Break Na Ba Tayo?
Chapter 19
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Braylon, tol gusto ko ipakilala sa'yo si Brenon, bagong kaibigan ko." masayang sabi ni Brantley, nandito sila sa bahay nila. Kakatapos lang ng klase nila kanina. Naisipan nila ni Brenon, na magtambay na muna sila sa bahay niya. Tamang-tama pagdating nila ay nakauwi na rin pala ang kanyang kakambal na si Braylon, na nasa garden area.
"Brenon, dude." ngiting sabi ni Brenon, inilahad niya ang kamay niya sa kakambal ng kanyang kaibigan na si Brantley. Sobrang manghang-mangha siya dahil hindi niya masyado inakala na kamukhang-kamukha ni Brantley, ang kakambal nito. Parang si Brantley, din ang kaharap niya ngayon. Dalawang Brantley, ang kasama niya ngayon. Nakita niyang ngumiti si Braylon, bigla na lang uminit ang kanyang mukha dahil may dimples din pala si Braylon, tulad ng kakambal nito. Kaso ng lang nasa kanang bahagi ang simple ni Braylon, samantalang nasa kaliwang pisngi ang dimples ni Brantley.
"Braylon, pare!" ngiting sabi ni Braylon, kakauwi lang niya galing siya sa bahay nila Emil. Dati pa rin may nangyari sa kanilang dalawa. Adik na adik talaga siya kay Emil. Hindi nga niya napigilan na sipsipin ang leeg nito. Nag-iwan siya ng pulang marka sa leeg nito. Pero nasa ibabang parte naman iyon at hindi agad makikita ng mga taong makakasalamuha ni Emil. At ngayon nga ay kaharap na niya ang matagal na kinukuwento ng kanyang kambal na si Brantley. Hindi niya akalain na sobrang guwapo ni Sandro.
"Ehem! Tol baka gusto mong bitawan ang kamay ng kaibigan ko baka matakot sa'yo 'yan." ngising sabi ni Brantley, kita niyang matagal na nakahawak ang kamay ng kanyang kambal na si Braylon, sa kamay ng kanyang kaibigan na si Brenon.
"'Di sinabi mo na kung sino ang kaibigan mo ay kaibigan ko rin. Paano ba 'yan tol kaibigan ko na rin si Brenon." ngising sabi ni Braylon, titig na titig siya kay Brenon, na nakangiting nakatingin sa kanya.
"Wala naman problema sa akin dude. Ang saya nga dahil may kaibigan akong kambal. Hindi lang basta kambal kundi kambal na kambal. Dahil hindi lang sa mukha, katawan pati boses ay magkaboses kayo. Ngayon pa lang ay nalilito na ako kung sino si Braylon, at si Brantley." masayang sabi ni Brenon, inaya siyang umupo ni Braylon, sa upuan malapit dito.
"Mas guwapo ako sa kakambal ko Brenon." ngising sabi ni Brantley, tumabi siya sa pagkakaupo ni Brenon. Kitang-kita niya sa mukha ng kambal niya na intertesado ito kay Brenon. Pero ngayon pa lang ay babakuran na niya ito. Ayaw niyang maulit ang nangyari noon. Ayaw niyang makuha na naman ni Braylon, ang kanyang kaibigan. Tulad sa nangyari kay Emil, na lihim na karelasyon pala ng kanyang kakambal. Hindi alam ni Braylon, na alam na niyang may relasyon ito kay Emil. Nahuli na niya minsan na nagtatalik ang dalawa sa loob ng kuwarto ni Braylon. Sobrang sakit pero kailangan niyang tanggapin. Kakambal, kapatid at mahal niya si Braylon, kaya nagparaya na siya.
"Excuse me tol! Mahiya ka naman sa sinasabi mo! Mas guwapo ako sa'yo! Tsaka kita mo itong biceps ko! Wala ka yan!" pagmamayabang na sabi ni Braylon, sinadya niyang ipinakita ang biceps niya kay Brenon. Kahit na magkasing katawan sila ng kanyang kambal na si Brantley, ay mas maganda pa rin ang katawan niya.
"Alam ninyo para kayong naglolokohan. Parehong-pareho lang naman ang itsura ninyo. Kung pangit ang isa ay pangit din ang isa. Hahaha!" natatawang sabi ni Brenon, hindi naman pala mahirap na makisama kay Braylon. Parehong magaan ang loob niya sa kambal. Lalo siyang napatawa dahil tumingin ng masama sa kanya ang kambal.
"Sabihin mong mas guwapo ako!"
Lalong natawa si Brenon, dahil sabay na sabay sila Braylon at Brantly, sa sinabi ng mga ito. At iisang boses lang ang narinig niya. Kaliwa't kanan siyang napapatingin sa kambal.
"Baka pagkalabas ko sa bahay ninyo ay nasiraan na ako ng ulo sa inyong dalawa. Parang binabawi ko na ang sinabi ko kanina na masaya ang may kaibigan na kambal. Hahaha!" natatawang sabi ni Brenon, naramdaman niyang hinawakan siya ng kamay ni Brantley.
"Tara na sa kuwarto para makapag-usap tayo ng maayos." ngising sabi ni Brantley, kita niyang biglang napakunot noo ang kanyang kakambal.
"Sa kuwarto? Dito na lang kayo! Mas masaya kung tatlo tayong nagkukuwentuhan. Tol wag ka ngang madamot sa bago mong kaibigan." inis na sabi ni Braylon, hinawakan din niya ang isang kamay ni Brenon. Napamura na lang siya dahil sobrang lambot ng kamay nito. Parang si Emil, lang na malambot ang kamay. Paano na lang kung hawakan ni Brenon, ang bvrat niya. Sigurado siyang titigas agad ang bvrat niya kapag hinawakan na ni Brenon. Napamura na lang siya sa kanyang naisip. Masyado talaga siyang malibog. Pati si Brenon, ay pinag-iisipan niya ng kalibugan.
"Paalala lang mga dude's hindi ako laruan ah?! Tao ako baka paglaruan ninyo ako. Hahaha!" natatawang sabi ni Brenon, wala naman problema sa kanya kung dito na lang sila sa garden area sila manatili ni Brantley. Napaiglad na lang siya kanina dahil hinawakan din ni Braylon, ang kanyang kamay.
Nakita niyang tumawag si Braylon, ng isang katulog at narinig niyang nagpapagawa ito ng miryenda.
"Dito na lang kayo. Alam mo dude lagi kang kinukuwento ni Brantley, sa akin. Kala ko kung sinong Brenon, ang bago nito kaibigan? Ikaw pala." ngising sabi ni Braylon, alam niyang kakatransfer lang ni Brenon, sa paaralan na pinapasukan nila ang Malaya University. Ayon sa kuwenti ng kanyang kakambal niya na si Brantley, ay Hrm ang course ni Brenon.
"Tol baka puwede mo ng bitawan ang kamay ni Brenon." ngising sabi ni Brantley, nakakunot na napatingin sa kanya si Braylon.
"Ikaw rin tol bitawin mo rin ang kamay niya." ngising sabi ni Braylon, parang pinagdadamot ng kanyang kambal ang bago nitong kaibigan na si Brenon. Pareho nilang binitawan ang kamay ni Brenon. Nakita niyang tumawa si Brenon.
"Nakakatawa ka pala Brantley, lumalabas ang kakulitan mo kapag kasama mo ang kambal mong si Braylon." ngiting sabi ni Brenon, mga ilang linggo pa lang niya nagiging kaibigan si Brantley. Nakikipagkulitan din ito sa kanya ngunit hindi tulad ngayon na masyadong nakakatawa ang pagkakulit nito kasama ang kambal nitong si Braylon.
"Makulit? Ganito talaga kami ng kambal ko si Braylon, kapag magkasama kami. Sumasakit nga ang ulo nila mama at papa sa amin." ngiting sabi ni Brantley, dumating na ang miryendang pinagawa ni Braylon. Tatlong clubhouse sandwich ay tatlong soda in can.
"Akin lang ito?" takang tanong ni Brenon, nasa harapan niya ang isang cluhouse sandwich na may french fries. Masyadong madami ito, hindi niya ito mauubos. Mahina lang siyang kumain.
"Hindi mo ba mauubos yan?" takang tanong ni Braylon. Nakita niyang umiling si Brenon, sa katanungan niya.
"Wag ka mag-alala dude. Tutulungan kitang kainin ang clubhouse na yan." ngising sabi ni Brantley, nagsimula na silanh kumain. Alam niyanh mahina lang kumain si Brenon. Ngunit hindi ito mapayat. Naggym din ito kaya maganda rin ang katawan nito. Minsan na silang sabay na naggym sa bayan ng Prado.
"Ikuwento na sa akin ni Brantley, kung paano naging magkaibigan. Gusto kong ikuwento mo naman ang version mo dude." tanong ni Braylon, kay Brenon. Tumingin siya kay Brantley, na nakakunot noo nakatingin sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin dude? Ibang version?" takang tanong ni Brenon, nakatingin siya kay Braylon.
"Sinabi niya sa akin ng kambal ko ay ikaw daw ang unang lumapit sa kanya para makipagkaibigan." ngising sabi ni Braylon, al niyang magsisinungaling ang kanyang kakambal na si Brantley. Palakaibigan ang kambal niya. Kapag may nakita o nakilala ito at naramdaman niyang magaan ang loob nito sa taong iyon. Si Brantley, mismo ang lalapit sa taong iyon. At gagawa ito ng paraan para maging kaibigan ito.
"Huh? Siya ang lumapit sa akin. Akala ko nga kung ano ang kailangan niya sa akin. Dahil sa pagkakaalam ko noong unang araw ko sa Malaya University. Sikat na sikat si Brantley." ngiting sabi ni Brenon, humarap siya kay Brantley, na nakayuko na parang nahihiya.
"Kita mo tol! Tama nga ako sa hinala ko. Hindi si Brenon, ang lumapit sa'yo para makipagkaibigan. Kilala kita tol." ngising sabi ni Braylon. Marami lumalapit sa kanyang kakambal para makipagkaibigan. Pero kapag nilapitan ka ng isang Brantley Hernandez, ay napakaswerte mong nilalang. Pinagmamalaki niya ang kanyang kakambal dahil sikat ito hindi dahil guwapo ito. Kundi dahil mabait na tao ang kakambal niyang si Brantley.
"Oo na ako na lumapit kay Brenon." nahihiyang sabi ni Brantley, palakaibigan ay marami siyang kaibigan ngunit iilan lang ang masasabi niyang totoong kaibigan. Isa na roon sila Athan, Emil at si Brenon. Minsan naiisip niya kaya marami siyang kaibigan dahil sikat daw siya sa Malaya University kahit na first year college pa lang sila ni Braylon.
"Marami nagsasabi sa akin na napakasuwerte ko raw dahil lumapit sa akin si Brantley. At naging kaibigan ko siya. Totoo naman dahil swerte ako na naging kaibigan ko si Brantley." ngiting sabi ni Brenon, isang tapik sa balikat pa ang ginawa niya matipunong lalaking katabi niya ngayon.
"Swerte rin ako dahil naging kaibigan kita. Isang matalinong nilalang sa Malaya University." ngising sabi ni Brantley, nakita niyang napatawa si Brenon, sa sinabi niya.
"Sira! Sinong matalino? Paano mo naman nasabi na matalino ako. Bobo nga ako sa math! hahaha!" natatawang sabi ni Brenon, nagtawanan silang dalawa ni Brantley.
"Sabi ng mga kaklase mo ay ikaw lagi ang highest sa mga quiz ninyo." ngising sabi ni Brantley, kapag pinupuntahan niya si Brenon, sa building nito ay nakakausap naman niya ang mga kaklase nito. Tinutukso nga siya dahil parang nanliligaw daw siya kay Brenon. Lagi raw siyang dumadalaw sa classroom nito. Magkalapit lang naman ang building nila kaya madali sa kanya na puntahan si Brenon.
"Kapag wag masyadong maliwana sa mga iyon. Sa totoo lang kumokopya lang ako kaya mataas ang score ko sa quiz! Hahaha!" natatawang sabi ni Brenon, nag-apir pa silang dalawa ni Brantley. Naagaw ang pansin nilang dalawa dahil biglang tumikhim si Braylon.
"Ehem! Parang out of place naman ako dito." tampong sabi ni Braylon, para nga siyang out of place dahil sila Brenon ay Brantley lang nag-uusap. Hindi nga siya napansin ng dalawa.
"Tampo ka naman tol! Papuntahin mo kasi Emil, dito." ngising sabi ni Braylon.
"Busy iyon." tipid na sabi ni Braylon, ramdam niyang may alam ang kanyang kakambal sa kanila ni Emil. Ngunit hindi pa siya sigurado roon.
"Hrm daw ang course mo dude? Edi marunong kang magluto?" ngising sabi ni Braylon, kukunin niya ang atensyon ni Brenon. Titigna niya kung ano ang magiging reaksyon ng kanyang kambal?
"Oo Hrm nga ang course ko. Medyo marunong gusto ko pang matututo sa pagluluto." ngiting sabi ni Brenon, ang mommy at daddy niya ay marunong magluto. Bata pa lang ay mahilig na siyang manuod kapag nagluluto ang kanyang mga magulang.
"Siguro naman puwede mo kaming ipagluto ng kakambal ko?" ngising sabi ni Braylon, hinawakan niya ang malambot na kamay ni Brenon. Pinatayo niya ito at naglakad sila papunta sa kitchen area ng bahay nila.
"Tol saan kayo pupunta!?" sigaw ni Brantley, napapailing na lang siya sa kakulitan ng kanyang kakambal na si Braylon. Sinundan niya ang dalawa at nakita nga niyang nasa kusina ang mga ito.
"Dude 'di ba sinabi mo sa akin na marunong kang magluto?" kunot noo tanong ni Brenon, sa kanyang kaibigan na si Brantley. Nakita niyang napangisi na lang ito sa kanyang sinabi.
"Ah?! Oo marunong magluto nga si Brantley. Hmmm… Mabuti pa ay pagluto ninyo na lang ako. Kayo na bahala dito ah! Tawagin ninyo na lang ako kapag luto na ang niluluto ninyo." ngiting sabi ni Braylon, nagpaalam na siya sa dalawa. Punta na muna siya sa kanyang kuwarto para makapagpahinga. Ang aga kasi ng klase niya kaninang umaga.
Nagkatinginan lang sila Brantley at Brenon, naiwan sila sa kusina.
"Pasensya ka na sa kakambal ko. Ganun talaga iyon." ngising sabi ni Brantley, tumawag siya ng isang kasambahay at humingi siya ng dalawang afron.
"Kamukhang-kamukha mo talaga ang kakambal mo. Pati boses ay kaboses mo. Ang pinagkaiba nga lang ang dimples ninyong dalawa." hanggang ngayon ay manghang-mangha pa rin si Brenon. Dahil hindi talaga siya makapaniwala na makakakita siya sa personal ng kambal na sobrang magkahawig na magkahawig. Pati talaga boses ay magkaboses talaga.
"Lahat yata ng mga nakakakita o nakakakilala sa amin ni Braylon, ay ganyan na gayan ang sinasabi nila sa amin. Pati nga mga magulang namin ay nalilito rin minsa. Kung hindi pa namin pinapakita ang dimples namin ay hindi nila kami makikilala." ngiting sabi ni Brantley, inabot sa kanila ng kasambahay nila ang dalawang puting afron. Paminsan-minsan ay nagluluto siya dito sa kusina. Parang safe haven niya ang kitchen area ng bahay nila.
"Ang saya siguro na may kakambal? Ano pala ang lulutuin natin?" ngiting tanong ni Brenon, su Brantley, na ang nagpasuot sa kanya ng puting afron. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ng matipunong lalaking nasa likuran niya.
"Kare-kare… Especialty ko kasi iyon." ngiting sabi ni Brantley, pasimple niyang inamoy ang batok ni Brenon. Amoy na amoy niya ang natural na mabangong amoy nito.
"Sure! Alam mo bang hindi ko makuha-kuha ang gusto kong lasa ng kare-kare. Gusto ko kasi sarsar pa lang ulam na." ngiting sabi ni Brenon, bigla siyang nakaramdam ng gutom.
"Wag ka naman masyadong magexpect ng mataas sa akin. Baka madissapointed ka kapag natikman mo na ang kare-kare ko." ngising sabi ni Brantley, kumuha na siya ng mga sangkap na gagamitin sa pagluluto niya ng kare-kare. Tinulungan siya ni Brenon, na maghiwa ng pork liempo.
"Pork ang gagamitin mo sa kare-kare? Hindi ox tale" takang tanong ni Brenon, kakatapos lang niyang hiwain ang liempong binigay sa kanya ni Brantley. Nakita niyang ngumisi sa kanya ang ang matipunong lalaki. Aaminin niya guwapo at sexy itong si Brantley. Lalo lumakas ang s*x appeal nito ngayon dahil sa pinapanuod niya ito na magluto. Napailing na lang siya sa kanyang naiisip.
"Crispy liempo kare-kare ang iluluto ko ngayon. Sana ay magustuhan mo." ngiting sabi ni Brantley, pinakuluan niya ang liempo sa kaldero na may sibuyas, pamintang buo, dahon ng laurel, asin at paminta. Napakunot noo na lang siya ng mapansin niyang nakatingin sa kanya si Brenon.
"Baka matunaw ako yan dude!" ngising sabi ni Brantley, nilapitan niya si Brenon, at nilapit niya ang mukha niya sa mukha nito. Lalo siyang napangisi dahil napaatras pa ito dahil sa kanyang ginawa.
"Bakla na ba ako kapag sinabi kong sobrang sexy mo ngayon. Umaapaw ang s*x appeal mo habang nagluluto ka." ngising sabi ni Brenon, hindi niya napigilan ang kanyang sarili na matawa sa kanyang sinabi. Inilayo niya ang guwapong mukha ni Brantley, sa kanya. Medyo naiilang siya sa masyadong paglapit nito sa kanya.
"Hmm…. Walang masamang magcomplement sa kapwa mong kasarian. Well salamat sa sinabi mo. Wag kang mag-alala hindi lalaki ang ulo ko sa taas." ngising sabi ni Brantley, habang hinihintay nila lumambot ang liempo ay nagkuwentuhan na muna sila.
"Matanong ko lang at matagal kong gustong itanong sa'yo ito. Bakit mo pala ako nilapitan para makipagkaibigan? Ang ibig kong sabihin ano nakita mo sa akin at gusto mo ko maging kaibigan?" hindi pa rin makapaniwala si Brenon, na naging kaibigan niya ang isang Brantley Hernandez. Tinignan siya ng seryoso ni Brantley.
"Unang tingin ko pa lang sa'yo ay magaan na ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung naniniwala ka sa instinct?" seryosong sabi ni Brantley, unang kita pa lang niya kay Brenon, noong nagkasalubong sila sa may hallway ng Malaya University. Nasabi niya sa kanyang sarili na gusto niyang maging kaibigan iyon. Gumawa siya ng paraan para malaman niya ang pangalan nito. At para makakalap siya ng impormasyon tungkol kay Brenon. Nalaman niyang isa itong transfer student galing sa West View University. May nakapagsabi sa kanya na Brenon, ang pangalan nito. At nakita niya noon na magkalapit lang pala ang building nito sa building nila. At HRM pala ang kinukuha nitong kurso.
"Dude alam mo bang hiyang-hiya ako kapag bumibisita ka sa building namin. Parang nanliligaw na ewan ang ginagawa mo sa akin. Pero salamat sa effort dahil gumagawa ka ng paraan para magkausap tayo. Dude ano ba yan! Masyadong nakakabakla ang pinag-uusapan natin! Hahaha!" natatawang sabi ni Brenon, napaiglad na lang siya ng biglang humarap sa kanya si Brantley.
"Wag kang maisip ng kung anu-ano dude. Ang mahalaga ay wala tayong inaapakan na tayo. Bahala silang mag-isip ng kung anu-ano. Basta masaya tayo." ngising sabi ni Brantley, langhap na langhap niya ang mabangong amoy ng hininga ni Brenon.
Hindi maintindihan ni Brenon, ang sinabi ni Brantley, sa kanya. Pinagkibit balikat na lang niya ito. Napaisip siyang parang may malalim pang kahulugan ang sinabi ni Brantley, sa kanya. Hinawakan niya ang guwapong mukha ng matipunong lalaki.
"Dude 'yung niluluto mo wala ng tubig!" birong sabi ni Brenon. Simulang naging kaibigan niya si Brantley, ay lumabas ang lahat ng natatago niyang ugali. Aaminin niyang masyado siyang sweet at ma-cuddle sa kanya mga kaibigan. Lalo na sa kanyang pamilya. At hindi niya iyon kinahihiya.
"Hindi ko pa natanong sa'yo kung may girlfriend ka na ba? Parang wala dahil wala naman akong nakikita o nababalitaan na may girlfriend ka." sabi bi Brantley, lumayo na muna siya kay Brenon, para tignan kung malambot na ang pinapakuluan nilang liempo. Napangiti siya dahil malambot na iyon. Dahil tinusok niya sa tinidor ang taba ng liempo at tumagos iyon sa taba ng pork liempo.
"Alam mo dude! Sinagot mo na ang tanong mo sa akin. Virgin pa ako dude." ngising sabi ni Brenon, may mga nagugustuhan siyang mga nagiging kaklaseng babae. Kaso nga lang hindi niya magawang manligaw dahil natotorpe siya. Hindi sa pagmamayabang marami rin lumalapit sa kanyang mga babae pati nga mga lalaki ay nagpaparamdam sa kanya. Napapatanong nga siya sa kanyang sarili kung bakit siya nilalapitan ng mga kaklase niyang mga lalaki. Kahit nga mga higher year ay lumalapit sa kanya. Kaya nga agad siyang nagpalipat ng university na pinapasukan niya.
"Dude wala ng virgin sa panahon ngayon. Sandali lang oven ko lang itong liempo na pinakuluan natin. Tapos ang tubig na naiwan sa kaldero ay gagamitin natin para ng sarsar ng Kare-kare.
"Nasa harapan mo na ang birhen na lalaki. Hahaha! Teka dude ibig bang sabihin ay may sexprience ka na?" ngising sabi ni Brenon, nilapitan niya ang kanyang kaibigan na si Brantley, pinanuod niya itong pinasok ang liempo na nasa tray.
"Oo dude. Alam mo kapag naranasan mong makipagsex. Sigurado akong hahanap-hanapin mo iyon." ngising sabi ni Brantley, naalala niya ang unang sexprience niya sa isang taong mahalaga sa kanya pero parang isang bulang naglaho dahil nakuha siya ng isang taong malapit at napakahalaga rin sa kanya.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _