Break Na Ba Tayo? Chapter 27 "Natatandaan mo pa kung kailan ko kinunan ang larawan ninyo nila Brantley at Brenon?" Umiiyak na napatingin si Braylon, ay Mang Estong. Hinding-hindi niya nakakalimutan ang araw na iyon. Wala yata silang ginawang tatlo kundi magkuwentuhan at magswimming sa dagat. Kahit na umiiyak siya ay nagawa pa niyang mapangiti sa tanong sa kanya ni Mang Estong. _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ "Sobrang ganda dito! Hidden beach resort talaga ito no? Parang hidden paradise." hindi makapaniwala si Brenon, sa kanyang nakikita ngayon tanaw na tanaw niya ang malakristal na tubig dagat ng Lake Zues Beach Resort. Natakot pa nga siya dahil akala niya ay naligaw na silang tatlo kanina. Lalo siyang natakot dahil pinagloloko pa siya ng kambal na kasama niya. "

