"Paano ba nagkita ang dalawang iyon? Mga lintek kayo! Bakit niyo hinayaan na magkita ang dalawa?" said the gray-haired gentleman habang nanginginig naman sa takot ang tatlong kaharap na lalaki. Tumikhim naman ang isa sa tatlo bago sinagot ang kanilang boss. "Sir, wala po kaming ideya. Pero may mga kasamahan na po kaming nagmanman sa kanila." "Pare-pareho kayong mga walang kwenta! Mga Inotel!" singhal ng kanilang amo. "Pasensya na po, sir." at sabay yumukod ang tatlong bebe este tatlong ungas. "Dahil sa kapabayaan ninyo pwedeng masira ang mga plano ko. Kuha niyo?" angil ng kanilang boss. "Tinatanggap po namin ang aming pagkakamali sir, at hindi na yon mauulit." sabi nong isa sa tatlo na may maskuladong pangangatawan. "Isa ka sa pinakamagaling na sniper Bogart, how come na hindi mo nap

