Break Na Ba Tayo? Chapter 20 "Emil, kunin mo na lahat ang mga gamit mo na gagamitin sa over night natin mamaya. Tapos sabay ka na sa akin. Uwi na muna ako sa bahay para makakuha ako ng gamit ko." sabi ni Braylon, kakatapos lang nilang kumain lang nilang kumain ng almusal ni Emil. Nagpapahinga sila sa labas ng balkonahe ng condo unit nito. Maganda ang view tanaw ang gubat ng bayan ng Prado. Pati Chavez Mall ay malapit lang talaga sa Chavez Tower. Natawagan na rin niya si Rossel, sinabihan niya ito na hindi siya makakapasok ngayong araw na ito. Nakalimutan nga niya tawagan ito kagabi dahil na rin sa nangyaro sa kanilang dalawa ni Emil. Nakausap na rin niya ang kanyang fianceé na si Penelope. Sinabi niya na susunduin niya ito mamaya. Hindi niya pinaalam kay Penelope, na dito sa condo unit

