Chapter 2 : "The cute chubby panda"

1574 Words
Hindi rin kami nagtagal sa cafe dahil naubos din namin ang lahat ng mga inorder ni Jana and because I love their Apple pie. Nag take out na ako upang mas mapag-aralan ko ang lasa nito at magaya ang recipe. I can't wait to meet the chef, so I'll make a way to copy his recipe. Masaya akong napatango pero hindi umabot hanggang sa tenga ko ang ngiti. "Pupunta ulit ako sa suggestion board para maglagay ng suggestion!" Ani ni Jana pagkababang-pagkababa namin sa kotse ni Daisy. Muntikan na akong masilaw dahil sa liwanag ng araw, buti na lang ay agad itong naharangan ng tumigil sa harapan ko ang isang malaki at cute na mascot ng isang panda? "Bakit may naligaw na panda rito?" Naguguluhang tanong ni Daisy na lumakad sa akin'g tabi. Narinig naman yata kami ng Panda dahil humarap ito sa amin at kumaway. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, nanatili lang akong tulala at nahihiwagaang napatitig sa mascot habang si Daisy at Jana naman ay tumakbo palapit dito na parang mga bata. "Ang cute naman ng gimik na ito!" "Pa-Picture Panda!" Masayang tili ng dalawa kong kaibigan. Dinaig pa nila yun'g mga batang nakapaligid sa mascot. Siguro ay meroon'g field trip dito kaya meroon'g mga bata at may mascot. Habang abala ang dalawa sa pagpapa-picture sa cute na panda ay nakangiti akong lumapit sa mga natang tahimik na naka pila. Kasama nila ang isang babae na tingin ko ay nasa mid 40's na, nakasuot ng uniporme na pang teacher ang babae kaya baka hinala ko na teacher ito ng mga bata. "Hello po?" Bati ko sa teacher ng matapos na niyang bilangin ang mga bata. "Yes po ma'am?" "Meroon po pala kayong Field trip ngayon? Open po kaya itong garden for other visitors or rented na po siya ng school niyo?" Magalang kong tanong sa teacher. Mula sa gilid ng akin'g mga mata ay kita kong tapos ng kumuha ng litrato ang dalawa. Masayang tinitignan nila Daisy at Jana ang mga litrato sa phone habang patalon-talon ng lumalakad palapit sa amin ngayon ang malaking panda. "Hindi po close itong Garden. Open po siya for other guests." Nakangiting sagot ng teacher. "If it's fine po pwede po bang sumama kami sainyo during the tour?" Sana please! Gusto kong makasama itong mga bata. Ang tagal na rin kasi simula noon'g may nakahalubilo akong mga chikiting. Nagtataka man at nag-aalangan ang teacher ay sa huli tumango na lang ito at ngumiti sa akin. Naiintindihan ko ang pag-aalangan niya kasi may mga kasama siyang bata kaya agad kong pinaliwanag sa kaniya kung bakit gusto kong sumama sa kanila. "Magiging teacher din po sana ako noon pero kinakailangan ko pong magstop kaya po hindi natuloy. Nami-miss ko lang po 'yong mga bata noon'g nag practice ako kaya..." Napahinga ng maluwag ang babae. "It's fine. Okay lang na sumama ka sa amin and besides parang gusto ka rin'g kasama ng mga bata." Pagkasabing-pagkasabi niyon ng teacher ay dinagsa na kami ng maliliit na bata na magkahawak ang kamay. Hanggang sa tuhod ko lang ang mga 'to at kinakailangan ko pang lumuhod para mapanatayan ko sila. "Hello po?" Nginitian ko ang batang lalaki na unang lumapit sa akin. Bukod sa mataba ay napakaputi rin nito. Para siyang siopao na gumagalaw at nagsasalita, gusto ko sanang kuritin siya sa pisngi pero bawal 'yon kaya ngitian ko na lang siya. "Hello! Ako si ate Koreen. Ikaw ano'ng name mo?" Napahagikgik ang bata. "SpongeBob!" "Nice to meet you Spongebob!" Sunod-sunod na ang mga batang lumapit sa akin. Hindi mapakalma ang mga bata dahil sa sobrang pagka-excite ng mga ito para sa field trip. May mga gustong makakita ng isang field ng mga rose kaya pinangako ko sa kanila na ituturo ko sa kanila mamaya kung nasaan yun'g malaking field of roses dito sa Emily's garden. "Students? Here in our field trip makakasama natin si Mr.Panda." Pagkasabi niyon ng teacher ay nagtatalon ang malaking panda na nasa tabi niya. All the kids were giggling and wanting to touch the big mascot but the teacher is still giving them instructions, she strictly told them that they won't receive any hugs or kisses from the Panda if they don't listen to her and continued being a naughty kid. Habang nagpapaliwanag ang teacher ay patalon-talon sa tuwa ang cute at matabang panda. Hindi ko mapigilan ang mapatawa dahil natutuwa ako rito at sa mga batang nangnining-ning ang mga mata sa saya. Sa kalagitnaan ng pagpapaliwanag ng teacher ay napatigil sa pagtalon ang panda at diretsong napatitig sa akin. Bahagya itong yumuko at tinago niya ang mga kamay sa kaniyang likoran bago umaktong tila nahihiya. The children started yelling "Ayeee" but their teacher immediately hush them. Napapailing na lang ako dahil sa katigasan ng ulo ng mga bubwit. "Ayeee pati yun'g mascot na in love na sa beauty mo Koreen!" Sulsol pa ni Jana .Sa sobrang busy ko sa mga bata ay hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala sila. "Ang cute ni Panda. Mamaya ay pi-picturan ko kayo!" Kinikilig naman'g hirit ni Daisy. "Kayo talaga. Alam niyo naman'g kasal na ako, sa oras na malaman ni Kai na tinutulak niyo ako sa mascot iinit ang u-" "Sus may sariling buhay na 'yong asawa mo. Last time I check ay nasa states na ito at nagpapakasaya kasama si Celi-" "Hoy Jana manahimik ka nga!" Agad na tinikom ni Jana ang bibig niya at nanghihingi ng paumanhin akong tinapunan ng tingin. Agad kong naramdaman ang sakit at bigat na dati pa naka-patong sa puso ko. Kahit papaano ay umaasa pa rin akong meroon'g nararamdaman si Kai para sa akin. Naging ina rin naman ako ng anak niya, kahit na namatay ang anak namin ay meroon pa rin naman kaming koneksyon, right? Ramdam ko ang paghaplos ni Daisy sa akin'g braso habang yumuko naman si Jana at nakayukong naglakad palapit sa akin. "Sorry." Bulong nito na sinagot ko lang ng malungkot na ngiti. Hindi naman masama na masampal ako ng realidad kung paminsan-minsan, right? Nang magsimula na ang field trip ay ginawa ko ang lahat para makalimutan ang tungkol kay Kai at Celine. Nakipaglaro ako sa mga bata at tinuro ko sa kanila yun'g field of roses na gustong-gusto nilang makita. "Wow sobrang ganda naman po!" Sigaw ng mga ito. "May sasabihin si Mr.Panda!" Lahat kami ay napalingon sa mascot na nakasunod sa amin. Meroon na itong hawak-hawak na isang maliit na white board at isang pentalpen. Meroon'g sinulat ang panda sa whiteboard at ng ipakita nito sa amin kung ano iyon ay agad na nagsigawan sa kilig ang mga bata. The girl who's wearing a black dress and white sandals is more prettier than those flowers. Napasimangot ako habang muli naman'g nagsulat ang Panda para dugtungan ang unang sentence niya. Even if she's scowling at me ^-^ Hindi ko rin alam kung paanong naintindihan ng mga bubwit ang nakasulat sa whiteboard, not to mention that it's written in English. Imbes na kiligin sa banat ng panda dahil ako lang naman ang nakasuot ng black dress at white sandals ay humarap ako sa mga bata. "Very good dahil marunong na kayong magbasa and umintindi ng English. Mukhang matatalino ang mga students ni ma'am Vana ah?" Dahan-dahang napailing ang panda, wala siyang nagawa kung hindi ang ibaba ang whiteboard at tila lantang rosas na sumunod sa amin. Nang matapos ang field trip ng mga bata ay sumabay na rin kami palabas ng Emily garden. Mas na-enjoy ko ang break na ito dahil sa prisensya ng maliliit na anghel, pakiramdam ko ay bumalik ako sa dati kong buhay dahil sa kanila. "Ba-Bye po ate Koreen!" "Sana po magkatuluyan kayo ng big panda!" "Mag-iingat kayo." Nakangiti kong paalam sa mga ito ng isa-isa na silang pinapasok ni teacher Van sa loob ng bus. Hindi mahinto ang aking mga kamay sa pagkaway habang pinagmamasdan ko ang papalayong bulto ng sasakyan. Meroon'g kung ano'ng kirot sa puso ko na unti-unting bumabalik habang nilalamon ako ng katahimikan. If ever man na nabuhay ang baby ko siguro ay siya ang kasama ko ngayon? Or maybe kasama siya sa field trip na iyon at... Nang maramdaman ko ang panunubig ng akin'g mga mata ay agad kong pinalis sa isipan ko ang mga ideya na 'yon. Kahit ilan'g beses ko pang alalahanin ang baby ko ay hindi na siya babalik. Kasalanan ko kung bakit nawala siya and I don't think deserve kong ikulong siya sa malungkot at miserable kong buhay. Pinahid ko ang luhang tumulo sa akin'g mga mata, napasinghot ako at balak ko na sanang tawagin ang dalawa ng biglang may tumabi sa akin. Dahan-dahan akong nagtaas ng tingin hanggang sa bumungad sa akin ang pigura ng makulit at matabang panda. Sinamaan ko ito ng tingin. Kanina pa siya nagpapansin kahit na nasa harapan kami ng mga bata. I was about to scold him when he suddenly started removing the head of his costume. Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang akin'g labi dahil ng matanggal na ang ulo ng mascot ay bumungad sa akin ang perpektong mukha ng isang lalaki. Meroon'g nagflash sa amin'g harapan and before I even realized what's happening, the mascot faced me and gave me a light smile. Lumabas ang dimples niya at nagning-ning ang kulay berde niyang mga mata dahilan upang mahagip ko ang akin'g hininga. "Diba sabi sa'yo ang cute ni Panda!" Natatawang sigaw ni Daisy bago sunod-sunod na nagflash ang camera. Wh-What the hell?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD