Break Na Ba Tayo? Chapter 17 "Kung ganun din naman Penelope, bat hindi mo isama si Rhaegar?" masayang sabi ni Patricia, naikinabigla ng kanyang anak. "Mommy!" gulat na sabi ni Penelope, hindi niya inaasahan na sasabihin iyon ng kanyang mommy. "My god Penelope! Kung makareact ka wagas. My god! Wala naman masama kung isasama mo si Rhaegar? 'Di ba magkaibigan na kayong dalawa?" ngiting sabi ni Patricia, ipipilit niya na isama si Rhaegar, para magkaroon ng kahit konting pagkakataon ito para makasama ang kanyang anak na si Penelope. "Mommy please stop. Nakakawalan ng gana ang sinasabi mo." isang pilit na ngiti ang nasa magandang mukha ni Penelope, kahit nakangiti siya ay inis na inis siya ngayon sa kanyang mommy. Naiinis siya dahil naisip talaga nito na isama nila bukas si Rhaegar. Ano

