Break Na Ba Tayo?
Chapter 24
"B-braylon!" gulat na sabi ni Sandro. Hindi niya napansin na nasa likuran niya si Braylon. Seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Sandro, sabi ng mga kaibigan mo ay kayo na pala ni Treyton?" seryosong tanong ni Braylon. Narinig niya ang usapan ng mga kaibigan ni Sandro, na si Zyiar at Aiva. Pinaguusapan ng dalawa ang pag-amin nila Treyton at Sandro, sa totoong relasyon ng dalawa. Nakakita siya ng pagkakataon na makausap at itanong mismo kay Sandro. Kung totoo bang may relasyon ito kay Treyton. Nagpaalam siya sa kanyang fianceé na si Penelope, na kailangan niyang magbanyo hindi para magbawas kundi para sundan niya si Sandro.
"Ah? S-sinundan mo lang ba ako dito para lang itanong mo sa akin 'yan?" kunot noo tanong ni Sandro. Nilagpasan niya si Braylon, pumunta siya sa lababo para maghugas ng kamay. Nakita niya ang makisig na lalaking sumunod sa kanya.
"Sagutin mo ang tanong ko Sandro." seryosong sabi ni Braylon. Sa totoo lang ay nagagalit sa kanyang nalaman. Pero alam niyang wala siyang karapatan na magalit dahil wala naman siyang relasyon kay Sandro.
"Oo meron kami relasyon ni Treyton." inis na sabi ni Sandro, iiwanan na sana niya si Braylon, ngunit hinawakan siya nito sa braso.
"B-braylon kala ko ba maayos ang usapan natin noon? Anong ginagawa mo?!" inis na sabi ni Sandro, inaalis niya ang pagkakahawak ni Braylon, sa kanyang braso. Hindi siya nagaalala sa kanyang kapakanan kundi nagaalala siya na baka may makakita sa kanila. Baka makita sila ni Treyton, siguradong malaking gulo iyon. Seryoso pa rin nakatingin sa kanya ang makisig na lalaking nakahawak sa kanyang braso.
Seryoso lang nakatingin si Braylon, kay Sandro. Gusto niyang pakiusapan ito na hiwalayan na nito si Treyton. Ngunit ano ang idadahilan niya? Napatanong siya sa kanyang sarili kung bakit niya ginagawa itong kalokohan na ito?
"S-sandro!" isang mahigpit na yakap ang binigay ni Braylon. Sa guwapong lalaking si Sandro. Napamura siya sa kanyang sarili dahil amoy na amoy niya ang natural na amoy ni Sandro. Bigla niyang naalala si Brenon, dahil ayaw na ayaw nitong nagpapabango dahil sisipunin ito kapag nagpabango ito. Kahit na hindi ito nagpapabango ay natural na itong mabango. Nilanghap niya ang mabangong natural na amoy ni Sandro. Hindi niya kontrol ang kanyang sarili dahil unti-unting nagkakabuhay ang kanyang bvrat sa loob ng suot niyang pantalon.
"B-braylon, anong ginagawa mo? Baka may makakita sa atin!? B-baka makita tayo ni Treyton. Please Braylon, pakawalan mo na ako" pakiusap na sabi ni Sandro. Hindi siya nagpupumiglas sa yakap ng makisig na lalaki. Ayaw niyang gumawa ng gulo baka mas lalong magkakagulo kung magpupumiglas pa siya. Hindi nga niya alam kung bakit hinahayaan lang niya si Braylon, sa pagyakap nito sa kanya?
"Sandro… Sandro… Sandro…" paulit-ulit na binibigkas ni Braylon, ang pangalan ng guwapong lalaking yakap-yakap niya ngayon. Alam niyang kagagvhan ang iniisip niya ngayon. Ngunit parang si Brenon, ang yakap-yakap niya ngayon.
"Please Braylon. Siguradong hinahanap na tayo." pakiusap na sabi ni Sandro. Hindi niya maintindihan ang kanyang parang na-miss niya ang mahigpit na yakap ni Braylon. Para bang ang tagal na niyang inaasam na mayakap siyang muli ng makisig na lalaki. Sa katunayan ay ngayon lang siya nito niyakap.
"S-sorry Sandro." bigla na lang lumabas si Braylon, sa loob ng banyo. Sa paglabas niya ay nakita niya si Emil, na blanko ang ekspresyon ng mukha nito na nakatingin sa kanya.
"Emil?!" gulat na sabi ni Braylon. Hindi niya inaasahan na nandito sa labas ng pintuan ng banyo si Emil.
"Hinahanap ka na ni Penelope." sabi ni Emil. Inutusan siya ng kanyang pinsan na si Penelope, na puntahan si Braylon, sa banyo. Heto nga ang makisig na lalaking nakatayo sa kanyang harapan na para bang gulat na gulat itong makita siya. Base sa ekspresyon ng guwapong mukha nito ay alam niyang may ginawa itong kalokohan sa loob ng banyo.
"S-sige tara na. S-sumakit kasi ang tiyan ko kaya natagalan ako sa loob ng banyo." isang pilit na ngiti ang lumitaw sa guwapong mukha ni Braylon. Inaya na niya si Emil, na pumunta sa parking lot kung saan naghihintay na ang kanyang fianceé na si Penelepe. Nakakailang hakbang pa lang sila ni Emil, ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng banyo. Alam naman niyang si Sandro, ang lumabas sa pintuan. Kaya hindi na siya nagabala pang tumingin sa likuran niya. Ngunit nakita niya si Emil, na tumingin sa likuran nito. Napakunot noo tumingin sa kanya si Emil.
"Sandro… " sabi ni Emil. Bigla na lang siyang nagduda at nagisip ng iba. Dahil nakita niyang lumabas ng banyo si Sandro. Alam niyang isang cubicle lang ang banyong nilabasan ni Braylon at Sandro. Hindi niya maiwasan na magtaka dahil kanina pala ay nasa loob ng banyo sila Braylon at Sandro? Napatanong siya sa kanyang sarili kung ano ang ginagawa ng dalawa sa loob ng banyo. Kaya ba ganun na lang ang reaksyon ni Braylon, ng makita siya nito?
"Magkasama kayo sa loob ng banyo?" biglang naging seryoso si Emil, na nakatingin ngayon kay Sandro.
"Ah? Oo nagkataon lang na nagkasabay kami loon ng comfort room." isang pilit na ngiti ang nasa guwapong mukha ni Sandro. Nagpapasalamat siya dahil nakaisip agad siya ng dahilan. Kung bakit magkasama sila ni Braylon, sa loob ng comfort room kani-kanila lang. Kaya naghintay pa siya ng ilang sandali ay upang hindi sila magkasabay ni Braylon, na pumunta sa parking lot. Ngunit hindi niya alam na nandito sa labas ng comfort room si Emil.
"Ah ganun ba? Hinahanap ka na rin pala ni Treyton." sabi ni Emil. Inaya na niya si Braylon, na pumunta sa parking lot. Pagsakay pa lang nila sa loob ng kotse ni Braylon, ay agad silang tinanong ni Penelope. Kung bakit ang tagal magbanyo ng fiancé nito?
"Pasensya na babe. Naparami kasi ako ng kain kanina. Ayun bigla na lang sumakit ang
tiyan ko kaya kailangan kong magbawas." ngising sabi ni Braylon. Nakita niya si Sandro, na sumakay sa kotse ni Treyton. Naisip na naman niya ang nangyari kanina. Isang malalim na buntonghininga. ang pinakawalan niya.