Chapter 7 Kinabukasan ay maagang nagising si Monina. Agad siyang nagtungo sa kusina upang ipaghanda ang ina nang makakain. Limited lang kasi ang puwede rito. Maraming bawal habang hindi pa ito masiyadong magaling. “Good morning, Monina,” masayang bati sa kanya ni Manang Mila. “Good morning po, manang,” ganting bati niya rin dito. Tinulungan niya itong magluto ng agahan. “Papasok ka pa ba mamaya sa hotel?” Hindi siya kumibo sa tanong nito. Mukhang na briefing na yata ito ni Lourd. “Opo! Kailangan ko po kasing magpaalam ng maayos sa manager namin,” aniya habang nagpiprito ng itlog. “Tulog pa po ba si Mister Zaire?” tanong niya. “Hindi. Gising na iyon, nagpatimpla sa akin ng kape kanina, marahil ay naliligo pa. Maaga kasing pumapasok iyon.” “Nasaan po si Angel?” “Nasa lola niya, s

