Still mourning for the death of my daughter and for the things that my husband did to me. Patuloy kong kinulong ang sarili ko sa madilim at masikip na kwarto, rito sa bahay na dapat ay magiging saksi sa masasayang alaala na bubuuin namin ni Kai at ng magiging anak namin.
Natatabunan ako ng mga alaala. Sonogram, litrato at mga damit na dapat ay gagamitin ng magiging anak namin. Sobrang dami kong hinanda para sa kaniya, kompleto ang gamit at walang kulang pero unfortunately hindi man lang niya magagamit ang lahat ng ito.
Patuloy sa pagtulo ang luha ko habang nakasandal ako sa malamig na pader at nakatulala sa crib na naka pahinga malapit sa pinto nitong kwarto. Mahigpit kong hawak-hawak sa akin'g kamay ang maliit na bracelet na napupuno ng kulay pula at itim na mga bato, custom made ang bracelet na ito at pawis ang pinuhunan ko upang maperpekto lamang ang bagay na ito pero nauwi lang sa wala iyon dahil hindi ito nagamit ng anak ko.
Malungkot akong napangiti bago ko tinitigan ang bracelet na nasa akin'g kamay.
Why? Ano ba'ng ginawa kong mali para ako pa ang magdusa ng ganito?
Dapat ay sinama na ito ng anak ko sa hukay ngunit habang nililibing siya at paalis na ng paalis ang mga tao sa paligid namin, hindi ko magawang bitawan itong bracelet. Pakiramdam ko ay kamay ng anak ko ang hawak-hawak ko. Kaya hindi ko siya maatim na bitawan.
Napahigop ako ng malalim na hininga ng mula sa mahihinang hikbi na nanggagaling sa akin ay biglang tumunog ang akin'g telepono senyales na meroon'g tumatawag.
Walang buhay kong dinampot ito at sinagot.
"Hello Koreen! Itatanong lang sana namin kung gusto mo ulit na bumisita sa Paraiso cafe? Isang linggo ka na rin kasing nandiyan sa bahay niyo. Hindi ka na naman lumalabas..." Bakas sa boses ni Jana ang pagtatampo, bagay na ikinangisi ko.
Nakalimutan kong meroon pa pala akong buhay sa labas ng kwartong ito.
Wala sa sariling na punta sa kalendaryo ang akin'g tingin at ng makita kong sabado na naman at araw na naman upang sumama ako kina Daisy at Jana ay agad kong pinunasan ang akin'g mukha gamit ang likod ng akin'g palad.
"Ah oo nga pala! Hindi ko pa nakukuha yun'g recipe nun'g apple pie!" Pinilit kong gawin'g masaya ang tono ng pananalita ko at tinago ang sakit at pait na natural na nakatago sa kailalaliman ng puso ko.
"So that's settled? Susunduin ka namin ni Daisy diyan ha?" Nakahinga ako ng maluwag ng hindi maramdaman ni Jana na meroon'g mali sa boses at tono ng akin pananalita.
"Hmmm"
"Nandiyan na kami in an hour so fix yourself na. Marami tayong pupuntahan for today and marami akong ikwe-kwento sa'yo."
Nang binaba na ni Jana ang call ay binagsak ko ang sarili ko sa sahig. Pilit kong pinigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa akin'g mga mata pero kahit anong gawin ko ay hindi ko sila mapigilan kaya yinakap ko na lang ang akin'g sarili at siniguradong walang makakarinig sa mga hikbi at iyak na lumalabas sa akin.
...
"I ask the chef to stay so that he can meet you. Alam mo bang ang dami ko pang ginawang pabor sa kaniya para lang magstay siya at willingly na turuan kang gawin yun'g special apple pie?!" Ani ni Jana sa akin pagkababa namin sa sasakyan. Pabagsak niyang sinara ang pinto ng kotse habang dahan-dahan naman ang sa akin, hindi dahil ayokong sirain ito kung hindi dahil wala akong sapat na lakas para padabog itong isara.
Nanghihina akong ngumiti kay Jana.
"Salamat ano ba'ng gusto mo? Malapit na rin ang birthday mo kaya dapat talaga ay maghanda na ako ng gift." Sagot ko naman.
"May bagong labas ng Yaoi novel si Zesky baka naman pwedeng 'yon na lang?" Nakangusong pakiusap ni Jana.
Sure. Pero hindi ko sasabihin dahil gusto kong isurprise siya.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa Paraiso cafe ay muling sumalubong sa akin ang nakakalma at payapang ambiance ng buong lugar. Naamoy ko ang masarap na apple pie na nanggagaling sa kusina na hinaluan ng mabangong amoy ng bagong brewed na kape.
Hindi ko maiwasang mapangiti ng matamis habang nililibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng cafe. Kung pwede lang akong tumira sa lugar na ito ay gagawin ko iyon dahil kakaiba ang dulot nito sa akin.
Umupo kaming tatlo sa dati namin'g pwesto at umorder ng mga pagkain na bago sa menu. Habang hinihintay ang order ay nagkwentuhan kaming magka-kaibigan tungkol sa mga nangyayari nitong mga nakaraan'g araw.
"I heard that Zeka's already getting married next month. Invited ako!"
"Ako man!"
Napatingin silang dalawa sa akin.
"How about you Koreen? Best friend mo rati si Zeka, right?"
Yes. Pero mas kinampihan niya si Celine kaya...
"Yes. She invited me pero baka hindi ako makapunta kasi wedding anniversary namin iyon ni Kai." Nakangiti kong sagot sa dalawa kahit na ang totoo niyan ay hindi naman ako inimbitahan ng dati kong kaibigan at hindi rin uuwi si Kai sa wedding anniversary namin dahil abala ito kay Celine at sa trabaho niya sa ibang bansa.
Napayuko ako, habang nagpatuloy naman sa pag-uusap ang dalawa.
Kasalukuyan akong nag-iisip ng mga pwede kong gawin sa araw ng anniversary namin ni Kai ng biglang may humarang sa akin'g harapan. Napapikit ako ng mariin at muling napadilat bago ko dahan-dahang tinaas ang akin'g tingin.
Napasinghap ako ng makita ko na naman yun'g baliw na lalaking nakilala namin doon sa Emily's garden.
"Ikaw?!"
"Hi?" Sabay namin'g singhal sa isa't isa.
Nakakunot ang aking noo habang nakangiti naman siya. Napakamot sa batok ang lalaki habang napakurap naman ako.
"Sinusundan mo ba ako?" Nang-aakusa kong sigaw sa kaniya.
Siya yun'g poging lalaki na naka suot ng Panda costume. Siya rin yun'g nag-engganyo kina Jana at Daisy na pikturan at pagtripan kami!
Nanlaki ang kulay berde niyang mga mata habang bahagya namang napaawang ang kulay pula niyang labi. Napatingin ako roon at biglang nanuyo ang lalamunan ko ng makita kung gaano ka-plump ang labi niya.
Sunod-sunod akong napalunok ng laway habang nakatuon sa mukha ng lalaki ang aking mga mata.
"Ano'ng kailangan mo?" Kunot ang noo kong tanong sa kaniya.
Muling tumingin ang lalaki kay Jana at Daisy bago ito napabuntong hininga. Pinikit niya ang mga mata na animo'y nag-iipon ng lakas ng loob bago muling tumingin sa akin at....ngumiti?
I look at him cluelessly. Bakit siya ngumingiti? Meroon bang nakakatawa sa mukha ko?
Wala sa sarili akong napaiwas ng tingin at pasimpleng nagpunas ng pisngi.
"My name is Zoro and yes I was the big panda last time but," Napakamot sa ulo ang lalaki. "I wasn't following you..." Nahihiyang niyang usal.
Hindi ako makapaniwala. Ang laki ng katawan niya at ang gwapo niya pero bakit parang wala siyang self confidence?
Nagtatanong kong tinapunan ng tingin ang dalawa kong kaibigan. Kung tignan sila ng lalaking ito ay parang magkakakilala sila.
Mahinang napa-ubo si Jana bago siya nag-aalangan na tumayo at lumapit sa lalaking nasa akin'g harapan.
Tinapik niya sa braso si Zoro kung kaya't ang nagtatakang itsura ng lalaki ay napalitan ng blangkong mukha.
"This is Zoro Clair Jiang and frenny siya ang may-ari ng cafe nito and fortunately siya rin ang chef na hinahanap mo."
Nalaglag ang panga ko sa gulat.
Imposible. Itong lalaking ito ang nagluto ng apple pie na iyon?!
Napakamot sa batok si Zoro bago ito lumapit sa akin. Dahil sa matangkad siya ay yumuko pa siya at inilahad ang kamay sa harap ko.
Ngumiti si Zoro, ngiti na nagpalabas na naman sa malalalim niyang dimples.
"Nice to meet you..."
Tatanggapin ko ba ang kamay niya o magpapatuloy ako sa pag-akto na hindi ko siya nakilala?
Bumaba ang tingin ko sa naka lahad na kamay ni Zoro. Gusto kong tanggapin ang pagpapakilala niya pero nang igagalaw ko pa lang ang kamay ko ay pumasok na sa isipan ko si Kai.
Hindi pwede. Magagalit si Kai sa akin.
Imbes na tanggapin ang kamay ni Zoro ay nag-iwas ako sa kaniya ng tingin. Tumalikod ako sa kaniya at pilit na inignora ang kagustuhang makilala siya.
Ito na ang buhay ko ngayon. Malungkot at naka kulong sa isiping meroon na akong asawa na pinagbabawalan akong makipagkaibigan sa iba.