsasabi mo Rafael. Kung wala kang balak na makipagtalik sa akin ay maliligo na lang ako." inis na sabi ni Patricia, mukhang sinasadya talaga ng kanyang asawa na may mangyari sa kanila ni Watson. Tumalikod na lang siya at pumunta na siya sa banyo. Narinig niyang tumatawa ang kanyang asawa. Kailangan pala niyang mag-ingat kay Watson, mukhang mata ito ni Rafael. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD