bc

A wife's Misery

book_age18+
210
FOLLOW
1K
READ
HE
arrogant
doctor
heir/heiress
tragedy
bxg
mystery
bold
genius
loser
like
intro-logo
Blurb

Kinasal si Koreen sa lalaking pinapangarap niya simula noon'g highschool ng aksidenteng may mangyari sa kanila at magbunga iyon.

Akala ni Koleen ay magiging maayos na ang buhay niya ngunit hindi niya inaasahan na ang batang dahilan kung bakit natupad ang matagal na niyang pinapangarap ay kukuhanin agad ng may kapal sa kanila.

Their daughter died on the same day that she was born and now, her husband who was forced to marry her will take his vengeance and make her life like she's living in hell.

Hanggang kailan kaya matitiis ni Koreen ang pananakit sa kaniya ng lalaking pinakamamahal niya gayon'g limitado na lamang ang oras na meroon siya?

chap-preview
Free preview
Prologue: "Hope died"
Pabalik-balik ako sa gitna ng sala habang iniintay na dumating sa garahe ang sasakyan ni Kai. Eleven o'clock na ng gabi pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nag-aalala na ako kasi dapat ay kanina pa siya umuwi rito sa bahay. Hanggang eight lang ng gabi ang pasok niya sa hospital. Napatigil ako saglit sa pagtingin sa bintana ng maalala ko ang mga pagkain na naka latag sa lamesa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakain, hinihintay ko kasi siya lalo na at espesyal ang araw na ito para sa akin. It's my birthday. Ang tagal ko na rin'g hindi cine-celebrate ito kasi mga pangit na alaala lang ang bumabalik sa akin pag dumadating ang araw na ito pero ngayon na meroon na akong dahilan para maging masaya ay napagdesisyonan kong icelebrate ito ngayon kasama si Kai, ang dati'y childhood crush ko lang na asawa ko na ngayon. Teka. Sa tagal ng pagtayo ay nakaramdam na ako ng pangangawit. Dahan-dahan akong umupo sa single sofa habang salo-salo ang malaki at siyam na buwan ko ng tiyan. Yes. Siyam na buwan. Buntis ako at ito ang dahilan kung bakit natali sa akin ang childhood crush ko. Ayaw sa akin ni Kai at noon'g nag-aaral pa lang kami ay palaging ako ang nagpapansin sa kaniya pero hindi niya ako napapansin. Ewan. Siguro ay dahil nakakainis ang prisensya ko? Medyo matigas kasi ang ulo at makulit ako noon'g mga panahon na iyon. Hindi ko naman masisi ang sarili ko kasi nagmamahal lang ako. Akala ko nga ay wala na akong pag-asa sa kaniya noon dahil halos hindi man lang niya ako mapansin pero noon'g nag college kami, may isang pangyayari ang nagtulak upang humantong kami sa ganitong klase ng sitwasyon. Nagkaroon ng party ang isa sa mga kaklase namin. Invited ako at ganoon din si Kai, dala ng alak at pagkahilo ay meroon'g nangyari sa amin. Hindi na namin alam ang ginagawa namin noon'g gabing iyon, nagulat na lang ako ng kinabukasan ay parehas na kaming walang suot na damit. A few weeks after that, I found that I am pregnant. Magagalit si mama sa oras na malaman niya iyon kaya kay Kai ko muna ito binalita. He's not happy. He can't accept the child at nagagalit siya sa akin. Takot na takot ako noon'g mga araw na iyon at hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Sobrang bata ko pa at nag-aaral pa lang ako pero meroon ng malaking responsibilidad na naghihintay sa akin. Dala na rin ng takot ang pagkadesperadang makasurvive ay sinabi ko sa mga magulang ni Kai ang tungkol sa sitwasyon ko. They were furious and disappointed especially to my husband pero pinakasal pa rin nila kami. Hindi masaya si Kai sa sitwasyon namin dahil hindi niya ako gusto. Kahit na katiting na piraso ng gamit na pagmamay-ari ko ay ayaw na ayaw niyang makita pero wala siyang choice. After the marriage, we live in the same house yet it feels like I'm living here alone. Parang wala akong kasama dahil hindi man lang ako nakikita o kinakausap ng kasama ko. Sinusubukan kong maging perpektong housewife pero minsan... Napapagod pa rin ako. Malungkot akong napangiti sabay tingin sa daliri ko kung saan naka pahinga ang wedding ring namin'g dalawa. Wala pa kaming isang taon na kasal pero parang papunta na kami sa hiwalayan. Bakit ba kasi hindi na lang niya ako magawang mahalin? Habang nakatitig ako sa sing-sing ay unti-unti na lang lumabo ang akin'g paningin hindi ko na pansin na tumutulo na pala ang luha ko. Pag nakita ako ni Kai paniguradong sasabihin niyang umaarte na naman ako. Pagak akong napatawa sabay punas sa akin'g luha. Akmang tatayo na ako para sana sumilip ulit sa bintana ng bigla kong maramdaman ang sakit sa akin'g tiyan. Napahawak ako sa itaas nito at napahimas. Kanina pa sumasakit ang tiyan ko. Siguro ay nagugutom lang si baby. Despite the pain, I still manage to walk towards the table full of foods. Umupo ako sa upuan at nagsimulang kumuha ng pagkain habang nakangiwi. Punong-puno ng pagkain ang lamesa at napakalaki nito pero mag-isa lang akong naka-upo rito. Nakakalungkot pero hindi ko ramdam iyon ngayon dahil mas matimbang ang kirot na nararamdaman ko sa akin'g tiyan. Bago ako kumakain ay naisipan kong magsend ng message kay Tita Alice. Kanina ko pa sila tinatadtad ng messages and calls pero walang sumasagot. Nasaan kaya ang mga 'to? Upang mapakalma ang bata ay pinilit kong kumain. Gusto kong sumuka dahil sa sobrang sakit ng tiyan ko pero pilit kong tinutulak papasok ang pagkain para hindi ako magutom at may makain ang bata. Nang matapos akong kumain at halos mag-aalauna na ng gabi. Mukhang hindi uuwi ang asawa ko ngayon. Bukas ko na lang siguro ihahanda ang lahat ng pagkain na ito kasi baka bumisita rin sila tita. Isa-isa kong sininop ang mga pagkain at nilagay sa Tupperware, nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng bigla kong maramdaman ang pag-agos ng tubig sa pagitan ng akin'g mga hita. Napatigil ako at kinakabahang napayuko upang silipin ang mga hita ko. So-Sobrang daming tubig. Hindi kaya... Bago ko pa man malaman kung ano'ng nangyayari sa akin ay naramdaman ko na ang nakakabaliw na sakit na nanggagaling sa bandang ibaba ng akin'g tiyan. Napasapo ako rito at impit na napa-ingit ng mas tumindi pa ito. Kailangan kong tawagan sila tita. Manganganak na yata ako! Hirap at nanghihina, pilit kong tinulak ang katawan ko papunta sa sala habang hawak-hawak ang akin'g telepono. Paulit-ulit kong tinawagan ang numero ni Kai at ng lahat ng mga taong posibleng kasama niya sa mga oras na ito. "Pick up the phone!" Naluluha kong sigaw ng mas tumindi ang sakit at naging kakaiba ang pakiramdam ko sa akin'g pang-ibabang parte. Mas dumami ang tubig na lumalabas. Hindi ko na pwedeng hintayin sila Kai. Kailangan ko ng makapunta sa hospital... Namamalipit man sa sakit at nanghihina ay pinilit ko pa rin na tumayo at maglakad papunta sa labas nitong bahay. Upang hindi ako bumagsak sa sahig ay ginamit ko ang pader upang tungkod. "Tu-Tulong!" Umiiyak kong sigaw ng makalabas ako sa bahay. Madilim na ang buong lugar at sobrang lamig ng temperatura. Tanging ang ilaw na nanggagaling sa mga poste ang makikita dahil halos lahat ng bahay na nakapaligid sa amin ay nakapatay na ang mga ilaw. "Tu-Tulongan niyo po ako!" Napabagsak ako sa lupa at napahiga sa damuhan. Mas naging nakakabaliw ang sakit at takot na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Parang walang tutulong sa akin. Wala akong kasama at mag-isa lang ko ngayon. Kailangan ko ng tulong pero... Bakit walang sumasagot sa mga tawag ko?! Sunod-sunod na pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Meroon'g takot, pag-aalala at awa. Mas pinalala niyon ang sitwasyon ko. Sa huli dala ng pagod at kawalan ng pag-asa ay yinakap ko na lamang ang sarili ko. Patuloy sa pag-agos ang luha sa akin'g mga mata habang paulit-ulit kong binubulong sa hangin ang pangalan ni Kai. He's my husband. He's supposed to be here pero bakit mag-isa lang ako? "Koreen?!" "Call an ambulance!" Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay narinig ko pa ang mga sigaw ng mga tao sa akin'g paligid. Parami sila ng parami hanggang sa nadagdagan na ito ng tunog ng ambulansya. ... I woke up with the sound of loud voices yelling at each other. Nakakabingi at ang sakit sa ulo ng mga boses kaya kahit na masama pa rin ang pakiramdam ko ay pinilit ko ng idilat ang akin'g mga mata. Ang unang kong napansin ay ang pagkawalan ng umbok ng tiyan ko. Talaga bang nanganak na ako? Agad aming binalot ng ibayong saya at tuwa. Nasaan ang anak namin ni Kai?! As if on a cue narinig ko ang boses ni Tita Alice, ang mommy ni Kai. "The baby was dead! Matagal bago siya naideliver ni Koreen at nagkaroon pa ito ng complications." Parang meroon'g sumabog sa akin'g utak ng marinig ko ang sinabing 'yon ng ginang. D-Dead? Anong klaseng biro 'yan? My baby can't be dead! "It's her fault ma. Kung hindi lang siya nagpabaya ay baka buhay pa ang anak namin." Pagsigaw na sagot ni Kai. Nasundan iyon ng pagtama ng isang babasaging bagay sa sahig at ng sunod-sunod na kaluskos na sigurado akong nanggagaling sa nagwawalang si Kai. Sa sobrang gulat ko sa mga nangyayari ay napatakip na lang ako ng bibig. Nanlalaki ang akin'g mga mata at unti-unti na naman itong napupuno ng luha. Iyong anak ko. Hindi siya pwedeng mamatay. Ang dami ko pang pangarap para sa kaniya, gusto ko pa siyang makita at mahawakan pero... "Kai we both know that you're the one who should be blame on this. Imbes na samahan mo ang asawa mo ay nandoon ka sa club kasama si Celine. Koreen deserves your apology for this!" Sambit ulit ni tita Alice. Mariin niyang utos sa anak niya pero wala akong natanggap o narinig mula sa bibig ng asawa ko. Sinisisi ko ang sarili ko tulad ng sinabi ni Kai, dahil sa akin ay nawala sa amin ang anghel namin. Kasalanan ko ang lahat dahil hindi ako malakas para alagaan ang anak namin. Our daughter died. Hindi ko man lang nahawakan at nayakap ang anak ko dahil nailibing na agad siya ng pamilya ni Kai. At simula noon'g araw na iyon ay nagsimula na ang kalbalryo ng buhay ko...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
242.5K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.8K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.7K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.4K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.2K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook