Chapter 22

2236 Words
Break Na Ba Tayo?  Chapter 22 "Hayaan na muna natin si Emil, babe. Baka pagod ito." sabi ni Penelope, nakatingin siya sa back seat kung saan mahimbing na natutulog si Emil, na nakahiga sa back seat ng kotse ni Braylon. Kanina pa kasi niya napapansin na antok na antok ang kanyag pinsan.  "Sige hindi ko na lang papatayin ang makina ng sasakyan para hindi mainitan si Emil. Tara baba na tayo. Baka nahihintay na sila Sandro, sa atin." sabi ni Braylon, sabay na silang bumaba ni Penelope, sa kotse at nakita niya si Athan, na bumaba sa isang kotse na kotse pala ni Avery. Nakangisi itong naglakad papalapit sa kanyanh kaibigan habang hawak-hawak niya ang kamay ng kanyang finaceé. "Pare! Kamusta na!?" masayang sabi ni Athan, buti na lang talaga ay pinayagan siya ng kanyang boss na hindi pumasok ngayon. Hindi kasi sinabi agad sa kanya ni Braylon, pupunta ito sa beach para maghanap ng beach resort para sa kasal nito. At sobrang nagpapasalamat siya dahil sinundo siya ni Avery, sa trabaho niya sa Chavez Mall. Nakamenos gastos siya sa pagcocommute sana papunta dito sa Wakwak Beach Resort.  "Gago! Parang tagal natin hindi nagkita. Maya na lang tayo maglokohan. Kailangan na namin lumapit kina Sandro. Tara na mainit dito sa parking lot." sabi ni Braylon, nasa may entrance sila Sandro, na nakatingin sa kanila. Bungad pa lang ng Wakwak Beach Resort ay maganda na. Marami rin nakapark na sasakyan sa parking lot. Ibig sabihin ay maraming pumupunta dito sa beach resort na ito. Ilang beses na rin naman siya nakapunta dito sa Wakwak. Minsan ay kasama niya ang pamilya niya. Minsan naman ay ang kakambal lang niya ang kasama niya para lang magtampisaw at magswimming sila sa beach. Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil naalala niyang mahilig magpupunta ang kanyang kambal sa mga beach. Lahat yata ng beach dito sa bayan ng Prado at iba pang kalapit na bayan na meron beach ay napuntahan na ni Brantley.  "Babe, mukhang may naalala kang magandang ala-ala dahil ang tamis ng ngiti mo." sabi ni Penelope, napansin niyang napangiti ang kanyang fiancé habang naglalakad sila papunta sa entrance ng Wakwak Beach Resort.  "Naalala ko lang si Brantley, ang kakambal ko. Ilang beses kami pumunta dito. Mahilig kasi ito sa beach kaya minsan ay sumasama o kaya ay sinasama niya ako pumunta sa mga beach na pinupuntahan niya." ngiting sabi ni Braylon, pati si Emil, ay nakasama na niya dito sa Wakwak.  "Nanditi tayo ngayon sa Wakwak Beach resort. Tara pasok na tayo sa loob." ngiting sabi ni Sandro. Napatingin siya sa matipunong lalaking katabi niyang naglalakad. Natawa siya dahil pagkababa niya sa kotse ni Warren, ay agad siya nitong nilapitan at tinanong siya nito kung may ginawang kalokohan sa kanya si Warren.  "Oh? Bat ka nakatingin sa akin ng ganyan?" kunot noo tanong ni Treyton. Nakangiti nakatingin si Sandro sa kanya na para bang may gusto itong sabihin sa kanya?  "Natatawa kasi ako na agad ka talaga lumapit sa akin at tinanong mo kung may ginawa si Warren, sa akin? Nagkuwentuhan lang kami Trey." ngising sabi ni Sandro. Seloso talaga si Treyton, lalo na sa nangyari sa kanila ni Braylon. Kulang na lang ay bugbugin niya si Braylon. Naalala niya ang ginawang pagsunggab ng halik sa kanya ng makisig na lalaking si Braylon. Salubong sa kanila ang namamahala sa Wakwak Beach Resort.  "Sir Braylon! Kamusta na po kayo! Ang tagal ninyo hindi bumisita dito? Kayo po ba ang ikakasal?!" masayang sabi ni Jane Frances, ang namamahal ngayon sa Wakwak Beach Resort. Masaya siyang muling makita ang kanyang crush na si Braylon Hernandez. Noon ay staff lang siya pero malaking pasasalamat niya sa may ari ng pinagtratrabahuhan niya na nagtiwala ito sa kanya. Upang siya ang maging General Manager ng Wakwak. Regular customer nila si Braylon Hernandez at ang kakambal nitong si Brantley Hernandez. Nabalitaan nga nila noon na namatay na ito. Pumunta pa nga siya sa burol ni Brantley, na isa rin niyang crush. Masyadong mabait ang mga kambal na Hernandez, kahit na may kaya ang mga ito ay hindi ito namimili na kakausapin.  "Jane Frances?! Wow! Umaasenso ah? Ikaw na yata ang general manager dito sa Wakwak?" ngising sabi ni Braylon, natutuwa siya dahil hindi siya nakalimutan ni Jane Frances. Marami rin siyang masayang ala-ala kasama ang kanyang kambal na si Brantley, dito sa Wakwak Beach Resort.  "General manager na ako Sir Braylon! Kayo po Sir Braylon, kamusta na po kayo? Ikakasal na po pala kayo!?" ngiting sabi ni Jane Frances, napansin niya ang magandang babaeng na nakalingkis sa matipunong braso ni Braylon. Agad niya itong nakilala na si Penelope Sanches, ang nag-iisang anak ni Congressman Rafael Sanchez.  "Oo ikakasal na ako. Si Penelope Sanchez, ang mapapangasawa ko. Babe siya si Jane Frances, ang kaibigan namin ni Brantley, dito sa Wakwak." ngiting sabi ni Braylon, ipinakilala rin niya si Jane, sa mga kasamahan niya na sila Sandro. Kahit na alam na niya ang bawat sulok dito sa Wakwak ay pinasyal sila ni Jane Frances. Natutuwa siya dahil general manager na ang magandang dilag na nasa harapan niya na nakangiting pinapaliwanag ang bawat lugar na pinupuntahan nila dito sa Wakwak. Noon niloloko nila ni Brantley, si Jane France, na balang araw ay ito ang magiging general manager. At nagkatotoo nga ang sinabi nila ni Brantley, kay Jane Frances.  "Dito po ang beach namin. Perfect spot po ito sa mga gusto ng beach wedding. Marami na pong mga nagpakasal dito beach namin. Usually ay hapon po sila nagpapakasal para makita nila ang napakaganda na sunset." ngiting sabi ni Jane Frances, noon pa man ay sanay na siya makipag-usap sa mga guest ng beach resort na pinapasukan niya. Naalala niya na tinuturuan siya ni Brantley, ng english para daw lumevel up siya. Samantalang si Braylon, naman ay pinagtatawanan at niloloko siya nito tuwing nagsasalita siya ng english. "English iyon ah?!" ngising sabi ni Braylon, tinawanan lang siya ni Jane Frances. Namiss niya tuloy ang kanyang kakambal dahil kapag inaasar niya si Jane Frances, ay taga rescue naman ang kanyang kakambal.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Ang ganda pala dito? Bat ngayon mo lang ako sinama dito?" ngiting sabi ni Braylon, nandito sila ngayon sa isang beach resort na ang pangalan ay Wakwak Beach Resort. Bakasyon ngayon kaya nasa bahay lang sila dahil hindi naman sila nakapag out of the country dahil na rin busy ang kanilang mga magulang sa negosyo nila. Kahit na gustuhin nilang umalis ng bahay para makapag out of the town man lang ay hindi sila pinapayagan ng kanilang mga magulang kahit na nasa kakagraduate lang nila sa high school. Naisip niya na sana ay sinama niya dito si Emil, mukhang masarap dito na magsex on the beach. Napangisi na lang siya sa kanyang naisip.  "Lagi na lang kasi nagkukulong sa kuwarto. Minsan kapag dumarating doon si Emil, ay nasa kuwarto lang kayo." ngising sabi ni Brantley, hindi naman lingid sa kaalaman niya na may lihim na relasyon ang kanyang kakambal at ang kanyang kaibigan na si Emil. Sa totoo lang masakit sa kanya na naunahan siya ni Braylon, kay Emil. Pero kahit masakit ay nagparaya na lang siya. Ayaw niyang masira ang relasyon nilang magkapatid. May especial siyang nararamdaman kay Emil. Hindi nga lang niya masabi o maiparamdam ditonl dahil natotorpe siya.  "Ano pa ba gagawin ko kundi matulog. Babawiin ko ang mga maagang nagigising tayo para pumasok sa skwelahan para mag-aral. Akala ko nga aalis tayo ng bansa dahil nakapaggraduate na tayo ng high school." sabi ni Braylon, nagtatampo siya sa kanilang mga magulang. Inaasahan pa naman niya na aalis sila ngayong bakasyon nila ni Brantley. Every year ay ganun ang ginagawa nila. Kung hindi sa ibang bansa ay out of town ang ginagawa nila kapag bakasyon.  "Hayaan mo na sila mama at papa. Ang mahalaga ay mag-enjoy tayo ngayon." ngiting sabi ni Brantley, inaya na niya si Braylon, na mpumunta beach para makapagswimming na sila. Nagpalit na sila ng damit. Blue swimming trunks ang suot niya samantalang ang kakambal niya ay black swimming trunks ang suot nito. Mahilig siyang magpupunta sa mga beach. Lalo na dito sa Wakwak Beach Resort. Ilanh beses na siyang nakapunta dito. Minsan ay uupo lang siya sa buhangin at titignan lang niya ang paglubog ng araw. Para sa kanya ay nakakarelax ang kanyang ginagawa. Lumabas na sa ng kuwartong kinuha nila. Napapangiti na lang siya dahil napapatingin sa kanila ang mga ibang guest ng Wakwak. May sumalubong sa kanilang isang magandang dilag na nakasuot ito ng puting polo tshirt ay isang brown shory at puting rubber shoes.  "Sir Brantley! Kamusta?! T-teka siya po ba ang kakambal ninyo na sinasabi ninyo sa akin?" tinuro pa ni Jane Frances, isa sa mga staff ng Wakwak Beach Resort. Kilala niya si Brantley, dahil regular guest nila ito sa Wakwak. Nakatingin siya sa kakambal na sinasabi ni Brantley, sa kanya.  "Siya nga ang kakambal kong si Braylon." ngiting sabi ni Brantley, tinawag niya si Braylon, na abalang nakikipag-usap sa babaeng nakabikini. Halata naman na nakikipaglandian ito. Kung kaya isumbong niya ito kay Emil?  "Tol bakit? Istorbo ka! Kita mo naman na nakikipag-usap ako sa chicks na iyon. Tinawag mo ko." napakamot na lang sa ulo si Braylon, dahil wala na ang kausap niyang magandang dilag. Napakunot noo na lang siya dahil may nakatingin sa kanyang babae na sa tingin niya ay isang staff ng beach resort na ito.  "Grabe! Kamukhang-kamukha at kaboses mo pa Sir Brantley! Kung hindi lang kayo magkaiba na swimming trunks. Sigurado akong hindi ko alam kung sino sa inyo si Sir Brantley at Sir Braylon." sabi ni Jane Frances. Hindi na bago sa kanya na makakita ng mga kambal. Ngunit itong kambal na itong kaharap niya ay sobrang guwapo at makisig. Hindi lang magkamukha ang kambal na ito kundi pati boses ay parehong-pareho. Kung pipikit lang niya ang kanyang mga mata at papakinggan niya ang boses ng mga ito. Sasabihin at iisipin talaga niya na iisang tao lang ang nagsasalita.  "Salamat sa compliment. Pero mas guwapo at maganda ang katawan ko kaysa sa kakambal kong si Brantley." pagmamayabang na sabi ni Braylon, siniko pa niya sa tagiliran ang kanyang kakambal na si Brantley.  "Tol wag kang masyadong umasa! Ako ang mas guwapo sa ating dalawa." ngising sabi ni Brantley.  "Wag kayong mag-away. Sa totoo lang ay pareho lang kayo guwapo dahil iisang mukha lang naman kayo. Hahaha!" natatawa si Jane Frances, dahil nagtatalo ang kambal sa kanyang harapan.  "Basta ako pinakaguwapo sa ating dalawa." nagflex pa si Braylon, ng kanyang biceps na araw-araw niyang pinagpaguran sa gym.  "Sige na ikaw na ang guwapo." ngising sabi ni  Brantley, inaya na niya ito pumunta sa beach. Nagpaalam na rin ito kay Jane Frances. Masaya silang tumakbo papunta sa malinaw at malinis na dagat ng bayan ng Prado. Para silang batang nagtapisaw at nag swimming sa dagat ni Braylon. "Sayang wala sila mama at papa! Tanda mo pa ba na pumunta tayo sa beach noong mga bata pa tayo?" ngiting sabi ni Braylon, nakaupo sila ngayon sa tabing dagat. Sinasalubong nila ni Brantley, ang hampas ng alon.  "Matagal na iyon tol. Kaya nga inaya kita para marefresh ang alaala mo. Nakakarelax ang pagpunta dito sa dagat. Lalo na mamaya sunset nakaupo lang tayo tapos panuorin natin ang paglubog ng araw. Sigurado akong magugustuhan mo na pumunta sa tabing dagat." ngiting sabi ni Brantley, tinignan niya si Braylon, na nakangiting nakatingin sa malayo banda ng dagat. Nagpapasalamat talaga siya na nagkaroon siya ng kambal tulad ni Braylon. Kahit na minsan ay hindi sila magkasundo ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal nila sa isa't-isa bilang magkapatid. Buong araw lang silang nasa dagat. Sinubukan ng kanyang kakambal ang magsurfing. Wala siyang ginawa kundi tumawa ng tumawa habang tinuturuan niya ito.  "Nakakainis naman hindi ako makatayo-tayo dito sa board!" inis na sabi ni Braylon, lagi siyang bumabagsak kapag tumatayo na siya sa surf board.  "Sige kaya mo yan tol! Kapag hindi ka nakatayo ay ibig ay hindi ako madaling na magturo ng surfing." ngising sabi ni Brantley, napatingin sa kanya ang kanya kakambal na si Braylon. Nakakunot noo itong tumingin sa kanya.  "Ganun ba iyon tol? Hindi ba puwede na hindi lang talaga ako marunong magsurfing?" kunot noo sabi ni Braylon, ayaw naman niyang isipin ng kanyang kakambal na si Brantley, na hindi ito marunong na magturo ng surfing.  "Alam kong kaya mo tol. Kung kinaya ko ay kaya mo rin. Tandaan mo kambal tayo!" ngiting sabi ni Brantley, at nakipag-apir pa siya kat Braylon. Nakailang ulit na bagsak ang kanyang kakambal sa wakas ay nakatayo ito sa surfing board. Isang masayang tawa ang narinig niya kay Braylon.  "Tol! Kita mo iyon nakatayo ako! Hahaha! Marunong na ako mag surfing!" masayang sigaw ni Braylon, inulit niya muli at nakakatayo na nga siya sa surf board. Nag-enjoy siyang mag surfing. Kahit na madalas siyang bumagsal ay atleast ay nakakatayo naman siya kahit papaano. Ngayon ay pinapanuod niya ang kanyang kakambal na si Brantley. Habang nakaupo siya sa surfing board. Napapahanga siya kay Brantley, na para bang hindi ito nahihirapan na tumayo ay magsurfing. Masasabi niyang mas maraming nagagawa o talento ang kanyang kakambal kaysa sa kanya. Lagi niyang pinagmamalaki na may kakambal siya.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD