KINABUKASAN Nagising si Carmen sa tunog ng sunod-sunod na notifications sa lumang cellphone niya. Akala niya una, alarm lang. Pero nang bumukas ang screen, sunod-sunod na messages, tags, at missed calls ang bumungad sa kanya. Napakunot ang noo niya. Hinilot pa niya ang sentido habang binubuksan ang isa sa mga messages mula kay Wendy. WENDY (text): "Girl??!! Ikaw 'to?!! Omg you're trending!" Sinundan ng isa pa: "Seryoso ka na palang asawa ng Tristan Ibanez?! BAKIT DI MO SINASABI???" Napabalikwas si Carmen ng bangon. Nanginginig ang kamay habang binuksan ang browser. At ayun nga. HEADLINE: "CEO Tristan Ibanez Finally Reveals His Wife—The Mysterious Beauty Who Stole the CEO""Who is Mrs. Ibanez? PA-Turned-Wife Steals Spotlight at Company Event" "From Assistant to CEO's Heart? Meet Ca

