Sa opisina... Umupo si Carmen sa usual niyang desk malapit sa office ni Tristan. Kumakabog pa rin ang dibdib niya. Gusto niyang mag-focus sa trabaho pero parang lahat ng mata nasa kanya. Napansin niyang papalapit si Mika, isa sa mga employee niyang sa admin. "Uy, girl..." mahinang sabi ni Mika, pero halatang curious. "Sabay kayo ni Sir Tristan dumating ha? Hindi ko kinaya!" Ngumiti lang si Carmen. "May pinadala lang siyang sasakyan." "Grabe ha... special treatment!" pabirong sabi ni Mika, pero may halong tanong ang mga mata. Hindi sumagot si Carmen. Nilingon niya ang pintuan ng opisina ni Tristan—nakasara ito, pero parang damang-dama niya ang presyur ng bagong mundo na ginagalawan niya. At sa gitna ng open-floor office, sa dami ng computer clicks at tahimik na sip sip ng kape, isang

