Napanganga si Giana sa sinabi ni Andress, hindi naman siguro sila mapaghinalaan na sila ang pumatay kay Kathy, marami kayang nakakakita sa pangyayari. Over talaga ang lalaking ito, sa isip niya. Then suddenly she had a horrible feeling that they'd made a serious mistake in leaving the crime scene. Tiningnan niya si Andress. Nakatuon lang ang atensyon nito sa daan. Pero ano ba itong ginagawa nila? para silang tumatakas sa isang kasalanan. Tiningnan niya ang mga papeles na binigay sa kanila ni Kathy, tuloy na iimagine niya sa papel ang nakadapang patay na katawan ng paralegal. Pilit naman niyang iwinaksi sa isipan ang imahe ng paralegal at pinagpatuloy na lamang niya ang pagbabasa sa mga papeles hanggang sa huling pahina. Napansin naman niya ang notation sa huling pahina na nagsasabing

