Where did I go wrong?
Is it from the moment that I force Kai to marry me or that time when he told me that he's going to marry Celine and live with her abroad?
Hindi ko na alam kung saan ako nagkamali at naging ganito ang buhay ko pinipilit ko naman'g makabangon ulit pero sobrang hirap talaga. Ang sakit at ang hirap mabuhay ng ganito.
Kasalukuyan akong nagwawalis dito sa sala. Tagaktak na ang akin'g pawis at puro dumi na rin ang akin'g katawan, wala akong magawa nitong mga nakaraang araw kaya naisipan ko na maglinis at magtabi ng kalat.
Napahinto ako sa paggalaw sa walis ng bigla kong maramdaman ang pagsikip ng akin'g dibdib na sinundan ng pag-ikot ng akin'g paningin.
Ah sa pagod at gutom lang ito. I'm sure I'll be good after a minute of resting.
Hindi muna ako gumalaw. Nanatili akong nakatayo at nakapikit, hinihintay kong maging maayos ang pakiramdam ko.
Nang medyo mabalanse ko na ang akin'g sarili ay dinilat ko na ang mga mata ko pero bigla na lang sumikip lalo ang akin'g dibdib hanggang sa mahirapan na akong huminga.
"Koreen ano'ng nangyayari?"
Unti-unting nawawala ang akin'g pandinig at bumibilis ang pag-ikot ng akin'g paningin.
I tried to stay up by using the Broom to support my body but my condition only worsened.
Sa sobrang sikip ng akin'g dibdib at konti ng hangin na pumapasok sa akin'g katawan, hindi nagtagal ay dumilim na ang akin'g paningin. Ang huli kong naalala bago ako tuluyang panawan ng ulirat ay ang natatarantang sigaw ng kapit bahay ko.
...
"I've warned you before. High blood ka at hindi rin maganda ang lagay ng puso mo pero hindi ka pa rin nakinig sa akin." Malungkot na napabuntong hininga ang doktor ko.
Hawak ang isang papel na naglalaman ng mga results ng test na ginawa nila ay lumapit siya sa akin at tahimik na umupo sa sofa na nasa gilid nitong kama.
"Not only you didn't listen to my suggestion to see a cardiologist, but you also didn't took the medicines and vitamins that I've prescribed." Dagdag pa nito, sa paraan niya ng pananalita ay parang sine-sermonan niya ako ngunit mas bakas ang inis kaya malungkot akong napangiti.
"You can ask a second opinion or third. We can do another test to verify this b-"
Napabuntong hininga ako at pinutol ang kaniyang sinasabi.
"Whatever will happen to me, alam ko na iyon at handa na ako." Ani ko sa kaniya sa kalmado at blangkong pamamaraan.
Muling napabuga ng hangin ang doktor. Tumayo siya sa sofa at seryosong napatitig sa akin.
"Mrs.West I'm sorry to tell you this but according to the result of the tests that we did you have a heart failure."
Wala akong naramdaman. Kahit na malungkot na binitawan iyon ng doktora ay wala akong naramdaman na kahit anong emosyon. Nanatiling blangko at madilim ang pag-iisip ko.
Alam ko kung ano ang sinasabi ng doktor at nararamdaman ko kung gaano kaseryoso ang usaping ito pero wala akong maramdamang galit o maisip na nakakalungkot.
Para akong isang manika na sinabihang malapit ng itapon, ngunit dala ng pagod at katagalan ng pagiging isang laruan. Wala akong naramdaman maliban sa saya na sa wakas ay makapagpahinga na ako?
"This isn't just a normal heart failure because you're currently on the last stage. Mrs.West you have a stage D heart failure and you only have a few months to live."
The moment that the doctor dropped that news like a bomb, I wasn't shaken. I wasn't terrified or in pain.
I don't know. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa mga oras na ito kaya nanatili na lang akong tahimik at walang kibo.
Ang akala yata ng doktor ay na bigla ako sa balitang ito dahil matapos niyang mag-iwan pa ng ilan'g mga detalye, suhestiyon at salita ay tinapik na niya ako sa balikat upang ipaalam na aalis na siya.
Nang naiwan akong mag-isa rito sa kwarto ng hospital ay inikot ko ang tingin ko sa paligid.
I'm going to die at a very young age I'm going to leave this world.
Habang nakatulala sa kawalan at unti-unting pino-proseso ng utak ko ang mga sinabing ng doktor ay bigla kong naalala yun'g kabataan ko.
Kung gaano ako kasaya at kabuhay noon. Marami akong pangarap at walang takot kong sinasabi ang lahat ng iyon kina mama at papa, pati na rin sa mga kaibigan at kakilala ko pero ngayon...
Ano'ng nangyari sa akin?
Nagsisimula na naman'g mag-iba ang t***k ng puso ko at naninikip na naman ang akin'g dibdib kaya bago pa maalerto ang mga doktor ay sinubukan ko ng pakalmahin ang sarili ko.
It's okay. This is a relief, kung mawawala na ako ay hindi ko na mararamdaman ang sakit at pagod.
Death is just like sleeping, right?
Matutulog ako at paggising ko ay maayos na ang lahat, only this time hindi na ako magigising. Hindi ko na siya makikita.
Napahilamos ako sa akin'g mukha. Gamit ang nanlalabo kong mga mata ay napatitig ako sa kulay puting kisame nitong kwarto.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Nang matauhan ako ay palubog na ang araw at nagsisimula ng dumilim ang kalangitan.
Nanghihina man at kulang pa sa lakas ay pinilit kong tumayo at umibis sa kama. Tinulak ko ang pole kung saan nakabitin ang IV papunta sa tabi ng bintana.
Hays, mamatay na ako at doktor na mismo ang nagsabi niyon. Pwede akong magpacheck ulit at kumuha ng second opinion galing sa doktor pero ayoko na.
Hindi na ako magpapagamot at hihintayin ko na matapos na lang ang lahat ng ito but...
Hindi ako makakapayag na mamaalam ng malungkot. Susulitin ko ang mga araw ko upang sa huli ay wala na akong pagsisihan.
Ang kanina'y naka isang linya kong labi ay unti-unting tumaas hanggang sa hindi ko namalayan at nakangiti na pala ako sa tanawin na nasa akin'g harapan.
...
"Hello?" Magalang kong bati sa waiter dito sa Paraiso cafe.
"Yes po?"
Ngumiti ako sa waiter sabay sulyap sa kusina nila.
"Is Mr.Jiang here?"
Kumunot ang noo ng babaeng waiter. Napansin nito ang pagsulyap ko sa kusina nila kaya sinundan niya iyon ng tingin, nang makitang wala naman'g ibang tao sa direksyon na iyon ay muli akong tinapunan ng tingin ng waitress.
"Yes po. May kailangan po ba kayo kay Sir?"
Ah yes, I won't personally come here if I don't need something from him.
"Ma-May gusto sana akong itanong sa kaniya..."
"Sige po tatawagin ko siya."
"Thank you."
Kung tignan ako ng waitress ay parang iniisip niya na aawayin ko ang chef nila. Hindi naman ako nagagalit doon dahil inaamin ko na naging masama ang ugali ko sa chef nila.
Na bastos yun'g tao noon'g nagpakilala ito at hindi ko man lang pinansin. Nandito ako ngayon dahil bukod sa gusto kong hingin ang recipe ng Apple pie niya ay gusto ko rin'g humingi ng tawad sa inasal ko.
Nahihiya akong napayuko at napasipsip sa smoothie na nasa akin'g harapan. This is the first time na pumunta ako rito ng hindi ko kasama sina Jana at Daisy, abala pa kasi yun'g dalawa para sa nalalapit na kasal ni Zeka. Hindi naman ako invited kaya marami akong free time.
Actually meroon kong hinandang regalo para kay Zeka atsaka sa future husband niya. Binili ko pa ito pagkatapos kong lumabas sa hospital two days ago.
"Mrs.West?" Malalim na boses ng isang lalaki ang humatak sa akin paalis sa malalim kong iniisip.
Humigop muna ako sa smoothie bago nakangiting tumayo at humarap sa bagong dating na lalaki.
My heart started to pump wildly when I saw the man's handsome face. Nakakunot ang noo at nakasimangot si Zoro pero hindi iyon hadlang para mawala ang karisma niya, as a matter of fact he look so hot.
Yun'g hot ba na talagang babagay sa kusina.
Nakasuot pa ang lalaki ng uniporme niya na pang chef at halatang pagod ito kaya nakaramdam ako ng hiya.
Talagang tinawag ko pa siya para lang dito?! Nagsisimula ko ng marealize kung gaano nakakahiya itong ginawa ko.
"Ah hahaha busy ka ba?" Naiilang kong tanong sa lalaki.
Mula sa akin'g mukha ay bumaba ang singkit na mga mata ni Zoro papunta sa lamesa na akin'g inuukapahan.
Busy yata ito at wala sa mood. Siguro ay babalik na lang ako sa susunod na araw?
"What do you need Mrs.West?" Marahan ngunit malamig ang tonong tanong ng lalaki.
Napahalukipkip pa ito sa akin atsaka ako binigyan ng nang mamaliit na tingin. Mas matangkad siya kaya normal lang na tumingala ako para lang masalubong ko ang mga titig niya.
Mukhang nagtanim nga nang sama ng loob itong taong ito.
Lihim kong nakagat ang pang-ibaba kong labi.
"So-Sorry kasi na bastos kita noon'g pangalawang beses na pagkikita natin. Natakot lang kasi ako na baka may makakita tapos sabihin na-"
Hindi na ako pinatapos pa ni Zoro. Muli siyang nagsalita at sa pagkakataon na ito ay mas madiin at mas malamig na ang kaniyang tono.
"What do you need?"
Napasulyap ako sa bag ko na nakapahinga sa isang tabi. Pwede ko na itong dampotin para makatakbo na ako paalis sa cafe na ito at makalimutan ko na na ginawa ko ito.
"I-I want to know your Apple pie recipe..." Halos pabulong kong asik habang nakayuko at paulit-ulit na kumukurot sa palad ko sa pag-asang mapapalis nito ang kaba.
"My Apple pie recipe?"
Tumango ako sa lalaki.
Masarap yun'g Apple pie, atsaka paborito kong pagkain iyon!
Ang sabi ni Jana ay pwede akong pumunta rito para tanongin ang chef tungkol sa recipe. Hindi naman daw madamot ang may-ari nitong shop lalo na't pinsan niya iyon.
Ewan ko na lang itong chef...
"If you really want my Apple pie recipe visit me in my condo. I'll give you the address." Iyon na lang ang sinabi ng lalaki.
Hihirit pa sana ako pero nakatalikod na siya at malalaki ang hakbang na lumakad pabalik sa loob ng kusina. Kahit na di-tiles ang sahig nitong cafe ay dinig na rinig ko ang yabag ni Zoro. Para itong bata na nagdadabog dahil hindi na bigyan ng candy ng nanay niya.
Naiwan akong tulala rito sa pwesto ko, nakatitig sa direksyon kung saan siya pumunta habang inaalala kung ano 'yong mga sinabi niya.
"Ma'am ito po 'yong address ng Condo ng chef namin." Nakangiting inabot sa akin ng waitress ang isang piraso ng papel at wala sa sarili ko naman itong tinanggap.
Visit him? Ibig sabihin pinapupunta niya ako sa condo nita?