Maaga pa rin nagising si Carmen kahit Linggo at walang pasok. Katulad ng nakagawian, tumulong siya sa kusina. Mabuti na lang at wala siyang klase—mas magaan ang pakiramdam niya ngayon kumpara sa nakaraang linggo na puro stress, hindi man dahil sa mga subject kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Alas sais pa lang ng umaga, tapos na sina Aling Gina at Aling Siony sa pagluluto. Tinulungan ni Carmen ang mga waitress sa canteen sa pag-aasikaso ng mga unang customer. Mangilan-ngilan pa lang ang kumakain.
Pagkatapos niya sa canteen, binuksan na niya ang grocery at nagpatawag ng tulong sa pinsan niyang si Lito. Naglinis sila at nagpunas ng mga shelves.
"Wow, ang sipag talaga ng pinsan ko!" biro ni Wendy habang papalapit, mag-aalas otso na ng umaga. "Kumain ka na ba? Ikaw na yata ang magiging 'Best Employee' dito!"
Natawa si Carmen. "Sira ka talaga. Kumain ka na ba?"
"Ay, siyempre! Ikaw lang ang nagpapalipas ng gutom dito. Look at me—fresh and beauty!" sabay ikot ni Wendy. "Unlike you, aga-aga pa lang, haggard na agad ang peg." sabay hawak sa pisngi ni Carmen.
Inalis ni Carmen ang kamay nito at tiningnan nang masama. "Ikaw talaga! Pumunta ka lang dito para asarin ako."
"Grabe siya! Pumunta ako dito para tulungan ka, no. Kumain ka muna doon, ako na bahala dito." sabay hila ni Wendy sa kanya papalayo. "Oo nga pala, nagpaalam na ako kay Tita na lalabas tayo mamaya."
"Ano? Saan tayo pupunta?" gulat na tanong ni Carmen.
Napabungisngis si Wendy. "Grabe ang reaction mo, OA! Gagala lang tayo. Day off natin, 'no! Hindi naman puwedeng si Tita Belen lang ang masaya sa araw na 'to. Maghapon lang naman tayong aalis."
"Huy! Baka may makarinig sa'yo," bulong ni Carmen. "Tayo lang ba?"
Tumango si Wendy. "Ayaw sumama ng iba, lalo na si Ate Mira. Sabi niya magastos daw pumunta sa mall."
"Totoo naman," sagot ni Carmen.
"Oo nga, pero minsan lang naman 'to. Sige na, please?" pagsusumamo pa ni Wendy.
Nagkibit-balikat na lang si Carmen at napapayag din. Alam naman niyang makulit talaga ang pinsan niya.
Alas dos ng hapon nang makarating sila sa SM Mall of Asia.
Namangha si Carmen sa laki ng mall. Kung siya lang siguro mag-isa, maliligaw siya. Pero in fairness, maganda pala rito. Nakakarelaks din pala minsan ang gumala.
"The scent of makeup ang nagpapaganda talaga ng mood ko," sabi ni Wendy habang nasa Watsons sila.
Tinaasan siya ng kilay ni Carmen. "Edi wow! Ang arte."
Hindi siya pinansin ni Wendy, abala ito sa pagpili ng makeup.
"O, ito bagay sa'yo. Gusto mo try natin?" sabay akmang pahid ng lipstick sa labi ni Carmen.
"Huy! Baka mapagalitan tayo!" tanggi ni Carmen.
"Kukunin naman natin 'to," bulong ni Wendy. "Miss, puwede ba naming i-try? Pero bibilhin namin kung maganda."
Ngumiti ang saleslady. "Sure po, Ma'am. No problem."
Mabilis na pinahid ni Wendy ang lipstick kay Carmen. "Wow, bagay sa'yo! Lalo kang gumanda."
Namula si Carmen. "Ewan ko sa'yo."
Hinila na siya ni Wendy papunta sa counter. "Tig-isa tayo. Malamang maganda rin 'to sa akin. Magkasing-ganda kaya tayo!"
"Whatever." Nakangiting sagot ni Carmen.
Nag-window shopping pa sila at nang mapagod, bumili ng milk tea at umupo. Sa kabila ng dami ng tao, hindi gaanong masikip dahil malaki ang mall.
Napansin ni Carmen at Wendy ang dalawang lalaking naglalakad—parehong matangkad at guwapo.
"Si Tristan!" kilig na sambit ni Wendy.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Carmen. 'Ano ba 'to? Bakit ako kinakabahan?' tanong niya sa sarili. 'Siguro dahil hindi ko inaasahang makita siya.'
Bago pa siya makapigil, tinawag na ni Wendy si Tristan.
Napatingin ang mga lalaki. Ngumiti si Tristan at lumapit kasama ang isa pang binata.
"Hello. Kanina pa kayo dito?" bati ni Tristan.
Tumango si Wendy, sabay sulyap sa kasama nito.
"By the way, this is my cousin Jay," pakilala ni Tristan. "Carmen and Wendy, meet Jay."
"Hello," bati ni Jay na nakatingin kay Carmen.
Napansin ni Wendy ang titig ni Jay. "Magpinsan kayo, 'di ba? Pareho kayong guwapo. Parang kami rin—pareho ring maganda!" biro nito.
Ngumiti ang mga binata. Inaya sila ni Tristan kumain. Tatanggi sana si Carmen, pero mabilis na umoo si Wendy.
"Ikaw talaga! Nakakahiya," paninita ni Carmen.
"Ano ka ba! Gutom na ako. Saka, double date tayo. Ako kay Tristan, ikaw kay Jay. Napansin ko, crush ka nun," panunukso ni Wendy.
Inirapan siya ni Carmen. "Sira ka talaga!"
Nasa rooftop na sila ng restaurant. Maganda ang view—kitang-kita ang mga ilaw ng siyudad at ang tanawin ng bay.
"Ang ganda ng view!" sabi ni Wendy, halatang aliw.
Tahimik lang si Carmen. Naiilang siya sa presensya nina Tristan at Jay. Hindi siya sanay na may kasamang lalaki, lalo na't parang date ang setup.
"Carmen, may problema ba?" tanong ni Tristan, may pag-aalala sa boses.
"Ha? Naku, wala naman." Napangiti si Carmen nang alanganin.
"This place is nice. So relaxing," ani Jay habang nakatingin sa paligid.
Dumating na ang pagkain at todo-asikaso si Tristan.
"Isn't it good?" tanong ni Tristan habang naghihiwalay ng karne at iniluluto ito.
"Sarap!" sabi ni Wendy.
"We'll do it. Kumain ka na rin," ani Carmen kay Tristan.
Ngumiti si Tristan. "Don't worry about me, eat up."
"Ang sweet naman ni Tristan. Kinikilig ako!" tili ni Wendy. "Alam niyo ba, nung high school kami, kilala 'yan ng lahat. Lahat ng girls may crush sa kanya, at yung boys ginagaya kung paano siya maglakad, manamit—lahat."
"Why would they do that?" gulat na tanong ni Tristan.
"Hindi mo alam? Grabe! Gusto mo sabihin ko na lang—kasi you looked cool!" biro ni Wendy.
"It's nothing cool," sabay ngiti ni Tristan.
"So Tristan was really popular," sabad ni Jay.
"O, oo naman! Pero kung sa same school kayo, baka may kaagaw na si Tristan," panunukso ni Wendy.
Ngumiti si Jay. "Didn't you guys like him?"
Nabulunan si Carmen. 'Bakit ako nadamay?!' sigaw niya sa isip.
"No, I didn't. Parang nanonood lang ako ng K-pop idol. Alam ko naman ang level ko, 'no," sagot ni Wendy. "Ewan ko kay Carmen."
Napatingin ang lahat kay Carmen.
"Wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay," tipid niyang sagot.
Nang matapos silang kumain, nagpaalam na sina Carmen at Wendy. Hindi na sila nagpahatid.
"Thanks for the food. Mauna na kami," ani Carmen.
"Uy, sana may kasunod pa yung date natin. Bye!" nakangiting paalam ni Wendy.
Pasikretong kinurot ni Carmen si Wendy.
Ngumiti lang sina Tristan at Jay bago rin nagpaalam.
Pag-uwi sa bahay, nasa kwarto na sina Carmen at Wendy.
"I get nervous with those handsome guys. The tension—nakakakilig!" ani Wendy habang yakap ang unan.
Inirapan siya ni Carmen. "Nervous ka pa sa lagay na 'yon? Daldal mo nga!"
"Guwapo ni Jay, 'no? Bagay siya sa akin," dagdag pa ni Wendy.
"Sino ba talaga?" natatawang tanong ni Carmen.
"Pwede ba, both? Hahaha!"
"Ang landi mo!" Tumayo si Carmen at binato siya ng unan.
Gumanti si Wendy—sapol sa mukha si Carmen.
Tawanan sila nang tawanan hanggang sa sinaway na sila ni Ate Mira. Tumigil naman silang dalawa, pero hindi mapigilang magsinghal habang nagtatawanan pa rin.