Break Na Ba Tayo? Chapter 26 "Excited na ba kayo na pumunta sa Lake Zues Beach Resort?" ngising sabi ni Braylon. Kakatapos lang nila makapagtour sa Phuka Beach Resort. Masasabi naman niyang maganda ang beach resort na iyon. Ngunit mas maganda talaga ang Lake Zues Beach Resort. Nakita niya si Sandro, na nakangiting nakatingin sa kanya. "Pareng Braylon, iyon ba ang sinasabi ninyo noon ni Pareng Brantley, na beach resort?" usisa ni Athan. Makailang beses ng naikuwento ni Brantley at Braylon, ang tungkol sa resort na iyon. Sinabi ng dalawa sa kanya na maganda raw doon. Gusto nga niya sumama minsan noon sa kambal ngunit ayaw naman ng mga ito na isama siya. Sabi pa ng dalawa na exclusive lang ang beach na ito sa kanila. "Oo Pareng Athan, makakapunta ka na rin doon." ngising sabi ni Braylo

