Break Na Ba Tayo? Chapter 18 "Salamat ulit sa paghatid mo sa akin Braylon." sabi ni Emil, bumaba na siya ng kotse nito at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Hanggang makasakay na siya sa loob ng elevator. Napakunot noo siya dahil nakita niyang patakbonh lumalapit si Braylon, sa kinaroroonan niya. Malapit ng magsara ang pintuan ng elevator ay naiharang nito ang kamay ni Braylon. "E-emil… " "Anong kailangan mo Braylon?" kunot noo tanong ni Emil, nagtataka siya kung bakit pa sumunod sa kanya ang makisig na lalaki? Hindi sumagot si Braylon, sa tanong ni Emil. Pumasok siya sa loob ng elevator at hinayaan lang niyang magsara ang elevator. Seryoso siyang tumingin sa guwapong lalaking kasama niya sa loob ng elevator. Walang anu-ano ay sinunggaban niya ito ng masuyong halik. Hindi naman

