Chapter 1 : "The Paraiso"

1625 Words
Aside from the death of my daughter. I also learned that we're just his second priority. Isang tao pagkatapos mamatay ng anghel ko ay nagpakasal si Kai kay Celine. Ang childhood sweetheart niyang hindi niya makalimutan. Hindi legal ang kasal nila dahil kasal kami ni Kai pero pumayag si Celine dahil alam niyang awa lang ang nararamdaman ni Kai para sa akin. I wanted to break our marriage dahil sobra-sobra na yun'g sakit na nararamdaman ko pero hindi ko magawang sabihin iyon. Hindi ko kayang mawala si Kai. Siya na lang ang natitira sa akin. Ayoko ng maiwanang mag-isa ulit kaya kahit alam kong nakakatanga ay pinayagan ko ang relasyon nila ni Celine. Nagpakatanga ako at nagpanggap na bingi sa lahat ng naririnig ko tungkol sa kanila, dahil mahal ko siya. "Koreen nagyaya si Jana. Meroon daw siyang coffee shop na bagong bukas sa area na ito, do you want to visit it?" Rinig kong tanong ni Daisy. Meroon siyang hawak na spare key ng bahay na ito kaya hindi na ako nagtataka kung bakit bigla siyang sumulpot dito. Isa-isang hinawi ni Daisy ang mga kurtina na naka takip sa mga bintana hanggang sa maging maliwanag ang buong kwarto. Nanatili lang akong nakahiga habang yakap-yakap ang unan habang nasa loob ng nakakuyom kong kamao ang bracelet na sana ay ibibigay ko sa anak ko. "What happened? Bakit parang nanginginig ka?" Nag-aalalang tanong ni Daisy. Lumakad ito palapit sa kama at umupo sa isang gilid. My mind were still foggy and I haven't seen anyone for a week kaya ng maramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa braso ko ay napa kislot ako at gulat na napatingala sa kaniya. Malungkot na napangiti si Daisy dahil sa naging reaksyon ko. "Isang linggo ka na namin'g hindi nakikita at nakakausap baka pwede naman'g pagbigyan mo kami ngayon?" Nakangiti niyang tanong sa akin. "S-Saan?" Basag ang boses kong tanong sa kaniya. Humiga si Daisy sa akin'g tabi at gamit ang daliri niya ay pinunasan niya ang luhang nasa gilid ng mga mata ko. Umiiyak na naman ba ako? Dahil siguro ito sa masamang panaginip na napanaginipan ko kagabi? "Malapit lang dito sainyo. Ang sabi ni Jana ay masasarap daw ang mga kape nila..." Imbes na tanongin kung bakit umiiyak ako at mukha na naman'g depress ay nilihis pa ni Daisy ang usapan. They still doesn't want me to remember what happened in the past. Hangga't makakaya nila ay palagi silang nandiyan ni Jana para sa akin, bagay na pinagpapasalamat ko kasi if it weren't for them baka ay nawala na ako sa sarili ko. "Gusto mo ba or gusto mong dito na lang tayo nila Jana?" Napahilamos ako ng mukha. "Gusto kong lumabas naman ng bahay..." Nakangiti kong sagot, kahit na taliwas niyon ang talagang gusto kong gawin. After imprisoning myself for a year, nagkaroon na ako ng hirap na humarap sa napakaraming tao. Ang sabi nila ay dahil ito sa trauma at anxiety na pinagdaanan ko. Jana amd Daisy tried helping me to overcome that but there's still remnants especially after kong makaranas ng panick attack. Kagabi. Binangungot ako at pagkagising ko kung ano-anong thoughts ang pumapasok sa isip ko. Hindi ako makahinga at ayaw tumigil ng buong katawan ko sa panginginig. I thought I was going to die kaya kinuha ko ang bracelet ng anak ko at mahigpit ko itong hinawakan. Nagising ako ngayong umaga ng maayos, dahil siguro ginagabayan ako ng anak ko. "Maligo ka na. Hihintayin na lang kita sa baba." Bumangon na ako sa kama at tila zombie na naglakad papunta sa banyo. Nang humarap ako sa repleksyon ko sa salamin ay isang haggard at nakakatakot na mukha ng isang babae ang bumungad sa akin, malayong-malayo ito sa itsura ko noon. Upang hindi ko na makita ang sarili kong repleksyon sa salamin ay tinabunan ko ito gamit ang towel na naka sabit atsaka ako nagtuloy-tuloy papasok sa shower. ... "Nag-order na si Jana ng breakfast atsaka mga desserts paniguradong magugustuhan mo ang mga iyon!" "Oo nga papa. After our coffee date may ibang lugar ka pa bang gustong puntahan?" Boses ni Daisy ang pumapawi sa katahimikan sa loob ng kotse. Nakatahimik lang ako kasi wala naman akong balak na sabihin o ikwento. Palagi naman na akong nasa bahay kaya wala ng bago sa buhay ko na pwede kong ikwento sa kanila. "Do you want to go to Emily's Garden? Balita ko ay open sila ngayon or maybe you want to visit a resort or something?" Sunod-sunod na suhestiyon ng babae. Parang ayaw niyang hayaan na maging tahimik ang buong sasakyan at alam ko kung bakit. She doesn't want me to be lost in my thoughts. And I appreciate that... Umayos ako ng pagkakaupo at ngumiti. "Pwe-Pwede ba tayong pumunta sa flower garden?" "Of course! I can't wait to see the flowers again. Balita ko ay meroon