Chapter 21

3711 Words
Break Na Ba Tayo?  Chapter 21 "Warren, puwede ba lumayo-layo ka kay Sandro. Baka gusto mong makatikim ng suntok sa akin." seryosong sabi ni Treyton, kanina pa niya na papansin si Warren. Dikit ito ng dikit kay Sandro. Nandito sila sa harapan ng Rald's Box Café dito ang meeting place nila para sa paghahanap ng beach resort para location ng wedding nila Penelope at Braylon. Buti na lang talaga na move ang praktis game nila. Buti pa nga si Warren, tapos na ang praktis game ng mga ito.  "Pareng Treyton, masyado mo talaga binabakuran si Sandro. Nag-uusap lang kami tungkol sa pagkuha ng picture." ngising sabi ni Warren, hinawakan pa niya ang malambot na kamay ni Sandro. Napakunot noo siya dahil may gasgas siyang nakita dito.  "Sandro, anong nangyari sa'yo? Bat may gasgas ang kamay mo?" pag-aalalang sabi ni Warren, tinignan niya ang gasgas sa kamay nito at masasabi niyang sariwang-sariwa pa ang sugat nito sa kamay.  "Naglaro kasi kami ni Treyton, ng basketball kahapon. Ayun nasubsob ako buti na lang hindi nasugatan ang guwapong mukha ko. Hahaha!" natatawang sabi ni Sandro, naging masaya naman ang paglalaro nila ni Treyton, ng basketball. Kahit na nasubsob pa siya. Imbes na mapaiyak siya sa sakit na natamo niyang sugat sa tuhod at kamay ay natawa na lang siya. Dahil sobrang tagal niyang hindi nakapaglaro ng basketball. Ok lang sa kanya na nasugatan siya.  "Oh! Para-paraan lang pare!" ngising sabi ni Treyton, inalis niya ang kamay ni Warren, sa pagkakahawak nito sa kamay ni Sandro. Lumapit siya sa kanyang kasintahan na si Sandro, at niyakap niya ito sa beywang.  "May mahalaga pala kaming annoncement. Kami na ni Sandro." ngising sabi ni Treyton, isang matamis na halik sa labi ang binigay niya kay Sandro.  "Trey!" gulat na sabi ni Sandro, hindi niya akalain na sasabihin ni Treyton, iyon. Tumingin siya sa mga kasamahan nila na para bang hindi man ito nagulat.  "Ngayon lang talaga ninyo sinabi. Eh?! Halatang-halata naman kayo na may relasyon noon pa. Anyway congrats!" ngiting sabi ni Aiva, isang mahigpit na yakap ang binigay niya kay Sandro. Natatawa siya sa reaksyon nito. Mas nagulat pa ito kaysa sa kanila.  "Tama si Aiva, tagal na namin alam na may relasyon kayo. Well congrats! Tignan mo mukha mo Sandro, gulat na gulat ka sa sinabi ng jowa mo!" mataray na sabi ni Zyiar, nag-apiran pa sila ni Aiva.  "H-hindi ko naman kasi alam na sasabihin ni Treyton, sa inyo iyon." sabi ni Sandro, humigpit ang pagkakahawak ni Treyton, sa kanyang beywang. Napatingin siya sa makisig na guwapog lalaking nakangisi nakatingin sa kanya.  "P-pare c-congrats! Masakit man sa akin na kayo na ni Sandro, ay masaya ako. Pero alam ko na maghihiwalay din kayo! Hahaha!" birong sabi ni Warren, nakatanggap siya ng mahinang suntok sa dibdib nito galing kay Treyton.  "Gag0 mo! Hindi kami maghihiwalay ni Sandro, dahil hindi ko iyon hahayaan. Mahal na mahal ko si Sandro, at hindi ko kayang mawala siya sa akin." ngiting sabi ni Treyton, nakatingin siya kay Sandro, na nakangiting nakatingin sa kanya.  "Masyado ka naman madrama ngayon Trey. Baka umiyak ka dyan!" tuksong sabi ni Sandro, hinaplos pa niya ang guwapong mukha ni Treyton.  "Ganyan talaga kapag nagmamahal. Parang 'yung asawa ko. Kalalaking tao masyadong madrama pa sa akin. Hahaha!" namiss tuloy ni Aiva, ang kanyang asawa. Hindi ito nakasama dahil may trabaho ito.  Nagtawa na lang si Treyton, sa sinabi ng kanyang mga kaibigan. Iba talaga kapag nagmamahal. Isang mahigpit na yakap ang binigay niya kay Sandro. Naagawa ang pansin nila ng makita ang sasakyan na nagparking sa harapan ng Rald's Box Café. Napakunot noo siya dahil nakita niyang bumaba sa driver seat si Braylon. Bumukas din ang passenger seat ay lumabas na nakangiti si Penelope. Bumukas rin ang back seat ay nakita niyang lumabas ang familiar na lalaki. Napaisip siya kung saan niya ito nakita?  "Goor morning! Pasensya na kayo dahil nahuli kami." masayang sabi ni Penelope, nakipagbeso-beso siya kina Sandro. Nahuli kasi ng dating si Braylon, sa bahay nila. Sinabi nito kanina na dadaanan na niya si Emil, para hindi na siya pabalik-balik. Medyo natraffic din sila kaya nahuli sila sa oras na pinag-usapan nila.  "Its ok Penelope, bago tayo umalis bakit hindi na muna tayo magbreakfast sa loob ng café." ngiting sabi ni Sandro, pumayag naman sila Penelope, sa sinabi nito.  "Sandali lang gusto ko muna na ipakilala sa inyo ang pinsan kong si Emil." ngiting sabi ni Penelope, inilingkis pa niya ang kamay niya sa braso ng kanyang pinsan. Buti na lang talaga ay sumama ito para naman mawili-wili ito sa bayan ng Prado. Sigurado siyang magugustuham nito ang mga pupuntahan nilang beach resort sa bayan ng Prado.  Medyo bumilis ang t***k ng puso ni Sandro, dahilan para mapahawak siya sa kanyang kaliwang dibdib. Nakatingin siya kay Emil, na nakangiting nakatingin sa kanila. Parang familiar sa kanya ang guwapong lalaking nasa harapan nila ngayon. Pero sa pagkakaalam niya ay ngayon lang niya nakita si Emil. Napatingin siya sa kamay nito na nakalahad sa kanya. Dahan-dahan niyang inabot ito para makipaghand shake siya dito. Parang may flashback siyang nakita. Parang nakita niya si Emil, na umiiyak sa kanyang harapan. Agad din itong nawala dahil sa biglang paghawak sa kanyanh balikat ni Treyton.  "Ayos ka lang ba babe?" mahinang sabi ni Treyton, napansin kasi niyang mukha hindi ok ang pakiramdam nito. Tinignan siya nito at isang matamis na ngiti ang nakita niya sa guwaponh mukha nito. Bumaling din ang tingin nito kay Emil, na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin sa kamay ni Sandro.  "Sandro Fedellga, ang wedding planner nila Braylon at Penelope." ngiting sabi ni Sandro, ipinakilala din niya sila Treyton, Warren, Aiva at Zyiar.  "Mas ok siguro kung sa loob na tayo mag kuwentuhan. Medyo mainit na kasi sa labas." sabi ni Treyton, hinawakan niya ang kamay ni Sandro, at pumasok na sila sa Rald's Box Café. Kinuha niya ang panyong nasa bulsa niya at siya na ang nagpunas ng pawis sa mukha at leeg ni Sandro. "Nilalanggam na kayo!" ngising sabi ni Warren, hindi naman siya masyadong nagulat sa sinabi ni Treyton, kanina. Simula't sapol ay matagal na niyang ramdam na kakaiba talaga ang masyadong malapit na pagsasama nila Treyton at Sandro. Masyadong bakod na bakod si Treyton, kay Sandro. Hindi naman siya tanga para hindi malaman na may especial na pagtingin si Treyton, kay Sandro. Masakit pero kailangan na niyang tanggapin na hindi para sa kanya si Sandro. Umupo sila sa may window side ng Rald's Box Café. Agad din sila umorder dahil kanina pa sila gutom.  "Kayo pala ang FLOZ team? Anong ibig sabihin ng FLOZ?" ngiting tanong ni Emil, katabi niya si Braylon, sa kaliwang at sa kanan naman niya ay si Warren, ang sikat na basketball player. Pati si Treyton Fontanilla, ay nandito rin. Kasama nito ang wedding planner ng kanyang pinsan na si Sandro Fedellga. Unang tingin pa lang niya ay parang nakita niya si Brenon, sa katauhan ni Sandro. Pinagbikit balikat na lang niya ito. Baka imagination lang niya ito kanina. Napansin niya kakaiba ang pagiging malapit sa isa't-isa nila Sandro at Treyton.  "Forest Lake Of Zeus ang ibig sabihin ng FLOZ." pagmamalaking sabi ni Sandro. Nagpasalamay siya kay Treyton, sa pagpunas nito ng pawis niya. Sobra siyang pinagpawisan sa labas ng café. Nagawi ang tingin niya kay Braylon, na seryosong nakatingin sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin dahil baka kung ano pa ang mangyari.  "Tatlong beach resort ang nandito sa bayan ng Prado. Pupuntahan natin iyon lahat. Natawagan ko na ang mga owners ng beach resorts na pupuntahan natin. Kayo na ang magdedesisyon kung alin sa tatlo ang gusto ninyo." ngiting sabi ni Sandro, lahat naman ng tatlong resort na pupuntahan nila ay magaganda. Dahil sa mga website ng mga ito. Magaganda rin ang mga feedback na mga taong nakapunta sa tatlong beach resort na pupuntahan nila.  "Sandro, kasama ba dyan ang Lake Zues Resort?" biglang sabi ni Braylon, napunta lahat sa kanya ang atensyon. Napakunot noo lang napatingin sa kanya si Sandro.  "Walang ganun beach resort ang bayan ng Prado. Tatlong beach resort lang ang nandito sa bayan ng Prado." sabi ni Sandro, nagresearch talaga siya tungkol sa mga beach resort dito sa bayan ng Prado.  "Ganun ba? Puwede bang kapag napuntahan na natin ang tatlong breach resort na sinabi mo. Punta tayo sa Lake Zeus Resort?" sobrang tagal na hindi nakakapunta si Braylon, doon. Accidente lang nila nalaman nila Brantley, Brenon at siya ang Lake Zues Resort na iyon. Akala nila noon hunted resort ang napuntahan nila dahil sobrang masukal ang nasa harapan ng resort pero pagpasok nila sa loob ay paraisong matatawag nila ang Lake Zues Resort. Hindi na siya makapanghintay na ipakita iyon sa mga kasama niya.  "Babe parang maganda 'yan sinasabi mong beach resort. Parang hidden resort ang Lake Zeus Resort na 'yan?" masayang sabi ni Penelope, dumating na ang mga inorder nilabg pagkain at nagsimula na silang kumain. Parang outing lang nilang magbabarkada ang magaganap mamaya.  "Sigurado akong magugustuhan ninyo doon." pagmamalaking sabi ni Braylon. Natapos silang kumain at sabay-sabay na silang lumabas ng Rald's Box Café.  "Ang unang pupuntahan natin ay ang Golden Cave Beach Resort. Convoy na lang tayo para walanh maliligaw." ngiting sabi ni Sandro, sumakay na sila sa kanya-kanyang sasakyan. Sumakay siya sa kotse ni Treyton. Samantalang sila Zyiar at Aiva, ay sumakay sa kotse ni Warren. Sila Penelope at Emil, ay sa sasakyan naman ni Braylon.  "Meron pa lang Lake Zues Beach Resort? Hindi mo ba iyon nakita sa google map?" tanong ni Treyton, nagsimula na siyang magdrive papunta sa Golden Cave Beach Resort. Ngayon lang niya napag-alaman na meron pa lang Lake Zues Beach Resort. Sa tagal-tagal na niya dito sa bayan ng Prado ay wala pa siyang narinig na ganung pangalan na beach resort.  "Nakita mo naman ako abala ng ilang araw sa laptop ko. Google ang ginamit ko sa paghahanap ng mga beach resort. Tatlo lang talaga ang nakaregister sa google. Baka hidden resort iyon. Nakakagulat lang dahil magkapangalan ang FLOZ 'di ba?" sabi ni Sandro, nagulat at na excited naman siya sa pangalan ng resort na nabanggit ni Braylon. Kala nga niya ay niloloko siya nito para lang pansinin niya ito. Ngunit seryoso ito sa sinabi nitong may Lake Zues Beach Resort. Hindi na nga siya makapaghintay na makita iyon. Nasabik siya sa sinabi ni Braylon, na magagandahan at mag-eenjoy sila roon.  "Babe wag kang lalayo sa akin. Baka masalisihan ako ni Braylon, sa'yo." ngising sabi ni Treyton, kailangan niyang bantayan mabuti si Sandro. Lalo na si Braylon, na hindi niya alam kung ano ang takbo ng isip nito. Pero sinisigurado niya na gagawa ito ng paraan para masolo nito si Sandro. Hindi niya iyon hahayaan.  "Sira ka naman Trey! Bat naman ako sasalisihan ni Braylon. Please lang Trey, wag ka sana gagawa ng isang hakbang ng ipapahamak mo." pakiusap na sabi ni Sandro, hinawakan pa niya ang isang kamay ni Treyton. Para ipadama niya sa matipunong lalaki ang pagmamahal niya. Hindi naman siya papayag na makipagrelasyon kay Treyton, kung hindi niya ito mahal. Mahal na mahal si Treyton. Umaasa siya na magkakasama silang dalawa habang buhay. Noon pa man ay may nararamdaman na siyang especial sa matipunong lalaking kasama niya sa loob ng kotse. "War freak ba ang tingin mo sa akin?" malungkot na tanong ni Treyton, tumingin siya sandali  kay Sandro, na nakatingin sa kanya.  "Masyado ka naman madrama. Ayaw ko lang na mapahamak ka. Mahalaga ka sa akin at mahal na mahal kita Treyton Fontanilla." ngiting sabi ni Sandro, hinalikan na lanh niya ang kamay ni Treyton. Dahil hindi naman niya puwedeng halikan sa labi ang matipunong lalaking nagdridrive ngayon. Baka ma accidente pa sila.  "Mahal na mahal din kita Sandro Fedellga." ngiting sabi ni Treyton, hindi nagtagal ay nakarating na sila sa Golden Cave Beach Resort. Bungad pa lang ay maganda na. Bumaba na sila sa kotse nakita nila ni Sandro, ang mga sasakyan nila Warren at Braylon. Hinintay na muna nila na makababa ang mga kasamahan nila bago sila pumasok sa loob ng Golden Cave Resort.  "Maganda dito! Wow! Ang ganda naman ng beach!" masayang sabi ni Penelope, hindi pa siya nakapunta dito sa beach resort na ito. Kinausap sila ng mismo ng owner ng Golden Cave Beach Resort. Nagtour sila sa loob may dalawang function room ito at 20 rooms kaya limit na limit lang talaga nag mga nakakapunta rito. Pero araw -araw naman ay hindi nawawalan ng tao sa Golden Cave Beach Resoet. Ayun iyon sa may-ari ng beach resort na ito. Lumawak ang ngiti niya ng pumunta sila sa mismong beach. Maganda naman kaso hindi ito ang gusto niyang beach na magaganap ang kasal niya. Gusto niya ay kitang-kita ang sunset kapag kinakasal na silang dalawa ni Braylon.  "Penelope… Braylon, ano masasabi ninyo dito sa Golden Cave Beach Resort?" tanong ni Sandro, kunh siya ang tatanungin ay maganda naman dito kaso may hinahanap siyang spot ng beach na hindi niya makita dito sa Golden Cave Beach Resort. Nakita niyang napaisip si Penelope, at tinitignan-tignan pa nito ang paligid ng beach resort.  "Hmm…Maganda ang Golden Cave kaso kulang. I mean hindi ito perfect location para sa wedding namin ni Braylon." sabi ni Penelope, nagpaalam na sila sa may-ari ng Golden Cave. Buti na lang ay wala ang kanyang kaibigan na si Avery, kung hindi magiging prangka ito sa komento nito.  "Ikaw ba Braylon, hindi mo ba nagustuhan ang Golden Cave?" tanong ni Sandro, lumapit siya sa makisig na lalaking si Braylon. Hindi niya kasi narinig ang opinion nito. Parang hinahayaan lang nito si Penelope, na magdesisyon.  "Sa totoo lang sa Lake Zues Beach Resort ang gusto kong lokasyon sa kasal ko." matamis na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon. Napakasentimental ng lugar na iyon sa kanya. Hindi nga lang siya sigurado na bukas pa ang beach resort sa mga bisitang katulad nila. Pero umaasa siya na makikilala pa siya ng may-ari ng Lake Zues Beach Resort. Nakita niyang napatango si Sandro, sa kanyang sinabi.  "Guys sa Wakwak Beach Resort naman tayo." sabi ni Sandro, nakakaramdam na siya ng pagod pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. Kailangan niyang paninginan ang kanyang trabaho bilang wedding planner. Sinama niya sila Braylon at Penelope, ay dahil gusto niyang makita ng mga ito ang mga beach sa personal. Mahirap kasi kung ipapaliwanag lang niya sa kanilanh client ang mga nakita nilang beach resort. Natutuwa siya dahil walang pagdadalawang isip sila Braylon at Penelope, na sumama sa kanila sa paghahanap ng beach resort na pagdarausan sa kasal ng dalawa. Sumakay na sila sa loob ng kanya-kanya nilang sasakyan. Nagulat pa siya dahil biglang may kumatok sa bintana ng kotse ni Treyton. Pagtingin niya ay si Warren, pala. Nakangisi itong nakatingin sa kanya. Binaba niya ang bintana para itanong sa guwapong lalaki kung ano ang kailangan nito.  "Sandro, bat hindi ka sumakay sa kotse ko? Tapos sila Aiva at Zyiar, naman ang sasakay sa kotse ni Treyton." ngising sabi ni Warren. Kahit na pumayag si Sandro, ay alam naman niyang hindi papayag si Treyton, sa gusto niya. Pero nagbabakasakali lang naman siya.  "Warren, puwede ba trabaho na muna bago kalokohan." inis na sabi ni Treyton, naisip niyang hindi pa yata sumusuko si Warren, kay Sandro. Kahit na sinabi na niya na sila na ni Sandro, na magkarelasyon na sila nito.  "Gago mo Treyton, wala naman akong gagawin na masama kay Sandro. Takot ko lang sa'yo." ngising sabi ni Warren. Gusto lang naman niyang kausapin si Sandro.  "Gago mo rin Warren! Wala akong tiwala sa'yo!" ngising sabi ni Treyton, hindi siya nito maloloko. Dahil kilala niya si Warren, maloko ito.  "Babe sasama na ako kay Warren. Dito na muna sila Zyiar at Aiva." ngiting sabi ni Sandro, isang matamis na halik sa labi ang binigay niya kay Treyton. Nakita pa niyang napabuntong hininga ito na para bang wala na itong magagawa sa kanyang desisyon. "Sige maingat ka dyan sa unggoy na 'yan!" ngising sabi ni Treyton, ayaw niyang higpitan ang mga lakad ni Sandro. Baka kasi masakal ito sa kanya. Bumaba na sa kotse niya si Sandro, at masaya itong na magkukuwentuhan kay Warren. Hindi nagtagal ay sumakay na sila Zyiar at Aiva, sa kanyang kotse.  Samantala sa loob ng kotse ni Braylon. "Babe, nagtext na ako kay Athan, sabi ko sa kanya na pupunta na tayo sa Wakwak Beach Resort. Nagpaalam pa lang kasi ito sa trabaho nito." sabi ni Braylon, kanina lang kasi niya sinabihan si Athan.  "Baka sunduin ni Avery, si Athan, sa Chavez Mall. Doon daw ito nagtratrabaho ngayon. Nagtext na rin ako sa kanya." sabi ni Penelope, kagabi pa niya sinabi kay Avery, na may lakad siya ngayon. At sinabi nitong sasama ito. Biniro pa nga niya na sunduin na lang nito si Athan, sa trabaho nito. At hindi nga siya nagkamali na gagawin nga ni Avery, iyon. Dahil nakatanggap siya ng text message galing sa kanyang kaibigan na papunya na raw ito sa Chavez Mall para sunduin si Athan.  "Mabuti naman kung ganun. Dalawang resort na lang ang pupuntahan natin. Bago natin puntahan ang Lake Zeus Beach Resort." ngiting sabi ni Braylon, nagsimula na siyang magdrive. Napatingin siya sa rear view mirror at nakita niya si Emil, na mahimbing na natutulog. Lihim siyang napangisi sa kanyang nakita. Sigurado siyang antok at pagod ang nararamdaman nito ngayon kaya ito nakatulog. Tuwang-tuwa ang mga magulang niya na makitang muli si Emil. Hindi na rin naman kasi iba si Emil, sa mga magulang niya. Madalas kasi nasa bahay ang guwapong lalaking mahimbing na natutulog sa back seat ng kanyang kotse.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Emil! Kamusta ka na hijo? Wow! Ang laki ng pinagbago mo?! Lalo kang naging guwapong lalaki." masayang sabi ni Minerva, isang mahigpit na yakap ang ginawa niya kay Emil. Si Emil, ang matalik na kaibigan ng kanyang kambal. Mas malapit ito kay Braylon, kaysa kay Brantley. Natutuwa siya na makitang muli si Emil. Ang huling kita nilang dalawa ay sa burol ng kanyang anak na si Brantley. Simula noon ay wala na siyang nabalitaan tungkol kay Emil.  "Maayos naman po Tita Minerva. Salamat sa papuri. Hahaha! Kayo po kamusta na po kayo?" medyo nangingilid ang luha ni Emil, dahil sa nakita si Tita Minerva. Ang ina nila Braylon at Brantley. Tumugon siya sa yakap ni Tita Minerva. Ibang-iba at malayong-malayo na si Tita Minerva, sa dati. Kung noon ay lagi itong nakapustura ngayon naman ay wala itong make up, alahas na nakasuot sa katawan nito at hindi ito nakabihis ng isang mamahaling dress. Isang simpleng Minerva Hernandez, ang kanyang kaharap ngayon. Isang kulay berdeng duster ang suot nito ngayon. Maayos naman ang pagkakasuklay ng mahaba nito buhok. Halata na ang mga puting buhok nito dahil na rin sa nagkakaedad na ito. Wala na ang dating puting kulay ng balat nito. Parang umitim na rin si Tita Minerva. Medyo pumayat na rin ito. Pero nanatili pa rin ang ganda nito.  "Heto ok naman kami. Masaya akong makita kang muli Emil. K-kung nandito lang si Brantley, ay sigurado rin ako na matutuwa iyon." masayang sabi ni Emil, inaya niya itong kumain ng kakanin na ginagawa niya ngayon. Hindi niya talaga niya inaasahan na makikita niya si Emil, sa tagal ng panahon na hindi niya ito nakita.  "Salamat Tita Minerva. Nasaan po pala si Tito Franco?" tanong ni Emil, pa simple niyang tinignan ang kabuoan ng bagong bahay nila Braylon. Wala itong kisame at hindi pa ito tapos dahil wala pang pintuan ang mga kuwarto yata ang dalawa niyang nakitang pintuan na may kurtina. Nagpaalam sa kanya si Braylon, na papasok na muna ito sa kuwarto nito. Tumango lang siya at nagpatuloy siya sa pakikipagkuwentuhan kay Tita Minerva. Sobrang layo na talaga ng buhay ng mga Hernandez, sa dating mamumuhay ng mga ito. Tinikman niya ang kakanin na niluluto ngayon ng ina ni Braylon. Nasupresa siya dahil marunong na pala itong magluto ng kakanin.  "Nasa trabaho sumaside line ito bilang carpintero sa kaibigan nito. Dito rin sa Saba Compound. Ano masarap ba ang kakanin na ginawa ko?" hindi maalis-alis ang ngiti sa magandang mukha ni Minerva, habang pinapanuod niyang kumakain si Emil. Lalong lumapad ang ngiti niya sa labi ng makita niyang tumango ito sa katanungan niya.  "Masarap Tita Minerva. Hindi ko akalain na marunong ka pala gumawa ng kakanin." ngiting sabi ni Emil, kahit na busog pa siya ay kumain ulit siya ng palitaw. Sobrang nasarapan siya sa kakanin na kinakain niya.  "Ngayon lang nga lang ako natuto gumawa ng kakanin. Gumagawa ako ng iba't-ibang kakanin araw-araw para ilako sa buong Saba Compound. Para naman makatulong ako kay Braylon, sa gastuhin sa bahay." isang matamis na ngiti naman ang nasa magandang mukha ni Minerva. Hindi niya kinakahiya na nagtitinda siya ng kakanin.  "Ganun po ba. Masarap po Tita Minerva. Sigurado po ako na araw-araw ay sold out ang mga paninga ninyong kakanin." ngiting sabi ni Emil, sinabi naman ni Tita Minerva, na tama siya. Lagi raw sold out ang paninda nitong kakanin araw-araw. Nakita niya si Braylon, na lumabas sa kuwarto nito na may dala-dalang itim ba bag pack.  "Emil, tara na baka naghihintay na si Penelope. Mama una na kami ni Emil." sabi ni Braylon, natutuwa siya dahil masaya ang kanyang ina na makitang muli si Emil. Kahit na nasa loob siya ng kuwarto niya ay naririnig niya ang usapan ng dalawa.  "Wag po kayo mag-alala Tita Minerva, dadalaw po ako sa inyo dito kapag wala akong ginagawa. Masaya po akong makita po kita muli." isang mahigpit na yakap ang binigay ni Emil, kay Tita Minerva.  "Aasahan ko yan Emil. Sige na ingat kayo sa pag-alis ninyo." ngiting sabi ni Minerva.  "Sige po Tita Minerva. Una na po kami." paalam na sabi ni Emil, lumabas na sila ni Braylon, sa bahay nito. Bago siya sumakay sa driver seat ay tumingin siya sa labas ng bahay. Nakangiting nakatayo sa may pintuan si Tita Minerva, ang ina ni Braylon. Isang matamis na ngiti ang pinakita niya dito bago siya pumasok sa loob ng kotse. Hindi nagtagal ay nakalabas na sila ng Saba Compound.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD