Break Na Ba Tayo?
Chapter 25
"Pasensya ka na babe, sumakit ang tiyan ko kaya natagalan ako bumalik." sabi ni Braylon. Nagdahilan na lang siya kung bakit siya hindi agad nakabalik. Napatingin siya sa rear view mirror ng kotse at nakita niyang nakatingin si Emil, sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito dahil blanko ang ekspresyon nito.
"Ang dami mo kasi nakain kanina. Sige babe punta na tayo sa Phuka Beach Resort." ngiting sabi ni Penelope. Nakiusap siya sa kanyang pinsan kung puwede ay pakitignan si Braylon, sa loob ng Wakwak Beach Resort. Nagpaalam ito sa kanya na magbabanyo. Akala niya ay kung ano na ang nangyari sa kanyang fiancé? 'Yun pala ay sumakit pala ang tiyan nito at kailangan nitong magbawas. Naalala niya ulit na nakita na pala niya si Brantley, noon. Matagal na rin kasi siya hindi nakakapunta sa Wakwak Beach Resort. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng maalala nga niya na nakausap niya ang yumaong kakambal ng kanyang fiancé.
"Babe ako ba ang iniisip mo kung bakit ka nakangiti ngayon?" ngising sabi ni Braylon, nagsimula na siyang magdrive. Nadaan niya ang kotse nila Treyton. Napakunot noo siya dahil nakita niya na para bang pinapagalitan ni Treyton, si Sandro. Gusto man niyang bumaba ngunit hindi maari dahil magtataka si Penelope at Emil. Kung bakit niya pupuntahan sila Treyton. Nagpatuloy na lang siya sa pagdridrive papunta sa Phuka Beach Resort. Naalala na naman niya ang kalokohan na ginawa niya kanina. Hindi niya talaga niya mapigilan na yakapin kanina si Sandro. Hanggang ngayon ay parang naamoy pa rin niya ang natural na amoy ni Sandro.
"Naalala ko na naman na nakita ko na pala noon ang kakambal mong si Brantley. Hindi nga lang masyadong kitang-kita ang guwapong mukha nito. Dahil nakasuot ito ng sunglass. Pero masasabi kong kamukhang-kamukha mo talaga siya." ngiting sabi ni Penelope.
"Bat ngayon mo lang naalala iyon?" usisa ni Braylon, nakita niya na nakasunod na pala ang kotse nila Treyton. Mamaya ay kukuha na naman siya ng pagkakataon para makausap si Sandro. Naiinis siya sa kanyang sarili kung bakit hinahanap-hanap niya ang guwapong lalaking si Sandro?
"Hindi ko rin alam babe. Pero ang saya lang talagana nakilala ko si Brantley." napatingin si Penelope, sa back seat ng kotse ng kanyang fiancé. Kung saan tahimik na nakaupo si Emil.
"Couz! Ang tahimik mo dyan? Nag-enjoy ka ba sa kinain mo kanina?" ngiting sabi ni Penelope.
"Oo sobrang busog na busog ako kanina. Namiss ko nga ang pagkain doon eh." ngiting sabi ni Emil. Bigla siyang napaisip sa kanyang sinabi.
"Huh? Nakapunta ka na sa Wakwak?" takang tanong ni Penelope. Sa pagkakaalam niya ay hindi palalabas noon ang kanyang pinsan. Bihira nga lang niya nakikita at nakakausap ito noon Dahil sa ibang bansa siya nag-aral.
"Ah? O-oo hindi ko nga alam kung kailangan ako huling pumunta sa Wakwak Beach Resort?" palusot na sabi ni Emil. Naalala niyang isinama siya ni Braylon, sa Wakwak. Kasama nila ang kakambal at kaibigan niya na si Brantley. Isa iyon napakahalagang araw ng kanyanh buhay. Hindi niya akalain na may magaganap o mangyayari sa kanya at kay Brantley, noon.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
"Salamat sa pagsama ninyo sa akin dito." ngiting sabi ni Emil. Nandito sila ngayon sa Wakwak Beach Resort. Bihira lang siyang pumupunta sa ganitong klaseng lugar. Isinama siya ng kanyang boyfriend na si Braylon, dito aa beach resort na ito. Sobrang ganda at presko ang hangin. Hindi na nga siya makapaghintay na makapagtampisaw sa beach. Rinig na rinig niya ang nakakarelax na hampas ng alon sa dagat.
"Syempre para naman hindi lang kami dalawa ni Brantley, ang pumupunta dito." ngising sabi ni Braylon. Buti na lang ay pumayag ang kanyang kakambal na isama niya si Emil, ngayon. Napapadalas silang pumupunta dito sa Wakwak beach resort ng kanyang kakambal na si Braylon.
"Iisa na lanh kuwarto ang kinuha ko. Tatlong bed naman ang nasa loob ng kuwarto. Ang mabuti pa ay pumasok na tayo para makapagpalit na tayo ng damit." ngiting sabi ni Brantley, umakyat na sila sa second floor ng building ng Wakwak Beach Resort kung saan nandoon ang kanilang kuwarto. Sa pagpasok nila sa loob ay ibinagsak niya ang kanyang katawan sa isa sa malambot na kama ng kuwarto nila.
"Tol bat hindi mo isinama si Brenon?" kunot noo tanong ni Braylon. Bigla niyang naalala ang kalokohan na ginawa niya sa guwapong binata. Nagpapasalamat siya dahil hindi nagsumbong si Brenon, sa kanyang kakambal na si Brantley. Nawala talaga siya sa kanyanh sarili noong araw na iyon. Ang plano lang niya ay magpanggap bilang si Brantley. Hindi niya akalain na may matutuklasan siya. Hindi niya inaasahan na may relasyon na pala si Brenon at si Brantley. Kaya pala napapansin niyang napapadalas ang paglabas ng kanyang kakambal na si Brantley. Iyon pala ay kasama lagi nito si Brenon.
"Busy siya ngayon dahil may project itong ginagawa. Paano magpalit na tayo." sabi ni Brantley. Hindi siya nahiya na hubarin ang kanyang suot na white plain shirt. Lihim siyang napangisi dahil pasimpleng nakatingin sa kanya si Emil. Sinunod naman niyang hubarin ang kanyang maong na kupas. Naiwan na lang ang puting boxer brief.
Hindi maiwasan ni Emil, na hindi mapalunok sa ganda ng katawan ni Brantley. Hindi nagkakalayo ang katawan ni Braylon, sa kakambal nito. Lalo siyang napalunok ng dalawa o tatlong beses ng mapatingin siya sa bakat na bakat na bvrat ni Brantley, sa suot nitong puting boxer brief. Alam niyang malaki ito dahil na rin sa kanyang nakikita. Umiwas na lang siya ng tingin dahil baka mahalata siya ni Brantley, at makita siya ni Braylon, na nakatingin sa kakambal nito.
"Emil, magpalit ka na rin. Sigurado akong magugustuhan mo ang beach ng Wakwak." ngiting sabi ni Braylon. Nakaramdam siya ng panghihinayang na hindi na kasama si Brenon, sa outing nila. Hindi pa siya nakakahingi ng paumahin sa guwapong binata sa kanyang ginawang kagag*han. Naghubad na rin siya ng kanyang damit at wala siyang hiya na hinubad ang suot niyang blue boxer brief. Pinalitan niya ito ng itim na swimming trunks. Nakita na rin niyang naghubad si Emil, at nagsuot din ito ng red swimming trunks. Samantalang ang kakambal naman niya ay nakasuot ng itim din na swimming trunks.
"Pareho talaga kayo ng swimminh trunks?" kunot noo tanong ni Emil. Alam niyang nasa kaliwa niya si Brantley, samantalang si Braylon, naman ay nasa kanan bahagi niya ito. Baka kasi malito siya kung sino si Braylon at Brantley, mamayang nasa beach na sila. Magkamukhang-magkamukha talaga ang kambal na kasama niya ngayon. Pati nga boses ng mga ito ay parehong-pareho.
"Ipikit mo nga ang mata mo Emil. Tapos magpapalit-palit kami ng puwesto ni Braylon. Hulaan mo kung sino kami." ngising sabi ni Brantley. Bigla lang niyang naisip iyon. Nagawa na nila iyon sa kanilang mga magulang. Nalito ang mga magulang nila ni Braylon. Noong nagkapareho sila ng suot na damit ng kanyang kakambal.
"Ah kailangan pa ba 'yun?" kunot noo tanong ni Emil.
"Sige na Emil, wag ka na maging kill joy." ngising sabi ni Braylon. Naisip niyang mukhang maganda ang sinabi ng kanyang kakambal. Gusto niyang malaman kung makikilala ba ni Emil, kung sino sila? Nakita niyang tumalikod at pumikit ito. Nagkatinginan agad sila ng kanyang kakambal. Kahit na hindi sila nagsalita ay naintindihan na nila ang isa't-isa. Hindi na sila nagpalit pa ng puwesto.
"Emil, puwede ka na humarap at sabihin mo kung sino kami?" ngising sabi ni Brantley.
Pinagbigyan na lang ni Emil, ang kagustuha ng kambal na kasama niya. Para kasing bata ang dalawa niyang kasama. Pagharap niya ay napakunot noo siya dahil poker face na nakatingin sa kanyan ang kambal. Itinuro niya ang isang kambal na nasa kaliwa.
"Ikaw si Brantley, dahil mas maganda ang katawan ni Braylon, na nasa kanan." ngising sabi ni Emil. Nakita niyang nagkatinginan ang kambal. Natawa na lang siya sa reaksyon ng dalawa.
"Ang daya naman Emil. Sana pala ay hindi kami nakahubad para hindi mo malaman kung sino kami." nadismaya si Braylon, sa sinabi sa kanila ni Emil. Agad kasi sila nakilala ni Emil, akala pa naman niya ay mahihirapan itong kilalanin silang dalawa ni Brantley.
"Bat naman ako madaya? Nakita niyo naman ako pumikit at tumalikod." ngising sabi ni Emil. Inaya na lang niya na lumabas na lang sila. Gusto na kasi niya makita ang malakristal na tubig ng Wakwak. Suot ang kanyang red trunks na binili pa niya sa Chavez Mall kahapon ng malaman niyang isasama siya ni Braylon, sa outing na ito.
"Tara doon na tayo maglaro sa beach. Puwede tayong humiram ng bolang volleyball. Mag-volleyball tayo!" masayang sabi ni Braylon. Para siyang isang batang nagtatakbo palabas ng kuwarto upang pumunta sa beach.
Napailing na lang si Brantley, sa ginawang pagtakbo ni Braylon, palabas. Naiwan na lang sila ni Emil, sa loob ng kuwarto. Nakita niyang palabas na rin sana ang guwapong binata. Mabilis ang kilos niya agad niyang nahawakan sa kamay si Emil. At sa harap nito ay agad niyang sinunggaban ng masuyong halik ang guwapong binata. Napangisi siya dahil agad naman tumugon sa halik niya si Emil.
Bigla na lang natahunan si Emil, sa kanyang ginagawang pakikipaglaplapan sa makisig na lalaking si Brantley. Naitulak niya ito dahil mali ang kanyang ginagawa. May relasyon siya kay Braylon, at mali ang ginagawa niyang makikipaglaplapan sa kakambal nito.
"B-brantley, tama na. Baka mahuli pa tayo ni Braylon. Mali ang ginagawa natin. Tsaka alam ko naman na may relasyon kayo ni Brenon." sabi ni Emil. Hindi naman siya tanga upang hindi niya mapansin na kakaiba ang pagsasama nila Brenon at Brantley. Iba ang tinginan ng dalawa at kung minsan ay nahuhuli niya ang dalawa na magkahawak kamay. Ayaw na niyang maulit ang nangyari noon. Nakatalik niya si Brantley, noon dahil akala niya ay si Braylon, ang katalik niya. 'Yun pala ay ang kakambal ng kanyang boyfriend ang katalik niya.
"Gusto ko lang malaman kung tutugon ka sa halik ko. Hindi ako nagsisi na may nangyari sa ating dalawa." ngising sabi ni Brantley. Inaya na niya si Emil, na lumabas dahil baka hanapin sila ni Braylon. Bago sila maggraduate ng high school ay nakatalik niya si Emil. Ang akala nito ay siya si Braylon. Kaya sinamantala na lang niya ang pagkakataon na iyon.
"Brantley, tama na ang isang pagkakamali." seryosong sabi ni Emil. Lumabas na sila sa kuwarto at pumunta na sila sa beach. Nadatnan nila si Braylon, na nakikipaglaro sa isang grupo ng kabataan na tulad nila.
"Bat ang tagal ninyong dalawa? Sali na kayo dito!" sabi ni Braylon. Kahit na hindi niya kilala ang mga kalaro niya ngayon ay nakipaglaro talaga siya sa isang grupo ng mga kabataang lalaki.
"Hinintay ko pa kasi si Brantley, na magbawas. Sige sali kami!" ngiting sabi ni Emil. Hindi dapat na malaman ni Braylon, na may nangyari sa kanilang dalawa ng kakambal nito.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Nakarating na sila sa Phukat Beach Resort. Tulad sa dalawang naunang beach resort ay may sumalubong sa kanila ng isang manager ng beach resort na ito.
"Sandro, mukha vip ang turing ng mga beach na napuntahan natin?" ngiting tanong ni Emil.
"Hindi naman masyado. Sinabi ko sa kanila na anak ni Congressman Rafael Sanchez, ang ikakasal. Kaya siguro vip ang turing sa ating lahat." ngising sabi ni Sandro. Alam naman niya na walang ni sino man ang hindi nakakakilala kay Congressman Rafael Sanchez.
"Ayos din pala ang diskarte mo Sandro." nakipag-apir pa si Warren, sa kanya.
"Para-paraan lang Warren?" seryosong sabi ni Treyton. Wala siyang pakialam kung nandito pa sila Penelope at Braylon. Nakaakap ang kamay niya sa beywang ni Brenon. Para na rin ipakita niya kay Braylon, na sa kanya lang si Brenon. Medyo nag-away sila ng kanyang kasintahan na si Brenon, kanina dahil nakita niyang kasabayan nitong lumabas si Braylon, sa Wakwak Beach Resort. Nagpaalam kasi itong pupunta ng banyo. Sasamahan sana niya ito ngunit pinauna na siya ni Brenon, sa parking lot kaya nauna na nga siya. Nakalipas ng ilang minuto ay wala pa rin si Brenon, kaya nagdesisyon siyang puntahan ito sa loob. Pero nakakailang hakbang pa lang siya ay nakita na niya si Brenon, na kasama nito si Braylon at Emil.
"Trey, tumigil ka nga dyan." isang pilit na ngiti ang nasa guwapong mukha ni Brenon. Masyado talagang seloso ang kanyang boyfriend.
"Seloso mo talaga pare. Ano pa hinihintay natin? Pasok na tayo sa loob ng Phuka Beach Resort." sabi ni Warren. Hindi na lang niya pinansin ang sinabi ni Treyton, sa kanya. Alam naman niya na seloso ito pagdating kay Brenon. Nakapunta na siya dito sa beach resort na nito. At masasabi niyang maganda nga dito.
"Welcome po sa Phuka Beach Resort." ngiting sabi ni Jun, ang manager ng Phuka Beach Resort.