silang dinagdag na mga flowers ngayon doon." "Oh?" "Yes! Hindi ba dati ay nagkaroon sila ng suggestion board para sa mga visitors nila?" "Yes." Naalala ko yun'g huling bisita namin sa Emily's garden. Meroon nga'ng suggestion board doon at isa ako sa mga sumulat. Nagsuggest ako na sana ay magkaroon sila ng Lotus flower sa garden nila. Iyon kasi ang paborito kong bulaklak at iyon dapat ang ipapangalan ko sa anak ko. "Nag suggest ako roon na sana magkaroon sila ng Black Dahlia. Sana this time ay meroon na talagang ganoon doon!" "Hindi ba at nagagalit pa si Jana kasi wala raw makain doon?" Napanguso si Daisy ngunit napatawa rin naman siya pagkatapos niyon. "Actually medyo approve ako kay Jana. That's a garden, bakit hindi sila magtanim ng prutas kahit strawberry o saging man lang." I chuckled at that. "I suggest mo na lang ulit." ... Ilan'g minuto lang kaming nagmaneho hanggang sa makarating kami sa harap ng isang bago at magandang establishimento. Isang cafe na ngayon ko lang nakita rito. Lumabas na kami ni Daisy sa kotse at habang kinukuha niya ang bag sa loob ay tumayo ako sa harap ng cafe at matiim na tinitigan ang poster nitong naka bitin dito sa labas. Paraiso Cafe. "What an odd name! Pero it made sense dahil mukhang forest ang theme sa loob." Komento ni Daisy na nasa tabi ko na pala. "Innovative ang may-ari ng cafe na ito." "Sana ay hot siya para may puntahan ang pagiging innovative niya." Natatawang segunda ni Daisy, mahina kong pinalo sa braso ang babae at bago pa siya makahirit ulit ay naiiling na akong pumasok sa loob. Tama nga si Daisy. Kakaiba ang cafe na ito dahil hindi biro ang theme. Kanina lang ay nasa gilid pa ako ng maingay at mainit na kalsada pero ngayon... Nakatayo na ako sa loob ng maganda at kakaibang kagubatan. Iyon ang design ng buong lugar, forest. Meroon'g mga props sa gilid na parang mga puno at bulaklak, per table ay gawa sa kahoy. Ang sarap mag stay sa lugar na ito. Napapikit ako ng mga mata at napasinghot ng hangin. This cafe feels like home. Sino kaya ang naka-isip na gawin ito? "Friend!" Masayang sigaw ni Jana. Napatingin ako sa direksyon kung saan galing ang boses niya. Sa may pinaka dulong parte nitong cafe ay naka upo siya sa isang table na meroon ng mga pagkain na naka hain. Kumakaway-kaway si Jana at punong-puno ng saya ang mukha niya habang nakatitig sa akin. Nakangiti aking lumakad palapit sa lamesa niya. "Buti na lang at naisipan mong lumabas sa lungga mo ngayon. Miss na miss ka na namin ni Dai!" "Ngayon niyo lang ako binulabog..." Umupo ako sa akin'g pwesto at agad na humigop sa isang tasa ng tsokolate na naka tapat sa akin. I assumed na sa akin ito kasi hindi naman sila mahilig sa mga hot chocolate. "Binigyan ka namin ng time kasi baka magsawa ka sa amin kung araw-araw ka namin'g bubulabugin." Imposibleng mangyari iyon lalo na at silang dalawa na lang ang kaibigan ko. Iniba ko na lang ang usapan. Nilibot ko ang tingin ko sa mga pagkain na nasa lamesa. Nang makita ko ang apple pie na nasa pinaka gitna ay agad akong kumuha ng isang slice at ito ang binanatan ko. "Hahaha sabi na nga ba at iyan ang una niyang babanatan." Natatawang salubong ni Daisy ng makalapit na sa amin ito. Tinapik niya si Jana sa balikat bago siya umupo sa pwesto niya. "Syempre 'yan ang paborito niya!" Sagot naman ni Jana. Mahilig ako sa matatamis pero itong apple pie lang talaga ang pinaka malapit sa puso ko. And speaking of malapit sa puso, pansin ko na sobrang sarap yata ng apple pie na ito? Habang nginunguya ang nasa akin'g bibig ay tinitigan kong mabuti ang isang bilog ng apple pie na meroon ng isang slice na bawas. Ang ganda rin ng presentation at ang sarap ng amoy. Sino'ng gumawa ng apple pie na ito? "Supply lang ba ito o meroon'g chef ang cafe na ito?" Tanong ko kay Jana. Sila kasi ang nag-aya at nakakaalam sa cafe kaya baka kilala nila kung sino'ng may-ari nito. "May chef sila. Nakilala ko siya kanina kaya lang kailangan niyang umalis kaya mga assistant chef lang ang nandito." Napatango-tango ako. Sayang naman. Gusto ko sanang kunin ang recipe... "Nagustuhan mo?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Daisy. Tumango na lang ako kasi punong-puno pa rin ng apple pie ang bibig ko. Sabay na napasinghap ang dalawa at nagkatinginan. "Bigira ka lang makagusto ng masarap ng timple ng apple pie!" "Sobrang sarap ng isang to..." Ngayon lang nga ako meroon'g natikman na masarap na apple pie. Kadasalan kasi kung hindi matabang ay sobra naman sa asukal. "Don't worry. Next time sasabihan ko sila na ipakilala ka sa chef nila." Sa ngayon ay okay na ako roon. Makukuha ko rin ang recipe niya sa susunod...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD