Chapter 23

1641 Words
Break Na Ba Tayo? Chapter 23 "Braylon, ano nagustuhan mo ba ang Wakwak Beach Resort?" tanong ni Sandro. Kakatapos lang nila mag-lunch dito sa Wakwak Beach Resort. Masasabi niyang sobrang ng pagkain dito. Sobra nga siyang nabusog sa kinain niyang seafoods.  "Maganda ang lugar na ito. Sa totoo lang tuwing pumupunta ako dito ay naaalala ko ang kapatid kong si Brantley. Mahilig itong mag-surfing dito sa Wakwak. Pero sa totoo lang ay gustong ikasal sa Lake Zeus Beach Resort." ngiting sabi ni Braylon. Habang nakatingin siya sa magandang view sa kanyang harapan. Kitang-kita niya ang asul na dagat. Nakakarelax talaga ang tunog ng dagat. Ang paghampas ng tubig sa lupa ay nakakarelax para sa kanya.  "Babe hindi ko alam na nakapunta ka na dito sa Wakwak Beach Resort?" takang tanong ni Penelope. Wala naman kasi naikukuwento sa kanya si Braylon. Hindi kasi ito mahilig magkuwento sa personal nitong buhay. Sana ay lalo niyang makilala si Braylon, kapag kinasal na silang dalawa.  "Pasensya ka na babe. Alam mo naman ako. Hindi ako pala kuwento sa mga ganitong bagay dahil baka bigla na lang ako umiyak sa harapan mo." birong sabi ni Braylon. Iniiwasan talaga niyang magkuwento ng personal na buhay kay Penelope. Kahit na matagal na silanh magkarelasyon ay hindi pa rin niya nasasabi sa kanyang fianceé ang lahat ng tungkol sa kanya.  "Oh my god babe!" gulat na sabi ni Penelope. Napatakip pa siya ng bibig sa kanyanh biglang naalala. Nakita niyang nagulat sa kanya ang mga kasamahan niya ngayon.  "Anong nangyari sa'yo babe?" gulat na sabi ni Braylon. Nagulat siya sa biglang pagsigaw ng kanyang fianceé.  "M-meron ako naalala babe. Alam mo bang nakita ko na kayo ni Brantley, ng minsan pumunta kami dito nila mommy at daddy noon!" masayang sabi ni Penelope.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Himala daddy nagyaya kang mag-beach tayo? Anong meron?" kunot noo tanong ni Penelope. Sobra siyang nagtaka at nagulat sa biglaang pagalis nila ng kanyang mommy at daddy. Sinabi ng mga ito sa kanya na pupunta sila sa Wakwak Beach Resort. Bakasyon ngayon kaya nasa loob ng siya ng bahay. Gusto lang niyang magpahinga ngayong bakasyon. Susulitin niya ang mga maagang paggising niya tuwing papasok siya sa paaralan. Hindi nga niya matandaan kung kailan sila pumunta sa beach. Masyado kasi abala ang kanyang mga magulang sa mga trabaho ng mga ito.  "Nagleave na muna ako ng ilang araw sa trabaho para makasama ko kayo ng mommy mo." ngiting sabi ni Congressman Rafael. Simula kasi naging congressman siya ay naging abala na siya sa trabaho. Nakalimutan na niya ang kanyang pamilya. Pati ang kanyang asawa na si Patricia, ay busy din ito sa ginagawa nitong teleserye.  "Thank you Daddy!" ngiting sabi ni Penelope. Nasa back seat siya ngayon nakaupo. Samantalang ang kanyang daddy ay nasa driver seat ito. Ito ang nagdridrive ngayon. Katabi nito ang kanyang mommy na nasa passenger seat ng kotse. Nakasunod naman ang isang puting kotse na nakasakay ang mga body guard ng kanyang mga magulang.  "Tamang-tama lang ang alis natin. Dahil wala akong taping ng dalawang araw." sabi ni Patricia. Nagpapasalamat siya sa kanyang asawa na naisipan nito na mag-outing sila ngayon. Gusto niyang ma-relax at mag-enjoy. Stress na stress siya kanyang trabaho dahil wala pa rin tigil ang mga kontrobersyal na issue sa kanya. Hindi nga siya masyadong nagpapaunlak ng interview. Dahil baka ma-hot seat siya.   "Kailangan nating tatlo ang outing na ito para makapagbonding naman tayo. Hindi ko nga matandaan kung kailan tayo huling nag-outing." sabi ni Penelope. Nakarating na sila sa Wakwak Beach Resort. Pagpasok pa lang nila sa lobby ay naririnig na niya ang hampas ng alon sa dagat. Para siyang batang nagtatakbo para pumunta sa puting bungahin ng beach. Ngunit sa pagmamadali niya sa pagtakbo ay hindi niya inaasahan na may mababangga siya. Napasigaw at napapikit na lang siya dahil hinihintay na lang niyang bumagsak siya sa sahig. Ngunit wala siyang naramdaman na sakit sa pagkabagsak niya. Dahil hindi naman siya bumagsak sa sahig. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata at nakita niya ang isang lalaking na nakasuot ng itim na sunglass. Kahit na nakasuot ito ng sunglass ay kitang-kita niya at sigurado siya na guwapo ito.  "Ayos ka lang ba miss?" pag-aalala ng isang makisig na lalaki. Nakita niyang napatango lang ang magandang binibining nasalo niya. Kung hindi siya maagap ay sigurado siya babagsak ito sa sahig.  "S-salamat sa'yo." ngiting sabi ni Penelope. Tinulungan siyang tumayo ng makisig na lalaki. Agad siyang napalingon sa kanyang likuran dahil narinig niya ang boses ng kanyang mga magulang.  "My god Penelope?! What happen? Bat ka sumigaw ng napakalakas?" pag-aalalang tanong ni Patricia. Nasa front office sila ng marinig nila ang malakas na sigaw ng kanyang anak. Napakunot noo itong napatingin sa isang makisig na lalaking nakasuot ng blue trunks. Masasabi niyang guwapo ito dahil bagay na bagay ang suot nitong blacl sunglass.  "Anong nangyari dito?" seryosong tanong ni Congressman Rafael. Bigla na lang siyang napatingin sa makisig na lalaking katabi ng kanyang anak na si Penelope. Bigla na lang siyang napalunok dahil agad niya itong nakilala. Ngunit hindi siya nagpahalata sa kanyang asawa at anak na kilala niya ang makisig na lalaking nasa harapan nila.  "Pasensya na po Congressman Rafael. Hindi ko kasi nakita itong magandang binibini na tumatakbo. Nagkabungguan po kaming dalawa. Wag po kayo mag-alala." ngiting sabi ng makisig na lalaki.  "Kilala mo ang daddy ko?" takang tanong ni Penelope. Tinuro pa niya ang kanyang daddy.  "Syempre kilala ko ang daddy mo. Sino bang hindi makakakilala sa isang sikat na guwapong congressman ng bayan ng Prado." ngising sabi ng makisig na lalaki.  "S-salamat hijo. A-ano pala pangalan mo?" isang pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Congressman Rafael.  "Brantley Hernandez, po Congressman Rafael." ngising sabi ni Brantley. Nakipag-shake hand pa ito kay Congressman Rafael Sanchez.  "B-brantley, ano bang nangyari bat biglang sumigaw ang nagiisang anak kong si Penelope." seryosong tanong ni Congressman Rafael.  "Hindi ko po siya nakita kaya nagkabungguan kami. Buti na lang ay nasalo ko po siya. Kung hindi ay baka mapahamak ang magandang anak ninyo Congressman Rafael." ngiting sabi ni Brantley.  "Kung ganun hijo ay salamat sa ginawa mo sa anak ko." ngiting sabi ni Congressman Rafael.  "Bilang pasasalamat namin sa'yo Brantley. Bakit hindi ka sumama sa amin mag-lunch ngayon." sabi ni Patricia. Bilang isang dating beauty queen at artista ay unang tingin pa lang niya kay Brantley, ay alam niyang anak mayaman ito. Hindi lang sa panglabas na kaanyunan nito nakikita ang yaman nito kundi pati sa pinong pagsasalita at pagkilos nito. "Salamat na lang po Miss Patricia Sanchez. Kailangan ko na po kasi umuwi dahil kagabi pa kami dito ng kapatid ko. Check out na po namin ngayon." ngiting sabi ni Brantley. Kahit na nakasunglass siya ay nakatinggin siya kay Patricia Sanchez, ang asawa ni Congressman Rafael Sanchez.  "My god! Kilala mo rin pala ako." ngiting sabi ni Patricia. Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Brantley, sa kanya.  "Miss Patricia, kilala po kita. Isang dating beauty queen at ngayon ay isa ng sikat na kontrabida sa teleserye." ngiting sabi ni Brantley. Sino ba naman hindi nakakakilala kay Patricia Sanchez. Lahat yata ng mga tao dito sa bayan ng Prado ay kilala ito bilang isang sikat na kontrabida sa teleserye at pelikula. Pati siya ang asawa ng isang sikat na congressman sa bayan ng Prado.  "Thank you sa pagkilala mo sa akin Brantley." ngiting sabi ni Patricia.  "Thank you din po sa inyo dahil nakausap ko po kayong dalawa." ngiting sabi ni Brantley. Muli siyang nakipagkamay kay Congressman Rafael at asawa nitong si Patricia Sanchez. Nagpaalam na rin siya dahil sigurado siyang hinihintay na siya ng kanyang kapatid sa parking lot ng Wakwak Beach Resort.  _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _  "Si Brantley, ang nakita at nakausap mo. Hindi naman ako." sabi ni Braylon. Ngayon lang niya nalaman na nagkita na pala sila Brantley at si Penelope, dito sa Wakwak Beach Resort. Wala naman siyang naalala na naikuwento ng kanyang kakambal na nakita o nakausap nito ang pamilyang Sanchez.  "Pareho na rin iyon babe. Dahil iisa lang naman kayo ng mukha. Hahaha!" natatawang sabi ni Penelope. Binigyan pa niya ng isang matamis na halik sa labi ang kanyang fiancé.  "Tama nga naman si Penelope, Braylon. Iisa lang naman kayo ng mukha ng kakambal mo." ngising sabi ni Sandro, napatawa siya sa sinabi ni Penelope.  "Sabagay… Hmm… Ano tara na sa susunod na beach resort " ngiting sabi ni Braylon. Inaya na niya ang mga kasama niyang pumunta sa susunod na beach dahil baka maabutan pa sila ng dilim. Hindi na siya makapaghintay na makapunta ulit sa Lake Zues Beach Resort.  "Mabuti pa nga. Susunod natin pupuntahan ay ang Phuka Beach Resort. Pagmamay-ari iyon ng mga Chavez. Nakapunta na ako roon at masasabi kong maganda rin doon." ngiting sabi ni Sandro, napatingin siya kay Treyton, na nasa tabi niya. Nakangiti rin itong nakatingin sa kanya. Noong nagaaral sila ay lagi silang pumupunta ni Treyton, sa Phuka Beach Resort. Marami silang mga alaala roon. Nagpaalam na muna siya kay Treyton, dahil kailangan niyang pumunta sa banyo para magbawas ng tubig sa katawan niya. Gusto pa sana siyang samahan ni Treyton, ngunit pinauna na niya ito sa parking lot. Sa pagpasok niya sa banyo ay agad siyang pumunta sa urinal. Binuksan niya ang zipper ng kanyang suot na pantalon at inilabas niya ang kanyang semi erect na bvrat. Inilabas na niya ang naipon na tubig sa kanyang pantog. Pagkatapos niyang umihi ay agad niyang ipinasok ang kanyang bvrat sa suot niyang pantalon. Muntikan na siyang mapasigaw dahil hindi niya namalayan na nasa likuran niya si Braylon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD